ONGOING Allany Merandela. Kahit saang sulok ng Isla de Kastilyo ay kilala si Allany dahil sa taglay nitong kabaitan at naging tagapagtanggol ng buong isla laban sa mga may masasamang loob. Isang kargador na itinuring na hari ng palengke. But she's not a guy, babae siya. Babaeng titibo-tibo. Walang nagtatangkang kumalaban sa kanya dahil wala siyang sinasanto. Patayan kung patayan. Basag ulo kung basag ulo. Siya 'yong tipong hindi aatrasan si kamatayan lalo kung ang kaligtasan ng kuya at mga magulang niya ang pinag-uusapan. Mahirap lamang sila ngunit hindi 'yon naging rason para maging masama siya. Napakabait niya. At nalimusan si Winx Galero ng kabaitang iyon. Isang binatang may sakit sa pag-iisip na napulot ng kanyang kuya sa kung saan. Kinupkop nila ito at itinuring na kapatid. Binihisan at pinakain kahit hirap. Naging maayos naman ang lahat pero hindi niya alam na ang pagkupkop nila sa binata ang magiging dahilan ng pagtibok ng lalaki niyang puso para dito. Nadali siya ni Kupido.