SIDAPA- isang diyos na limot ng mga tao ngunit naglalakad pa rin sa ibabaw ng mundo. Taga-sundo- iyan ang madalas na itawag sa kanya. Tagahatid sa kabilang mundo. Taga-kuha ng espirito. Taga-habol sa mga dapat ng tumawid na nananatili sa mundo. Minsan siyang nagmahal, ngunit dahil siya ang kamatayan, lahat ng kanyang naisin ay nawawala rin sa huli... hanggang sa dumating siya isang araw. Sa digmaang nagaganap na lingid sa kaalaman ng mga tao, kailangang mamili ng balanse ng mundo. Ang diyos ng kamatayan ang maghuhudyat ng simula, ayon sa alamat. Kanino papanig ang diyos ng kamatayan? Kung ang buhay ng huling minamahal ang nakataya sa gitna?
41 parts