Palagi nating nakikita, nababasa at napapanood na ang lalaki ang knight in shining armor na tagapagligtas ng mga babae nanganganib o nalulugmok at ang mga babae naman ang damsel in distress na kailangan ng tagapagligtas sa kapahamakan at tagabuo ng durog na puso. Paano kung ang lalaki naman ngayon ang nasaktan, nadurog, at kailangan ng tagapagligtas? Ano ang gagawin nila kung sila naman ang nalugmok at kailangan ng mag-aahon sa dilim pinagsadlakan sa kanila ng pangit na karanasan sa pag-ibig? Isang matalinong tao, alerto at mapagmahal, at gwapo. Pagdating sa pag-ibig ay buhos-buhos siya. Nasaktan nang niloko at hiwalayan ng nag-iisang babaeng tanging minahal, upang matuklasan lamang niyang may iba na pala ito. Ilang beses pa ba niya ipagwawalangbahala ang mga senyales na matagal na niyang nakikita. Sapat na ba ang pag-ibig niya para mapanatili ang kasintahan sa kanyang piling? Isang mabait siyang anak, maganda at matalino. Kabaligtaran naman siya pagdating sa pag-ibig. Harapang niloloko ng kanyang kasintahan ngunit pikit-mata niyang tinatanggap kahit na malayo siya sa pamilya niya. Ilang beses pa niyang lulunukin ang kanyang pride bago siya magising sa katotohanang hindi naman siya totoong mahal ng kanyang iniibig? Isang umaga, nagising na lamang siyang tapos na ang lahat para sa kanya. Pagod na siya at wala nang nararamdaman para sa kasintahan. Kaya napagpasiyahan niyang tapusin na ang lahat. Si Teacher Maine at Doc Alden ay pinagtagpo ng tadhana sa hindi inaasahang pagkakataon. Dalawang taong may kakaibang pinagdaanan sa pag-ibig na pinagkrus ang landas ng isang manipis na dingding at apartment dumpster. Parehong nagmahal, isang natauhan at isang nabigo. Parehong niloko ngunit ang isa ay hayagang bumangon at ang isa ay nagkukubli. Parehong umibig, parehong niloko, parehong sinaktan, isang nagising sa katotohanan at isang hindi makausad. When He Cries ©All Rights Reserved February 16, 2020 Photo cover: Desygner