"My heart only beats for you." BIANCA and Jiroh are friends before they became lovers. But because of some complicated and heartbreaking circumstances, Bianca has to left him without talking to him. Alam niya sa sarili niyang tama lang ang ginawa niya dahil nasaktan siya ng sobra. Kaya naman pinilit niyang mag-move on sa ibang lugar at tuparin na lang ang pangarap niya. Hanggang sa umuwi siya sa Pilipinas pagkatapos ng ilang taon, dala-dala pa din niya ang paniniwalang nakalimot na siya. Pero ang akala niyang tahimik na niyang puso ay nagwala na naman nang muli niyang masilayan si Jiroh. Sa una, ang akala niya ay gusto lang niyang maibalik kahit ang pagkakaibigan nila hanggang sa mapagtanto niyang hindi lang iyon ang inaasam ng puso niya. Gusto na niyang madugtungan ang nasira nilang relasyon noon. Gusto na niyang ito pa din ang makasama habang buhay. Pero paano mangyayari iyon kung hindi niya alam kung siya pa din ang tinitibok ng puso nito? Paano ang mga kontrabidang siyang naging dahilan para masira ang relasyon nila noon? Hay, pag-ibig nga naman!