MAHAL NA MAHAL ko siya pero asawa na kita. Sino ba ang dapat kong piliin? Ang babaeng tunay kong minahal na ngayo'y nagbalik para bawiin ako o ang asawa ko na siyang dahilan kung bakit naging kumplikado kami ngayon? Dapat ko bang iwanan ang asawa ko na wala namang ibang ginawa kundi ang mahalin ako ng buong puso? para balikan ang babaeng minahal ko magpahanggang ngayon? Sino ba sa dalawa? Pareho silang mahalaga sa'kin. Ayaw ko ring mawala ni isa man sa kanila pero kailangan kong pumili sa kanila.. Sino ba ang dapat kong piliin? Sapat na ba ang pagpakasakit at pagbabayad ng asawa ko para piliin ko siya? O kelangan ko pa ring sundin ang tinitibok ng puso ko lalo't alam kong mayroong katugon?