Gusto ni Saya na mamuhay ng Normal katulad ng mga tao, ngunit talaga ngang malupit ang tadhana sa kaniya dahil ang nais niya ay kabaligtaran ng kasalukuyan niyang buhay. Galing siya sa Angkan ng mga Mangkukulam, pilit niya mang gumaya sa kaniyang Lola ay hindi naman matanggap ng kaniyang puso kaya ginawa niya kung ano man ang naisip niyang makakapagpigil sa ganitong paraan ng pamumuhay niya. Ang patayin ang Lola niya, ngunit talagang minalas siya dahil ang siyang inosente at gusto lamang mamuhay ng payapa at sa magandang paraan, siya ay pinaslang bago pa man madikit ang gamit na gagamitin niya sa pagpatay sa Lola niya. Sa hindi naman inaasahan, hind niya aakalaing matutupad pa ang kaniyang pangarap, ngunit sa isa namang pangyayaring hindi siya tanggap.