Ito ay kwento ng sakit at saya na mayroon sa paghihintay. Marahil ito ay narinig, nakita o naranasan na ng mga simpleng tao na minsan ay umasa sa salitang "Pag-ibig". Gaano nga ba katagal dapat umasa? Gaano katagal dapat maghintay sa salitang kasing lalim ng dagat para maunawaan at kasing taas ng langit para maintindihan. Ang salitang walang kasiguraduhan. Ang salitang sentro ng saya at sakit. Sa kwentong ito makikita natin kung paano kiligin ang isang lalake, paano dumiskarte ang mahina ang loob, paano magpapogi ang hindi kagwapuhan, paano maglakas-lakasan ang duwag, paano manghina ang matapang, paano umibig ang bato, paano umasa sa pangako, paano masaktan ang imortal, paano umiyak ang macho, paano manalo ang talunan, at paano magtiis sa paghihintay. Ang buhay ng lalakeng umasa, naghintay, nasaktan at naghintay ulit ng dahil sa salitang iniiwasan ng karamihan.
16 parts