IV. MUSIKA AT NGITI

70 0 0
                                    


Balik eskwela na. Tapos na ang bakasyon. Bagong school year, bagong taon, bagong buhay estudyante. At excited na kame ni Jason dahil College na kami! Pero magkaiba na ang course namin. Dahil sining ang tinahak ko nung Elementary at HighSchool, iba na ang kinuha ko pag dating sa college – Psychology. Hindi dahil gusto ko to, pero ito ang gusto sakin ng pamilya ko. Praktikal na kurso daw muna. Sabagay, walang pera sa Fine Arts sabi nila. At pwede din naman ako pumasok as Trainer sa mga kompanya pag natapos ko ang Psychology.

Si Jason naman, Information Technology ang kinuha. Gusto nya lang daw, at mahilig kasi sya kumalikot ng mga computer. In demand din ang IT sa ibang bansa sabi nya. Mahilig ako sa computer pero hindi ko lang trip na puro computer ang pagaaralan sa apat na taon.

Iba ang college, malayo sa High school. May sariling mundo na lahat ng mga estudyante, at ganun din ako. Hindi na din ako kilala ng mga estudyante di gaya nung high school at elementary, at mas gusto ko yun. Makakagalaw ako ng maayos at walang nageexpect sa akin. Masaya ang buhay!

Lumipas ang isang semester at wala parin akong kaibigan sa school, sumasama ako lage kila Jason at sa mga tropa nya tuwing break time. Karamihan ng kaklase ko sa block namin ay puro babae, may lalake din pero paisa-isa lang bawat subject, nerd pa sila. Kilala ko lang sa pangalan pero wala akong malapit na kaibigan sa mga kaklase ko. May mga magaganda, makukulit at pasok sa listahan, pero hindi ko lang talaga sila gusto. Wala pa siguro sa isip ko, o hindi ko lang sila type, di pumasok sa taste ko.

Sa mga oras na yun, hindi na ako umasa na magkakaroon ako ng lovelife sa college life ko. Samantalang si Jason ay nakatatlong girlfriend na sa loob ng isa't kalahating semester. Mukang nakalimutan nya agad yung seminar na pinuntahan nya.

"Ang hina mo Tim, gaganda ng kaklase mo ayaw mo naman diskartehan" Pagyayabang ni Jason

"Ayoko pa. Hindi ko sila type. Nakalimutan mo na ba yung seminar pati listahan natin?" Sabi ko sa kanya

"Huh? Wala na yun. College na tayo." Tila ba nakalimot sya sa mga sinabi nya noon.

Kalagitnaan ng 2nd semester, malapit na ang pasko, niyaya ako ng isang kaibigan ko sa church na pumunta sa isang church dahil daw may training and seminar tungkol sa music para sa mga gustong sumali ng Music team sa kani-kanilang church. Yun na din ang oras na nahihilig na ako sa music at nagaral mag gitara. It's a form of art nga daw sabi nila. Sinama ko si Jason sa nasabing seminar dahil sya din ay drummer ng church nila.

Pag dating namin sa church at venue ng seminar, madaming bisita galing iba't-ibang simbahan. Simple lang ang simbahan, parang isangdaang tao lang ang kasya pero high end ang mga gamit nila sa music, de-aircon din ang simbahan. Maganda ang lightings at mataas ang ceiling. Maaliwalas at maganda nga pagganapan ng seminar.

Pagkatapos ng unang session nakilala ko habang breaktime ang isang lalaki, gitarista na mahilig sa gear, sya si Ran. Si John Mayer daw ang impluwensya nya sa paggigitar kaya ang gamit nya ay Fender Stratocaster na kulay itim. Si Ran medyo matangkad, halos pantay kame sa height na 5'8", medyo kayumanggi ang kulay at parang Westlife ang buhok. Masaya sya kausap, parang nasa kanto lang magsalita kahit may kaya sa buhay, kaya siguro nagkaintindihan agad sila ni Jason.

Pagtapos ng Seminar, lalo ako nagkainteres sa musika, lalo na sa gear dahil sa buong araw ko na pakikipagusap kay Ran. Maging si Jason lalong nagustuhan ang musika at nangako na mageensayo mabuti sa pagda-drums.

Bago kame umuwi, habang nasa gate kame ng church tinawag kami ni Ran para kunin ang cellphone number namin at ipakilala na din kami ni Jason sa mga kasama nya sa kanilang music team. Una kaming nagpakilala ni Jason

PAGHIHINTAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon