"Hi Tim, may sportfest na gaganapin simbahan namin. Kasama ang simbahan nyo, buo ka ng Basketball team mo. Umpisa na sa Sabado."
Yan ang text ni Ran na bumungad sa umaga ko. Ang nasa isip ko agad nang mabasa ko ito ay hindi ang basketball, kundi ito ang magiging paraan para makita ko ulit si Khay. Mayroon na namang dahilan para magkita kami. Saya ng bakasyong ito!
Tinext ko agad si Jason para sabihin na sumali sa team ng simbahan namin. Ganun din sila Allen at Joseph. Lumipas ang isang araw at nakumpleto ko din ang aming team. Handa na kami sa laro, at handa na rin ako makita ulit si Khay! Tinext ko agad si Khay at sinabing kasama kami sa kanilang gaganapin na SportFest.
"Nice. See you then. God bless"
Sagot ni Khay sa text.
Dumating ang araw ng Sabado at nagpunta na kami sa court na malapit sa kanilang simbahan. Nakita ko na sa malayo si Khay at naglalaro siya ng Volleyball kasama ang ibang mga babae sa kanilang simbahan. Tumingin lang siya sa akin isang beses at ngumiti sabay balik sa kanyang ginagawa. Sobrang saya ko na nakita ko ulit si Khay. Habang kami ay naglalaro, sila Khay naman ay nasa kabilang court at nagkekwentuhan kasama ang kanyang mga kaibigan. Panay ang tingin ko sa kanila, pero ni minsan hindi ko siya nakita tumingin sa akin.
Matapos ang laro, kinamusta ko sa text si Khay habang nagpapahinga ako. Tinignan ko siya sa malayo at nakitang hawak ang cellphone nya, mukang magrereply sa text ko.
"Ok lang naman. Nakakatuwa kasi madaming church na magkakasama"
"Nice. Sige ingat ka pag naglaro kayo mamaya" Reply ko sa text niya.
Habang nakaupo ako, lumapit at tumabi sa akin si Ran. Kinamusta ako at sinabing...
"Bro kamusta na? Nagkakatext na ba kayo ni Khay?" sabay tawa na may halong pangaasar
"Oo bro. Nagkita din kami once kasi may kinuha akong CD sa kanya. Halos araw-araw kami nagkakatext" Sagot ko habang nakangiti
"Pero bro, medyo pihikan yan sa lalake. Madami na nangligaw dyan pero wala pa siyang sinagot kahit isa. Hindi pa nagka Boyfriend din yan. Tawag nga ng ibang lalake sa kanya 'manhid' eh"
Sabi ni Ran na parang may halong pagbabanta.
Napangiti lang ako pero sa loob ko medyo kinabahan na ako. Tingin ko nga ganun si Khay. Nagrereply lang sya sa mga text ko kapag ako ang naunang magtext, at kung mauna man siya ay Group Message yun. Sa ilang linggo na magkatext kami, hindi ko maiaalis sa sarili ko na umasa ako na sana may crush din siya sa akin. Pero sa sinabi ni Ran sa akin, tingin ko ganun lang talaga ang ugali niya – sadyang mabait.
Isa sa pinakamahirap na kalagayan ng isang lalake ay ang umasa na may gusto din sa kanya ang babaeng gusto niya. Pero sa oras na malaman nya na wala pala, nasa lalake yun kung tutuloy ba siya na kausapin ang taong gusto niya o magpapakain na lang siya sa hiya at tuluyang mawawalan ng pagasa. Ako yung tipong mahiyain. Kaya habang kami ay pauwi na, aking naisip na ihinto ko na lang kaya ang pagtetext sa kanya at hayaan na lang ang tadhana ang magdikta ng lahat.
Paguwi ko, tinext ko agad si Khay
"Hi Khay. It's good to see you again. You look great kanina. Galing! Sige good night and God bless."
Agad din namang nagreply si Khay at sinabing
"Thank you. Until next time. Good night and God bless"
Sa huling text ni Khay ng gabing iyon, dun nga ako nagising sa reyalidad. Masyado akong 'assuming' at inisip na baka may gusto din siya sa akin. Siguro marahil nasanay ako na may mga nagkakagusto din sa akin. Bago ako matulog, hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Ran kaya parang gusto ko na huminto. Pero sa kabilang tenga ko naman ay may nagsasabing ituloy ko dahil siya na ang pangarap ko na matagal ko nang hinihintay. Tama, siya ang matagal ko nang pangarap at ngayon nakita ko na, bakit pa ako susuko. Tinext ko agad si Jason at sinabi lahat ng sinabi ni Ran. Sumagot siya agad at sinabing
"Kung sabi mo ay pangarap mo siya, bakit ka hihinto sa pangangarap dahil natatakot ka lang? Ituloy mo kung gusto talaga siya. Maghihintay ka nga lang at ihanda mo sarili mo masaktan."
Kinabukasan, sobra ang sakit ng katawan ko pag gising ko kinaumagahan. Matagal na din pala ako hindi nakakapaglaro ng Basketball siguro kaya sumakit ngayon ang katawan ko. Biglang pumasok ulit sa isip ko si Khay, at tinanong ko ang sarili ko... "Tutuloy pa ba ako?"
Agad kong tinext si Khay ng "good morning" at sumagot din naman siya matapos ang limang minuto ng "good morning din". Kung kaya ko lang sana magbasa ng utak at puso matagal ko ng ginawa. At hindi porke Psychology ang course ko ay kaya kong basahin ang ugali ng isang tao, dahil kung ganun lang din malamang nagaral na ng Psych ang lahat ng tao.
Ayaw ko magpadaig sa sinasabi ng isip ko, at gusto kong tumuloy dahil yun ang sabi ng puso ko. Kung hihintayin ko man siya, ok lang sakin. Mas nais kong hintayin ang "best" na malabong magkagusto sa akin kaysa maghanap ng tao na mabilis nga ako magugustuhan pero "better" lang siya. Tinext ko agad si Jason at sinabing...
"Hi Jason, sa totoo lang tama sinabi mo sakin kagabi. Tutuloy ako na makipag-communicate kay Khay, siya ang pangarap ko. Kung ayaw man nya sakin, ok lang. kung kailangan ko maghintay, kahit matagal. Sige. Salamat pala!"
Ang totoong laban sa pagibig ay hindi ang sakit na pwedeng gawin sayo ng babae o lalake, kundi ang takot na mayroon ka sa sarili mo.
Matext nga ulit si Khay....
BINABASA MO ANG
PAGHIHINTAY
RomanceIto ay kwento ng sakit at saya na mayroon sa paghihintay. Marahil ito ay narinig, nakita o naranasan na ng mga simpleng tao na minsan ay umasa sa salitang "Pag-ibig". Gaano nga ba katagal dapat umasa? Gaano katagal dapat maghintay sa salitang kasing...