XII. "FOREVERMORE"

26 0 0
                                    


"Best! Good morning! Ingat ka ha. God bless"

Yan ang text ko lagi kay Khay tuwing ako'y gigising sa umaga. Magrereply din siya na halos parehas ng aking message sa kanya. Minsan naisip ko, sweet din pala si Khay. Sa text man o sa tuwing magkasama kami puro tawanan at kwentuhan. Tumagal ang aming pagkakaibigan ng maraming buwan pa. Isang araw nagpasama si Khay magpunta ng Maynila dahil may aasikasuhin daw siyang mga dokumento nila para sa school. Agad akong pumayag syempre!

Matagal na panahon na din noong huling beses ako nakapunta ng Maynila, taong-bahay kasi ako at sa Quezon City lang madalas namamasyal. Ibang-iba at hindi ako sanay sa Maynila, pero si Khay iba ang diskarte at para bang alam na alam niya ang lahat ng pupuntahan.

"Kabisado mo ba 'tong Manila? Parang alam na alam mo ah." Nagtataka na tanong ko kay Khay

"Actually hindi na din masyado, matagal na din ako hindi nakabalik dito eh." Sagot ni Khay

Si Khay ay nagaral ng kanyang unang taon sa Kolehiyo sa UP Manila bago siya lumipat ng UP Diliman, kaya alam niya din siguro. Sinamahan ko siya pumunta sa dati niyang eskwelahan. Nag-abang lang ako sa labas, hinihintay siya habang naglalaro ng "race" sa Cellphone ko. Panay ang tingin ko sa gate dahil baka dumating na siya. Lumipas ang isang oras pero wala parin siya. Sa totoo lang sobrang mainipin akong tao, mabilis ako mainip lalo na sa paghihintay sa pila o sa labas. Hindi ko alam kung bakit pero isa yun sa mga problema ko talaga. Pero sa oras na yun, kahit naiinip na ako, nagtiis ako na maghintay sa kanya dahil si "Khay" siya at ko mahal ko siya.

Lumipas pa ang ilang minuto, nagtext siya sa akin at pinapasok ako sa building nila. Nakita ko siya sa hallway, nakangiti sa akin at tinatawag ako. Pag lapit ko sa kanya, pinakilala niya ako sa mga dati niyang kaklase...

"Hi guys, si Tim nga pala. Friend ko. Bestfriend ko."

Nagulat ako hindi dahil sa mga kaklase niya, pero dahil sa pagpapakilala niya sa akin. Napatingin ako sa kanya habang ako'y nakangiti. At nakita ko ang mga mata niya na iba ang saya din.

"Bestfriend ba o Boyfriend?" Pangaasar ng isang dati niyang kaklase.

"Bestfriend no. Anyway sige guys alis na kami. Salamat ulit!" Nagpaalam na si Khay sa kanila

Ang mga dating kaklase ni Khay, cool sila, tipikal na UP Students; naka eyeglasses, tshirt, rubber shoes. Sa paglabas namin sa UP Manila, nagtanong ako kay Khay

"So saan tayo pupunta ngayon? Gusto mo kain muna tayo? Tapos punta tayong National Museum, bata pa kasi ako nang huli akong nakapunta dun"

Sumagot agad si Khay, "Sige ba. Ako tour guide mo. Sana lang bukas ang National Museum ngayon"

Kumain kami saglit sa malapit na Mcdonalds at dumiretso sa National Museum. Mahilig ako sa History at Arts kaya Museum ang isa sa mga lugar na gusto ko talagang puntahan. Basta mga historical places, fanatic ako ng mga yun. Si Khay ay mahilig din sa history, pero hindi masyado sa Arts. Kaya tingin ko mageenjoy din siya sa mga yun. Pag dating namin sa National Museum, sarado. Nakakapanghinayang dahil minsan na nga lang ako dumayo sa Manila. At dahil nakita ni Khay ang panghihinayang sa akin, niyaya niya ako sa Intramuros.

"Kawawa ka naman. Tara sa Intramuros na lang tayo. Ok din naman dun" Pangaasar at pagaaya ni Khay

Agad ako pumayag. Hindi mahalaga sa akin kung saan, ang mahalaga kung sino ang kasama ko – si Khay, ang pangarap ko. Unang beses ako nakarating at nakatungtong sa Pader ng Intramuros. Puno ng kasaysayan ang lugar. Iniisip ko ilang pangyayari na kaya sa kasaysayan ang nasaksihan ng mga pader na ito.

Habang naglalakad kami sa taas ng pader at tinitignan ang Manila City, nagkekwentuhan din kami ni Khay. Medyo mainit ng oras na yun, tanghaling tapat at iba ang trip namin. Natatawa ako dahil nagtatago si Khay sikat ng galit na araw. Mukhang ayaw nya umitim. Habang pinagmamasdan ko siya na nakangiti, kasabay din nun ang pagpapasalamat ko sa Maykapal sa oras at pagkakataon na ibinigay sa amin. Naisip ko, hanggang kailan kaya kami ganto kasaya, na kahit hindi pa kami, wala pang boyfriend-girlfriend title, masaya na kami. Masaya makita ang taong mahal mo na masaya din at makikita sa kanyang mga mata at ngiti. Sana huminto ang oras o bumagal man lang ang panahon.

Ilang buwan ang lumipas pa, napadalas ang pag alis at gala namin ni Khay – sa mall, park, at mga kalapit na historical places lang. Madalas din ang pagkain namin sa labas pero karamihan ay fastfood lang, wala pa kasing mga trabaho para kumain sa mga mamahaling Restaurant. Minsan nasabi nga sakin ni Jason na wala na daw ako oras para sa sarili ko at sa mga dating barkada ko, hindi na din kasi ako nakakapag Basketball kasama sila. Ang mahalaga kasi sakin ngayon si Khay. Pangarap ko siya at matagal na hinihintay.

Isang araw, sinundo ko si Khay pagkatapos ng kanilang last subject, malapit na din ang sembreak nun. Nag Mango shake muna kami at nagkwentuhan habang naglalakad. Sa aming paguusap bigla siyang nagpasalamat sa akin...

"Tim, salamat ha. First time ko magtiwala sa isang tao, lalake pa. Bestfriend nga"

Napangiti ako sa sinabi niya. At sumagot din ako na...

"Salamat din Khay sa tiwala. Promise di kita iiwan. Hihintayin din kita kapag ready at pwede na maging tayo. Bestfriend forever Best!"

Sa usapan namin na yun, suot namin ang pinakamasayang ngiti. Alam ko sa sarili ko na sa pagdaan ng panahon na lage kami magkausap at magkasama, gusto na din niya ako. Kahit gaano sabihin ng ibang tao na manhid si Khay, alam ko na sa loob niya ay malambot ang puso niya at kailangan niya lang ng taong magtitiwala at iintindi sa kanya, at ako yun. Handa ako ibigay lahat sa kanya, ituturing ko siyang prinsesa ng kaharian ko.

"Sa tingin ko nga hindi lang Bestfriend kaya Best tawag ko sayo" Sabi ko kay Khay habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko at nagpapalipas ng oras sa may Oval.

"Bakit? Ano pa ba?" Tanong ni Khay

"Kasi tingin ko din God's Best eh." Sabay tawa ng malakas. "Joke lang" at biglang bawi.

Natawa si Khay at sinabing

"Sabagay, pwede din." Sabay ngiti.

Napatingin ako sa kanya habang nakasandal siya sa mga balikat ko. Inaabangan namin ang paglubog ng araw kasabay ang pagsikat ng mga emosyon at pagmamahalan namin sa isa't-isa.

"Kailan mo ba ako sasagutin at magiging tayo na? Parang MU na din tayo." Tanong ko kay Khay

"Hmm. Hintayin mo lang, pag nakagraduate na tayo. Ayoko naman i-fail parents natin, may tiwala sila satin na pagaaral muna. Kaya mo ba ako hintayin?" Sagot ni Khay

"Oo naman. Ikaw pa. Pangarap lang kita dati, ngayon nakasandal ka pa sa balikat ko. Hihintayin kita, pangako." Sabi ko kay Khay na may kasiguraduhan

Bago kami umalis sa UP, pag tayo namin sa aming inuupuan, yumakap si Khay sa akin at bumulong ng "Salamat Tim. Masaya ako"

Hindi ko alam gagawin ko, nagulat ako, hindi ako halos makapagsalita na tila naging bato ang buong katawan ko. Dahan dahan ko din niyakap si Khay at sinabing

"Salamat din. Mas masaya ako"

Sa paglalakad namin papunta sa sakayan ng jeep, parang naririnig ko na naman ang kantang "Forevermore" ng Side A. Napapakanta ako habang kasama ko si Khay,

"You were just a dream that I once knew, I never thought I would be right for you..."

Nasabi ko nalang sa sarili ko...

"Masaya pala mainlove lalo na sa taong pinapangarap mo lang noon"

ts":{"0Y@


PAGHIHINTAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon