Masaya ang gising ko sa umaga. Pandesal ang umagahan, wala namang bago sa almusal pero parang mas masarap sya ngayon. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo. Pinatugtog ko ang kantang "Swimming Beach" ng Parokya Ni Edgar habang ako ay naghahanda sa pagpasok sa eskwelahan. Pang-summer ang tugtog pero December na, magpapasko na pala. Hindi lang basta masaya ang panahon na yun, pero dahil din sa babaeng nakilala ko noong isang gabi – si Khay.
Mukha akong pasyente sa mental dahil naglalakad ako ng nakangiti at gusto kong batiin lahat ng nakakasalubong ko. Totoong maganda ang umaga, puno ng saya. Hindi mawala sa isip ko nang sabihin nya sakin na "I'm Khay". Kahit siguro katabi ko ng oras na yun maririnig tibok ng puso sa dibdib ko. Sa sobrang saya ko ng gabing yun, nailibre ko ng wala sa oras si Jason sa lugawan malapit sa court kung saan kami lage naglalaro ng Basketball. Halos wala din ako tulog ng gabing yun dahil sa kilig, pero masaya parin pag gising kahit puyat.
Habang nagkaklase kami, ganado din ako at di napansin na lumipas ang tatlong oras na Minor subject. Iba yata ang sikat ng araw. Pagtapos ng klase, naghihintay pala si Jason at Mark (Kaklase ni Jason na barkada din namin) sa labas ng classroom ko, nagaaya mag computer sa labas. Pumayag ako dahil wala na din naman akong klase. Sa paglalakad namin papunta sa computer shop, tinanong ako ni Jason
"Pre parang saya mo ngayon ah, kagabi ka pa."
"Son, ganda kasi talaga nya. Di mawala sa isip ko yung ngiti nya. Kahit wala pa kaming communication, kinikilig na ako" sagot ko sa kanya na may halong kilig
"Sino ba kinakikiligan mo pre? Yung kaklase mo bang chiks na binusted si Jason?" Tanong ni Mark na may kasamang tawa. Sabay batok galing kay Jason
"Hindi Mark. Wala akong trip sa mga kaklase ko. Son, naalala mo ba yung kasama ni Ran kagabi? Yung isang singer nila. Si Khay." Pakilig ulit na sabi ko
"Ahh oo, yung morenang maganda?" Sabi ni Jason
"Oo yun na nga! Pre ang ganda nya. Yun yung gandang gusto ko talaga. Yun yung pangarap ko noon pa. At mukang nagkakatotoo na panaginip ko nung makita ko ngiti nya"
"Ang korni mo tsong! Maglaro na tayo!" Pambabara ni Mark
Makalipas ang isang lingo, habang naggigitara ako magisa sa kwarto gamit ang unang acoustic guitar ko, may nagtext sa akin na number lang at ang sabi ay "Tim?". Sobrang bitin ng text na tipong kailangan pa ako magreply at tanungin kung sino sya. Hindi pa uso sakin ang unli-text kaya bawat reply ko piso ang halaga. "Sino to? Pati bakit po?" reply ko sa nagtext.
"Si Ran to, ano kelan tayo magja-jam? Malapit ako now sa lugar nyo, dala ko din gitara ko kasi may gig akong pinuntahan" reply ng number na si Ran pala.
Pumasok sa isip ko agad si Khay dahil kachurchmate nya si Ran. Nagreply ako sa kanya na pwede kami magJam sa bahay dahil wala din naman akong klase sa araw na yun. Habang naggigitara kami, nagpaturo ako ng mga dapat malaman sa gitara: scales, chords, mga kanta, at iba-ibang gear sa gitara. Napagusapan din namin ang church at ministry nila. Pumasok din sa usapan ang career at pagaaral at dun ko nalaman na matanda pa pala sakin ng limang taon si Ran kaya pala madami siyang alam sa gitara. Nagtapos din sya ng computer science, at nagtatrabaho na sa isang NGO. Naghahanap ako ng tyempo kung paano ko ipapasok sa usapan si Khay. Sabi ko
"Ah bro, maiba tayo. Kamusta naman mga singers nyo? Magagaling ba?" umaasa na sagutin nya na kasama si Khay
"Yung team namin, ok naman sila. Committed sa ministry at maasahan mga singers na yun. Lalo na si Khay" Sagot ni Ran
Sakto! Pumasok sa usapan si Khay. Kaya nagtanong na ako tungkol sa kanya. Nalaman ko na galing pala sa maayos na pamilya si Khay. Doctor ng isang Prominenteng Ospital ang tatay nya, at housewife ang nanay nya. Lima silang magkakapatid at pangalawa sya sa panganay. Lahat sila ay nagaaral sa mga bigating paaralan. Kung tutuusin, sobrang ayos pala ng pamilya ni Khay, may kaya sila sa buhay. Nalaman ko din na kahit sobra ang commitment ni Khay sa ministry nila, hindi sya minsan naiintindihan ng iba nilang kasama dahil na rin sa pagiging perfectionist nya.
Bago matapos ang usapan at jamming namin, tinanong ko si Ran kung pwede ba mahingi cellphone number ni Khay at ng iba nyang kasama para kung sakali magkaroon ng Youth gathering sa church, iinvite namin sila. Ginamit ko lang rason ang "youth gathering" para mahingi cellphone number ni Khay. Ako kasi yung tipo ng lalake na walang lakas ng loob hingin sa personal ang cellphone number ng isang babae. Takot ako ma-reject.
Binigay naman ni Ran ang Cellphone number ng mga kasama nya, pati kay Khay. Bago umalis si Ran, habang nasa pinto sya palabas ng bahay, nagpasalamat sya sa jamming at biglang sabi...
"Tim, kunyari ka pa. Halata ka na may gusto ka kay Khay" sabay tawa.
Hindi ko alam ang sasabihin ko at nautal ako. "Ah? H-Hindi naman. Sakto lang. C-cute nya kasi"
"Madami nagkakagusto dun. Wag ka magalala di ko sasabihin na may gusto ka. Pero halata ka kasi lalo nung gabi na hinabol mo kame para lang tanungin pangalan nya. Lalake din ako, alam ko galawan natin" Pangaasar nya pa.Hindi ko pansin na halata pala ako. Lalo akong nahiya ng sabihin ni Ran sa akin yun.
Hanggang gabi bago ako matulog, habang nakatingin sa number at pangalan ni Khay sa cellphone ko, iniisip ko parin na baka nahalata ni Khay na crush ko sya. Mas lalo akong nawalan ng lakas ng loob na itext sya kahit na isang text lang ang layo namin.
Nagiisip ako kung paano ako maguumpisa sa pagtext sa kanya. Pero walang pumapasok sa isip ko kundi puro "Baka". Baka kasi hindi ako pansinin, baka magalit, baka ayaw nya pala sakin, baka mayabang dating ko, baka ireject nya ako.
Alas-Tres na pala ng madaling araw at may pasok pa ako kinabukasan. Pinagbukas ko na lang ang pagiisip sa unang text na isesend ko sa kanya at kung paano ako magpapakilala.
"Good morning" o "How are you?" Bahala na!
BINABASA MO ANG
PAGHIHINTAY
RomanceIto ay kwento ng sakit at saya na mayroon sa paghihintay. Marahil ito ay narinig, nakita o naranasan na ng mga simpleng tao na minsan ay umasa sa salitang "Pag-ibig". Gaano nga ba katagal dapat umasa? Gaano katagal dapat maghintay sa salitang kasing...