III. LOVE, COURTSHIP & JASON

88 0 0
                                    


"Paano ba manligaw?" Tanong ko kay Jason habang nagpapahinga kame pagkatapos maglaro ng Basketball.

"Alam mo pre, lakasan ng loob yan. Pero sa totoo lang, di ako nanliligaw kasi ako ang nililigawan. Sa gandang lalake ko, di na ako mahihirapan. Hahaha!" Biglang tawa ng malakas na may halong yabang

Ganyan talaga ang bestfriend kong si Jason. Matagal na kami magkaibigan, simula Grade 2 pa lang kaklase ko na sya. Lagi din kami magkatabi dahil magkasunod lagi ang apelyido namin. Kasama ko siya sa kalokohan, at kasama ko rin sya tuwing kami ay pinapagalitan. Sa totoo lang hindi naman ako makulit, tahimik na tao lang ako, siryoso at hindi makabasag pinggan. Pero kabaligtaran ko 'tong si Jason – sobrang kulit, maligalig at malakas mangasar. Pero siya yung tipo ng kaibigan na hindi ako iniwan at lagi ako pinoprotektahan. Kapag may nangaasar at nangtitrip sakin, siya ang maghahamon ng away at unang susuntok.

Siya din ang kailangan ko kapag kailangan ko ng lakas ng loob. Magaling sya magpalakas ng loob at magbigay ng tulak sa akin. Siya din ang tinatanong ko kapag may gusto ako malaman tungkol sa babae, dahil sa dami ng kanyang niligawan pero ni minsan hindi nagkaroon ng Girlfriend. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi kasi sya kagwapuhan at katalinuhan, sadyang makulit lang talaga at nadadala ng ugali nya.

"Siryoso ako, paano ba manligaw?" Tanong ko ulit sa kanya

"Magbigay ka ng bulaklak, ihatid mo sa kanila, libre mo ng pamasahe. Itext mo lage. Sunduin mo din" Siryoso na nyang sinagot, pero parang di kapanipaniwala

"Hindi ko kasi alam kung paano eh. Hindi ko alam kung may rules din yun"

"Bakit? Sino ba liligawan mo?" Tanong nya sakin

"Wala" sagot ko sa kanya

"Eh wala naman pala! Tsaka ka na magpaturo kapag meron na. Sa ngayon maghintay ka muna, may dadating din dyan" Pangaasar ni Jason.

Hindi ko alam kung ano gagawin at sasabihin ko kapag may nagustuhan akong babae. Kagaya ng nangyari sa first crush ko na si Jean, wala akong ginawa kaya naunahan ng iba – sayang. Kaya ngayon gusto ko malaman paano ba; may rules ban a dapat sundin? May mga do's and don'ts ba? Hindi ko alam. Gusto ko lang maging handa para kapag dumating ang oras na may nagustuhan ako, alam ko na ang gagawin ko. Malapit na din kasi ang college life, mas madami pang makikilala.

Isang gabi, niyaya ko si Jason na magovernight sa amin, wala pa kasing pasok – bakasyon.

"Son! Overnight ka sa amin mamaya. May bago akong game sa Gameboy ko."

"Sige ba! May bago din akong version ng Pokemon" Sagot nya na may halong excitement

Pero bigla siyang humirit na,

"May ikekwento din ako sayo, natutunan ko sa seminar na pinuntahan namin ng mga kachurchmate ko"

"Sige ba, ano bang seminar pinuntahan nyo?" nagtatakang tanong ko

"LOVE COURTSHIP & DATING! Hahahaha!" sagot nya na pasigaw, sabay tawa na may kahalong yabang (tipikal na tawa ni Jason)

Pagtapos naming maghapunan at maglaro ng Gameboy, dumiretso na kame sa kwarto ko para matulog. Habang nakahiga kame, tinanong ko na sya tungkol sa seminar na pinuntahan nila. Sabi nya

"Alam mo pre, naliwanagan ako sa seminar na yun. Kaya pala kahit gwapo ako at madaming alam sa mga galawang pogi, nauuwi parin sa busted ang panliligaw ko – kasi hindi ako marunong maghintay"

"Huh? Maghintay?" Tanong ko sa kanya

"Oo Tim! Sabi ng speaker, dapat daw ang lalake marunong maghintay ng babae. Yun yung sinabi ko sayo diba, na may dadating din na mas ok kaya hintayin natin. Siya yung babae na sakto talaga sayo, hindi dahil close mo lang sya kaya ka nadevelop pero yung babae na may spark talaga."

Dagdag nya pa ... "Mahirap kasi satin mga lalake kapag madalas natin kausap ang kaibigan nating babae, nadedevelop tayo. Pag may nakita tayo maganda, feeling natin love na. Kahit di pa natin masyado kilala, liligawan na. Mali pala! Mali pala lahat ng batas na ginawa ko."

"Dapat daw pala, pinagpe-pray ang babae. Kahit di mo pa sya kilala, ipagpray mo na!"

"Huh? Paano yun? Hindi ko pa kilala pero pagpe-pray ko?" Tanong ko ulit sa kanya

"Oo Pre! Tapos kailangan daw magsulat ka ng mga katangian na gusto mo sa isang babae. Tapos ayun yung ipagpray mo. Ako nga may nasulat na." Sagot ni Jason

Pinakita nya sa akin yung mga katangian na gusto nya sa isang babae. At nagulat ako...

1. Maganda (kamuka ni Kristin Hermosa)

2. Kasing sexy ni Fujiko

3. Magaling magluto ng Adobo

4. Tahimik

5. Tanggap ako

Hindi ko alam kung matatawa ako sa listahan nya ng gusto nya sa isang babae.

"Bakit merong 'tanggap ako' dyan sa listahan mo?!" Natatawa kong tanong

"Eh kasi lage ako busted, kaya gusto ko sa isang babae, tanggap ako" Siryosong sagot nya na medyo nakayuko, parang nagdadrama.

Naisip ko, tama si Jason. Kaya pala madaming lalake ang nabubusted at nasasaktan, nauuwi sa paghihiwalay ang relasyo dahil na rin sa pabigla-biglang desisyon. Hindi naghihintay ng tamang panahon. Hindi inaalam ang prayoridad sa buhay kagaya ng pagaaral. Sa tingin ko nga din dapat ipagpray ko na ang babae na gusto ko.

"Son, gagawa din ako ng listahan. Mga katangian na gusto ko sa babae. Tapos pagpepray natin"

Pagtapos ng ilang minuto, pinakita ko sa kanya ang listahan ko...

1. Kristyano – parehas kami ng paniniwala

2. Matalino – para makasabay sa mga usapan naming

3. Madiskarte – para kahit wala ako, kaya nyang tumayo sa sarili

4. Inuuna ang pamilya – ang mapagmahal sa pamilya ay mapagmahal din sa asawa

5. Maganda – syempre kailangan yan

"Ang boring ng listahan mo. Asawa agad?! Feeler ka." Pangaasar ni Jason.

"Yan talaga gusto ko. Syempre pag papasok ka sa relasyon, tignan mo na hinaharap." Sagot ko sa kanya.

"Tulog na tayo. Para tayong bading eh, lovelife pinaguusapan." Sabi ni Jason



PAGHIHINTAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon