"Bro hindi ka na nakikipaglaro sa amin ng Basketball. Hindi ka na din sumasama sa mga gimik. Bakit ba?" ang palaging tanong ni Jason
"Tim, yung kanta para sa church hindi mo ulit naaral? Ilang linggo na lang ako nagbibigay ng chords sayo" Pangaral ni Allen sa akin tuwing rehearsal ng Praise and worship team
"Tim, ayaw kong bumagsak ka. Graduating student ka na. Paki-ayos yung attendance and assignments mo." Sabi ng Professor ko sa isang Major subject ko
Sa tingin ko walang nagbago sa akin. Mas masaya pa nga ako pero bakit parang iba ang reaksyon at nakikita ng mga taong nakapaligid sa akin. At dahil dito, naiistress ako lalo. Hindi ko napansin na halos apat na taon na pala simula nang nakilala ko si Khay. At halos tatlong taon na din simula nang nagkaroon ng Mutual Understanding sa amin. At sa tatlong taon na yun, marami na kaming pinagdaanan.
May mga tampuhan at hindi pagkakaintindihan pero mas binibigyan namin ng importansya ang relasyon na namamagitan sa amin. Si Khay ay may isang taon pa sa kolehiyo at ako naman ay huling taon na. Kalagitnaan ng unang sem sa ikaapat na taon ko. Sa panahong ito, medyo delikado nga ang grado ko dahil kailangan ko hilahin ang 4.5 na grade ko sa Testing na subject, ayaw ko bumagsak at hindi ako makakagraduate kapag nangyari yun. Kaya kailangan ko bunuin sa Finals at mahila ang bagsak na midterm grade.
Madalas kami magkita ni Khay, sa pagkikita namin kinukwento ko lahat ng mga nangyayari sa akin sa school, mga kaibigan ko at simbahan. Masaya naman ako sa nangyayari at paglago ng aming relasyon, pero napapansin ko din ang paglayo sa akin ng ibang taong nakapaligid sa akin. Hindi ko alam na parang lumiliit ang mundo ko at nalilimitahan dahil sa pagbibigay ko ng prayoridad kay Khay. Hindi ko ito alam at napapansin hanggang sa isang araw ay kinausap ako ni Jason
"Bro, bestfriend tayo at gusto ko lang to sabihin sayo. Kinausap ako ng magulang mo na pagsabihan ka. Kasi sila mismo hindi ka masabihan. Masyado na ata napupunta oras at atensyon mo kay Khay. Alam ko inlove ka sa kanya at pangarap mo siya, pero ibalanse mo naman sa ibang aspeto ng buhay mo. May mga kaibigan ka parin, nagaaral ka pa, graduating ka. May church ka na umaasa sayo."
"Hindi naman sa ganun Jason, sana naman intindihin nyo ako. Pero sige aayusin ko lahat." Sagot ko na medyo masama ang loob.
Pag alis ni Jason, medyo masama ang loob ko. Naintindihan ko si Jason na concern lang siya sa akin dahil kaibigan nya ako, pero sa loob ko tingin ko hindi nila ako naiiintidihan. Agad kong tinext si Khay at tinanong siya kung pwede kami magkita, at agad naman siyang pumayag. Sa aming pagkikita sinabi ko lahat ng problema ko. Naintindihan ako ni Khay, pero sinabihan niya din ako na ayusin ko lahat ng mga dapat ayusin gaya ng pagaaral at relasyon sa ibang kaibigan.
Lumipas ang ilang linggo, tingin ko naging maayos naman lahat. Pero sa di malaman na dahilan, na-feel ko ang stress at hindi na din ako madalas magtext kay Khay gaya ng dati. Hindi ako nagsasawa sa mga nangyayari sa amin, at mahal na mahal ko si Khay. Pero nakita ko ang sarili ko na malayo na sa dating ako.
Ako ang tipo ng lalake na may pangarap, competitive sa lahat ng bagay at ayaw ng "Pwede na yan". Pero sa pagiging 'inlove' ko, tila ba nabago lahat sa akin. Mas tinignan ko ang relasyon namin ni Khay at prayoridad ito na mas higit kaysa iba. Napapagod na ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Madalas din kami mag away ni Khay, siguro dahil din sa dominant personality ni Khay. Parehas kaming dominante. Parehas kaming competitive. Parehas kaming goal oriented, pero sa relasyon namin, nakikita ko sarili ko na mababa kaysa sa kanya. Hindi nawawala sa focus si Khay, pero ako ay wala na sa aking focus at nais gawin.
Pagtapos ng semester, habang sembreak, kinausap ako ni Allen. Sinabi niya na nagbago na daw ako. Hindi na daw ako ang dating passionate pag dating sa music, yung taong gagawin ang lahat maging maayos lang ang worship team. Habang nagsasalita si Allen, dahan-dahan tumulo ang luha ko sa akin mata. Marahil tama nga sila, nagbago na ako. Alam ko ang gusto nila ipunto sa mga sinasabi nila, na kalimutan ko muna ang namamagitan sa amin ni Khay at mag focus sa mga bagay na naisantabi ko na. Hindi ko kaya gawin yun. Pero sa mga nangyayari din sa amin ni Khay, mga away-bati, di pagkakaintindihan, parang may nagsasabi sa akin na huminto nga muna kami.
Hindi ako nagpadalos-dalos. Hindi ako nagdesisyon. Hindi ko kaya saktan si Khay. Mahal ko siya at nanghihinayang ako sa aming pinagsamahan. Sa tuwing inaalala ko kung paano naging ok sa amin lahat, hindi ko kaya lalo na iwan siya. Siya ang pangarap ko, siya ang Best ko, siya ang forever ko.
Isang araw, habang kumakain kami ni Khay sa isang Pizza house, napansin ko din na nawala ang pagiging sweet ni Khay, na nawala ang kilig sa aming dalawa. Masaya parin pero dahil siguro sa mga problema na hinaharap namin, konti-konting nanlamig ang mainit na relasyon at napalitan ng away ang saya na iningatan namin sa mahabang panahon.
"Kanina pa ako naghihintay dito eh, tagal mo." Yan ang laging sinasabi ko sa kanya sa tuwing magkikita kami at late siya dadating.
Naiinip na ako sa simpleng paghihintay? May problema nga kami.
"Lagi na lang tayo nagaaway, ano ba gusto mo? Ano ba ginawa ko? Pasensya na sa ugali ko ganto talaga ako!" Ang laging sagot ni Khay sa tuwing may away kami.
Nakakapagod din pala ang pagibig kapag pinabayaan at hindi binigyan ng atensyon. Sagabal din pala ang pagibig kapag hinayaan ang ibang aspeto ng buhay na bumagsak. Nakakainis din pala ang pagibig kapag nasasagasaan ang 'ego' ng bawat isa. Ang tanong... pagibig nga kaya ito o pawang emosyon lang? Hindi ko alam ang sagot. Hindi ko na alam ang gagawin.
BINABASA MO ANG
PAGHIHINTAY
RomanceIto ay kwento ng sakit at saya na mayroon sa paghihintay. Marahil ito ay narinig, nakita o naranasan na ng mga simpleng tao na minsan ay umasa sa salitang "Pag-ibig". Gaano nga ba katagal dapat umasa? Gaano katagal dapat maghintay sa salitang kasing...