VII. UNLI-TEXT, UNLI-KILIG

56 0 0
                                    


"Good morning Khay. Have a nice day"

Hindi ko alam kung isesend ko ang message na yan pag gising ko kinabukasan. Hindi pa ako makaget-over sa pagtetext namin ni Khay nung gabing iyon. Pag tinext ko agad sya, baka isipin nya na masyado akong papansin at presko. Alam ko na torpe ako at takot, pero gusto ko lang makasigurado, mahirap na kapag nairita sakin si Khay. Kaya hindi ko na lang muna sinend ang message sa kanya.

Habang nagkaklase kame sa unang subject, parang wala ako sa sarili at panay ang pagguhit sa notebook ko ng kung ano-ano, mauubos na din ang mga space sa yellow paper ko sa dami ng nagawang pirma ko. Pag wala kasi ako magawa, nagdo-drawing ako o pumipirma sa papel ng walang dahilan. Si Khay parin nasa isip ko at hindi mapakali dahil gusto ko siya itext, pero hindi ko naman alam kung ano magiging dahilan ko kapag nagtanong sya kung bakit ako nagtext.

Minsan naisip ko, buti pa si Jason laging may lakas ng loob, hindi takot ma-reject at hindi mapansin. Naalala ko na nasabi nya sakin,

"di bale nang hindi ako pansinin basta nagawa ko ang dapat kong gawin. Wala akong pinagsisisihan sa mga busted na natanggap ko dahil ginawa ko mga yun kasi hindi ako takot at sariling desisyon ko yun."

Iba ang tapang na mayroon kay Jason, wala talagang takot kahit hindi kagwapuhan. Sabagay, aanhin mo ang gwapong mukha kung wala ka din namang lakas ng loob para harapin ang taong gusto mo. Nang maalala ko yun nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob. Pagkatapos ng klase, dumiretso ako sa Library. Dahil bawal ang magtext sa loob ng Library sa school, nakatago sa bag ang cellphone ko habang gumagawa ng message na isesend ko kay Khay.

"Hi Khay, Good morning. Can I ask something? Saan ka pala nagaaral at anong course? J Curious lang. hehe."

Huminga ako ng malalim bago isend... Message sent. Ilang minuto na lang kailangan ko na pumasok sa susunod na subject pero wala parin reply si Khay sa text ko. Pumunta na ako sa room namin, nagaabang sa labas ng room kung parating na ang professor. Habang naghihintay, nagvibrate ang cellphone ko – nagtext si Khay. Pero pag bukas ko ng message, biglang nagpasukan ang mga kaklase ko sa loob ng kwarto dahil nandito na pala ang professor. Hindi ko na lang muna binasa pumasok na lang din muna. Mahirap na mapagalitan, medyo strikto ang professor namin.

Pagtapos ng klase, agad kong tinignan ang cellphone ko, binasa ang text ni Khay

"Hi Tim, long time no text. Hehe. I think nasabi ko sa inyo last time nung nagpakilala kame kasama si Kuya Ran. Anyway, sa UP ako nagaaral. Social Work ang course ko, pero balak ko magshift bago magstart ang next school year. Ikaw? J"

Natuwa ako dahil ang haba ng text nya sakin! Nung nakaraang gabi kasi medyo tipid pa ang mga text nya, siguro nahihiya. Assuming ako. Sorry.

Nagreply agad ako sa kanya,

"Akala ko hindi mo ko papansinin na eh. Haha. Psychology course ko now, pero Architecture ang first choice ko, ayaw ko lang umabot ng 5 years sa college. Hehe. Sa New Era lang ako nagaaral. Anong course ka lilipat?"

Makalipas ang ilang minuto lang, nagreply din agad siya...

"Bakit may 'lang'? Ok naman dun sa New Era, dun ako nagaral ng Elementary at High School. Wow architecture! May balak ka ba magshift? Kasi ako magshift ng Civil Engineering."

"Wow Civil Engineering? Yun din ang isa sa choice ko noon. Parang gusto ko din tuloy magshift. Bakit ka pala magshift? Ok naman Social Work."

Mabilis na reply ko.

"Yes ok naman sakin. Pero gusto ko talaga magtapos ng Engineering. Mahilig kasi talaga ako sa Math."

Reply ni Khay

Parehas din pala kame ni Khay, mahilig ako sa Math. Kinikilig ako habang kausap katext sya. Tumagal pa ang pagtetext naming ng hapon na yun. Kahit paguwi ko sa bahay magkatext parin kami. Hindi ko maintindihan ang saya na nadarama ko ng mga oras na yun. Pero naalala ko ulit na hindi pala ako unli-text.

"Khay, maiba tayo, paano mag unli-text?"

Tanong ko sa kanya

"Actually hindi ko rin alam. Hindi naman ako nag unli-text. Pag nalaman mo, pakitext na lang din kung paano. J"

Reply ni Khay

Napahinto ako at napaisip, ibig sabihin sa dami ng text namin, hindi din pala unli si Khay at gumastos din sya ng mahigit 50 pesos sa pagrereply sa akin. Parang gusto ko tumalon sa kilig! Tinext ko agad si Jason at tinanong kung paano mag-unli sa globe. Nagreply naman agad siya at tinuro sa akin. Dali-dali akong nagpaload at nagregister ng unli. Tinext ko din kay Khay kung paano ang unli-text sa globe.

Parehas na kami naka-unli text, at tuloy-tuloy ulit ang text namin. Minsan nga lang medyo matagal siya magreply sa mga text ko, pero ok lang sakin ang mahalaga nagrereply siya at magkatext kami.

Nagkakilala pa kami ng higit sa text. May mga tanong kami sa isa't-isa para lang mas lumalim ang pagkakakilala. Nalaman ko din na magka-edad lang pala kame at mas matanda ako ng isang linggo sa kanya. Nang malaman ko yun, tila ba "destiny" ang katext ko, meant to be ika nga nila. Marami kaming pagkakaparehas, mahilig din siya sa sports at music.

Lumipas ang araw na parang nasa Cloud 9 ako, lumulutang sa saya dahil sa kanya. Gusto ko pa sana ituloy ang pagtetext namin, pero nahiya na ako at baka nakakaistorbo na ako sa kanya. Alam ko busy din siya sa school, kaya tinext ko na sya...

"Salamat Khay sa time. Baka nakaka-istorbo na ako sau, cguro bukas nlang? Or nxt tyme. Kung kelan ka hindi busy."

Nagreply din agad siya...

"No prob Tim. Cge nxt tym na lang dn. My tatapusin lng ako. Tnx sa time! God bless and good night"

Sa oras na yun, huminahon na ang akala kong walang hanggang kilig. Pero tuloy-tuloy parin ang saya sa puso ko. Ngayon ko lang naranasan ang kilig na kagaya nun. Magiisip ulit ako kung paano uumpisahan ang pakikipagtext kay Khay. Sana hindi siya magsawa na pansinin ako.

At dahil hindi ko mapigilan ang saya ko, sinabi ko sa kapatid ko na may crush akong bago. Dalawa lang naman kaming magkapatid, kaya tuwing may crush ako sinasabi ko sa kanya. Isang taon lang din naman ang tanda ko sa kanya kaya malapit din kami sa isa't isa kahit babae siya.

"Charm! May crush akong bago! Ang ganda nya, pang Ms. Universe!" Pagyayabang ko sa kanya.

"Oh? Matangkad din? Ano pangalan? Sagot ni Charm habang nakahiga at naglalaro sa cellphone nya.

"Khay pangalan nya. Hindi matangkad no. Basta maganda siya lalo na pag ngumiti! I'm gonna die!" Kinikilig kong kwento sa kanya

"Ang korni mo. Hindi bagay" Sagot nya na may kasama pang irap.

Bago ako matulog ng gabing iyon, binasa ko ulit buong usapan naming sa araw na yun. Habang binabasa ko hindi parin ako makapaniwala na katext ko ang crush ko. Niyakap ko ang unan ko, nagset ng alarm sa cellphone ng 8AM dahil may pasok pa kinabukasan.

Sa lakas ng vibrate at tunog ng cellphone ko na naiwan ko sa may unan ko dahil sa antok, nagising ako. Pag tingin ko sa cellphone ko, 7:37 pa lang ng umaga. Akala ko Alarm ang tumunog, may nagtext pala. Binasa ko...

"This is the day that the Lord has made; let us rejoice and be glad in it. Psalms 118:24

Good morning. Have a blessed day! Ingat. J"

Isip-isip ko, ang aga magtext ni Jason, pati ako papadalhan ng GM. Mahirap kaya mauna ng gising kaysa sa tunog ng alarm clock. Pero pagtingin ko ulit ng message, mali ako. Hindi pala si Jason ang nagtext – si Khay.


PAGHIHINTAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon