"Hawakan nyo ng maigi si Brielle! Okay from the top!" sigaw ni coach kaya pumwesto na ulit kami
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kong muntik malaglag ngayon pero sanay naman ako since nung baguhan palang ako ay halos magkanda bali bali ang katawan ko kaya si Kuya at Daddy naging oa nung mga panahong yon magpasama ba naman ng nurse sakin sa practice
"One, two, three and four okay!"
Malapit na ang competition kaya naobliga na kaming umattend ng Saturday practice bukas na ang last game nina Reign game five na dalawang sunod na panalo nila at dalawang sunod na talo. Natotorn nga ako kung sino bang gusto kong manalo. Nafeel nyo na ba to yung taga La Salle ka pero Ateneo players yung gusto mo minsan nakakaloka din talaga.
"Flyers break muna! The rest ulit!" ibinaba na nila ko kaya halos takbuhin ko ang bench para sa tubig grabe feeling ko sobrang dehydrated ko na
"Brielle" nilingon ko si Jem na gaya ko ay flyer din she did good pero di ko na yun sasabihin baka kiligin pa
"Here water" ngumiti ako sa kanya at akmang tatanggapin ang water ng biglang may ibang kumuha non at inihagis malapit sa bag ko
"Reign!" hindi ko alam kung magugulat ba muna kong nandito sya bago sya sawayin dahil ang rude nya
"Uh sorry" alanganing sabi ko kay Jem pero ngumiti lang sya ng tipid
Hinila na ko ni Reign sa bench ngayon ko lang napansin na nakapangtraining pa sya
"Bakit ka nandito?" tanong ko pero hindi ako sinagot nag dekwatro lang sya bago tinanaw ang mga nagppractice
"Hoy baka mandaya ka ah!" nakakunot noo naman syang lumingon sakin bago nagtaas ng kilay
"Syempre Ateneo ka!" ang galing hindi na naman ako pinansin
Kinuha ko nalang ang water jag ko at umupo sa tabi nya. Nagulat ako ng punasan nya ang pawis ko sa noo pababa sa leeg
Bakit ako kinikilig!?
Nakakaagaw sya ng atensyon kaya di makapagfocus yung mga kasama ko nagdecide si coach na mag pabreak na din sa kanila
"Manansala kamusta" sabi ni Coach paglapit samin
"Okay naman po ma'am" tinapik sya ni coach bago ngumiti ng pang asar sakin
"Matagal ka pa ba?" tanong nya at sinipat ang orasan nya
Bakit ba kasi sya nandito tapos mamadaliin ako
"Last na siguro dun ka muna sa parking hindi sila makakapagfocus pag nandito ka" nakita ko ang pagsmirk nya kaya humarap ako sa kanya
"Baka ikaw?" kailan pa sya naging pang asar?
"Stop pouting!" inis nyang sabi pa bago tinulak ang maganda kong mukha
Aba't talaga naman
"Dun ka na kasiii" hinila ko na sya patayo pero dahil nga mas matangkad sya sakin matic na mas mabigat sya ang hirap hilahin parang isang kabig nya lang ay bubulagta talaga ako dito
"Alright alright" pagsuko nya
Pagtayo nya ay ginulo nya pa muna ang buhok ko bago sya lumayas
Hays naman ginagawa talaga nila kong aso
"Okay guys pyramids tayo, Brielle sa tuktok okay?" sumigaw kami bilang response
Pinatugtog na ulit ang mix na gagamitin namin ilang days nalang ay competition mabuti nalang ay mauuna ang mga exam bago yon
"Good job everyone! See you so Monday walang malalate!" sabi ni Coach kinuha ko ang gamit ko at dumiretso na sa locker area
Walang gumagamit don sa usual shower area ko madalas ay pinapauna talaga ako nila ko.