🏆

2.9K 85 4
                                    

"Good morning" masiglang bati ko pagpasok sa dining area lahat sila ay napatingin sakin. Automatic namang tumayo si Kuya at Daddy para salubungin ako ng halik at yakap

"You're late today baby, late ka na ba nagsleep?" tanong ni Kuya habang pinaghihila ako ng upuan

"Yup ang daming projects I almost fall asleep in my study table"

Pinagsalin ako ni Daddy ng food

"Anyways good morning uhh Tita and Reign" yup ofcourse nandito sila nag greet naman pabalik sakin si Tita pero si ulan ay tinapunan lang ako ng tingin

Snabera akala mo ang ganda

Pero maganda nga sya

Pero kahit na no di nya dapat ako iniisnab respeto sa mas nakagaganda

Naguusap lang sila about I don't freaking know busy ako paglasap ng luto nila Ate yum yum.

"Baby ingat sa pagkain look oh" pinahid ni Kuya ang pisngi ko na may kanin nagpout naman ako sa kanya kaya natawa sya

"It's okay baby sige na kain ka pa" sabi ni Daddy kaya sinunod ko nalang sya patusok na ko sa last hotdog ng magkasabay kami ni Reign

"I got it first" sabi nya bago kinuha yun at inispada palayo ang tinidor ko

What the freak? First time may nang agaw ng food sakin dito sa mesang to

Masama akong nakatingin sa kanya nabaling lang ang atensyon ko ng ilagay ni Tita Kharmin ang hotdog na hindi nya pa nababawasan sa plato ko

"Here nalang baby kapalit" I smiled at what she calls me, she's so cute while saying that

"Baby my ass" bulong ni Reign pero parang ako lang nakarinig kaya nilingon ko sya, nilagay ko ang hotdog na bigay ni Tita Kharmin sa plato nya at kinuha ang hotdog na bawas na nya

Mamaya ay nagseselos pala sya na binigyan ako ng Mommy nya ng hotdog eh

"Hey that's mine" ungot nya pero kinagat kagat ko kaagad yun hanggang sa maubos

Inirapan nya naman ako bago pagalit na tinusok ang hotdog na bigay ko natatawa akong pinanood sya. She's really grumpy how come na sikat sya ng hindi sya nabbash? Kung ganon ako ang number one basher nya.

"Baby stop teasing Reign" mahinahong saway sakin ni Daddy ng makitang natatawa ako sa pagiinarte ni Reign

"Baby gusto mo pa ba? Papaluto pa tayo" umiling kaagad ako kay Kuya busog na ko hindi na nga kasama sa diet ko ang isa pang pirasong hotdog na kinain ko

"What time ang pasok mo hon?" napatingin ako kay Tita dahil ngayon ko lang sila narinig nagtawagan sa endearment nila

Tumingin naman si Daddy sa relo nya bago sumagot

"May 3 hours pa ko I can drop Brielle and Reign sa school" napapalakpak pa ko dahil minsan lang ako maihatid ni Daddy

"I'm good Tito thank you I'll just bring my car anyways I need to go. Thanks for the breakfast" diretsong sabi nya bago kinuha ang gym bag sa tabi nya at rumampa palabas

Whoa she's so cold, magkaiba talaga kami kasi hot ako eh

Nagpaalam na rin akong aalis na dahil may meeting kami ng mga groupmates ko sa isang subject at mamayang tanghali pa dapat ang pasok ko but do I have a choice ayoko namang hindi masali ang maganda kong pangalan sa group project. Hindi na ko nagpahatid kay Daddy dahil mapapagod lang sya dapat hindi sya mapagod para anytime na may tumawag ay G agad sya.

Paglabas ko ay nakaready na si Kuya Rico, nasa may kanto palang kami ng biglang umuga-uga ang sasakyan. Ghad kahilo.

"What happened Kuya?" tanong ko ng bigla kaming tumigil

SOLACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon