Maingay ang paligid ng makapasok kami sa venue I'm wearing my cheerleader attire because yes I need to support my school kahit ba sabihin na si Reign ang gusto kong icheer.
"D-LS-U, Animo La Salle"
"Fight! Fight! Blue and white, Go! Go Ateneo! Sis boom bah!"
"Ano ba yan di ka namin makakasama dito" maktol ni Chel habang papunta kami sa seat namin pero di naman ako don pupwesto
Kailangan naming ihype ang crowd to cheer on our team kaya bawat isle ay may nakatayong member namin actually pwedeng pwede naman akong maupo nalang pero nakakahiya kay coach. Ang ibang boys ay nakapwesto na sa likuran at naninira ng tenga sa pagtatambol nila
"You know I need to" lungkot lungkutan yung dalawa kahit na madalas ko naman to ginagawa pag last game ng finals.
"Eeh syempre iba pa din yung feeling pag nandito ka" akala mo naman talaga ay sa kabilang dako ng mundo ako magccheer kung makareact silang dalawa
Naisipan kong dito nalang sa isle nila ako tumayo para naman matuwa sila sakin at para malapit ako sa harapan makikita ko talaga yung ganap
"Capt" nilingon ko si Jem na nakasuot din katulad ko pero nakatangal ang jacket nya ang sakin ay suot ko pa since di pa naman need tanggalin
"Tawag tayo ni coach" nagpaalam ako sa dalawa bago sumunod kay Jem sa pinakataas nandon si coach at nandon na rin lahat ako nalang talaga ang inaantay
"Guys you know what to do okay? No matter what happens hype the crowd, cheer for our team, score or not smile! And tuloy tuloy ang pagccheer until the end understand?"
Sabay sabay naman kaming sumagot kay coach
"Okay positions tayo, Renz and company of course drums and newbies here sa likod okay? Brielle and Ace middle isle sa VIP area nandon sina president so galingan okay?"
"Yes coach" sagot ko at binigyan pa sya ng kindat
Inassign na ni coach isa isa malapit na mag start kaya pumwesto na kami, binati ko pa si President pagkakita ko sa kanya at ang ganda lang ng ngiti nya sakin.
"Hi! I'm Justine anak ako ni President Hector" I smiled at him bago tinangap ang kamay nya for shake hands
"I'm Brielle nice to meet you" nakangiti kong pakilala sa kanya
He seems nice naman and yes he's probably two to three years older than me
"Balik na ko sa seat ko, I hope this is not the last time we'll see each other"
"Sure sir" magalang kong sabi para maramdaman nya na hindi ako interested makipaglandian sa kanya
"Drop the sir Brielle pinapatanda mo naman ako masyado" kunwaring tampo nyang sabi na ikinatawa ko una hindi bagay ang laking tao nya mukhang alaga sa gym tapos sisimangot ng ganon
Biglang nag iritan ang crowd na malapit sakin at dinig na dinig ko ang nakakayamot na irit ni Chel at Drea dahil nasa linya ko sila malapit kay president. Grabe nakakahiya mabuti nalang at hindi ko sila katabi ngayon.
Sabay pa kaming napalingon ni Justine kung bakit nagiiritan ang mga tao. Si Reign ay naglalakad pataas papunta sa pwesto ko.
Para syang sumugod sa kampo ng mga kalaban pero she doesn't seems to care. Diretso lang ang tingin nya sakin at nakakunot ang noo.
Grumpy as always.
Pinagtitinginan na talaga sya at nagwawala na rin talaga ang crowd dahil sa pagpunta nya dito sa side ng La Salle kitang kita sya dahil nakajersey sya na blue and white eh samantalang ang suot ng mga tao dito ay green and white