🏆

2.1K 80 4
                                    


Nakatunganga lang ako sa labas ng bintana inaantay matapos magsalita ang prof namin grabe naman kasi extended na sya ng 30 minutes nagugutom na ko actually nagiimagine na rin ako dito na kumakain

"Huy"

"Ay kanin! What the freak!" napahagikgik pa sya sa kagagahan nya napalingon sakin ang mga kaklase ko pati na rin si prof kaya nagpacute nalang ako sa kanya

Naman kasi tong si Drea nanggugulat

"Sige na kids at mukhang gutom na si Hermosa" sabay sabay namang nagtawanan ang mga kaklase ko kaya napapout ako sa pagkapahiya

Kasalanan ni Drea to eh

Hila hila ko si Drea hanggang sa bilihan ng foods inutusan ko na rin sya habang naupo naman ako. Nilabas ko ang phone ko para naman may pagkaabalahan ako.

Napadpad ako sa channel ni Reign hindi pa pala ako nakasubscribe sa kanya and ang last upload nya ay yung namigay sya ng laptops super nakakataba ng puso na maraming nakaappreciate sa kanya ang hindi ko lang maintindihan ay ang pinakahighlight ng video ay yung nagtatatalon kaming dalawa ni Emme sobrang nagviral yun. Umabot ng ten million views yung video nyang yun. Marami na ring nag friend request at follow sakin sa IG at twitter akala naman talaga nila ay may mapapala sila sakin.

Bakit hindi pa mag room tour tong si Reign eh ang ayos na nung room nya sa bahay hindi ko na nga makilala eh pinapaltan nya ba naman ng gray yung pintura non basta ibang iba sa dati nitong itsura kasing laki din yun ng kwarto ko at may sariling walk in closet din

Dumating na si Drea kaya binaba ko na ang phone ko at nakipagchickahan nalang sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na samin nakatira si Reign baka kasi hindi na sya umuwi sa kanila at dun nalang samin mamalagi tho laging nakakulong si Reign sa kwarto nya lalabas lang pag kakain.

"May training ako mamaya immeet ko yung mga bagong member ng squad" sabi ko ng magyaya syang magmall after school

"Dapat sumali nalang din ako dyan eh" pinigilan kong matawa swear pero hindi ko kinaya kaya sinamaan nya ko ng tingin

"What? I'm not saying anything" depensa ko

"Nakakaasar yang tawa mo" inirapan pa ko ni gaga kaya mas lalo ko syang inasar sa pamamagitan ng maganda kong tawa

Namimiss ko tuloy si Chelsea isa pang friend namin ni Drea aba ang gaga nangibambansa lang naman sa kalagitnaan ng semester sya yung tipong biglang mawawala at malalaman mo nalang na nasa kabilang dako ng mundo na pala.

"When pala uwi ni Chelsea?" biglang tanong ko sa kanya sila ang madalas magusap dahil parehas silang baliw kay Reign

"Baka this week na yata" di pa yun sure mabuti nga at pinapayagan sya ng magulang nya na ganon

Natapos ang break namin ng puro kami daldalan at asaran ni Drea. Nakaupo na naman ako dito sa usual seat ko at nakalingon sa bintana. Subukan lang talaga kong gulatin ulit ni Drea ay makakatikim na sya sakin.

"Asian architecture, western architecture and eastern architecture those three will be our lesson for today"

I frowned this will be a long long discussion baka Asian lang ang matapos nya

"Hermosa stand up" bigla naman akong napatayo dahil sa pagtawag sakin

Bigla akong naparecall kung may sinasabi ba sya

"Sir?" di ko alam kung matatakot ba ko or what nag aral naman ako kagabi alam ko kasing ganito ang sitwasyon palagi sa klase nya

"Difference between japanese and chinese architecture" yung mukha nya pa ay mukhang naghahamon talaga na kayang kaya ka nyang ipahiya pag di ka nakasagot

SOLACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon