🏆

1.9K 68 19
                                    


"Baby hurry up" hatak hatak ko sya sa braso nya napakabagal maglakad tho maaga pa naman kami pero naeexcite na kasi talaga ako

"Wait up dala ko kaya tong bag mo" halos ihagis nya sakin ang maleta naming dalawa

"FYI natin! Nandyan din naman gamit mo eh" kinuha ko ang travel bag na nakasakbit sa kanya at ako ang nagdala para di na nya ko awayin

Inirapan nalang nya ko pero nagpapahatak naman sakin

Palingon lingon ako sa paligid para hanapin si Chelsea at Drea nakita ko silang nagtatawanan sa medyo dulo ng waiting area kaya pumunta kami don

"Nagmake out pa siguro tong dalawa ang tagal eh" binatukan ko kaagad si Drea dahil sa bunganga nyang walang preno

"Aray naman girl nagjjoke lang" hinimas nya pa ang batok nya na siguradong nasaktan ko

Naguusap na sa gilid si Aly at Reign mukhang nagkakatuwaan pa dahil napapangisi si Reign

"Hoy Chel anong ganap nyo ni Aly ah" pagpuna ko sa pananahimik nya

"H-ha? A-ano" naglikot ang mata nya kaya hinawakan ni Drea ang ulo ni Chel na ikinatawa ko gago ang brutal talaga

"Umayos ka ng sagot kung gusto mo pang makatapak ng palawan" pagbabanta ni Drea

"K-kami na"

Nanlaki ang mata kong napatingin kay Aly pabalik kay Chelsea

Lumapit sakin si Reign at hinapit ako palapit sa kanya

"What's wrong?" takang tanong nya nang maspeechless kami ni Drea

"Gaga ka naglilihim ka na samin!" hinablot agad ni Drea ang buhok ni Chel pero maagap si Aly kaya nailayo nya si Chel

"Teka whose with you ba? Malapit na tayo sumakay wala pa yung kasama mo" puna ko kay Drea

"Ugh kairita talaga yon sinabi ko ng agahan ang gising nalate pa din" mukhang pagdating nung kasama nya ay mabubugbog talaga

"Hi sorry I'm late" sabay sabay kaming napalingon sa dumating

Muling nanlaki na naman ang mata ko bago itinuro si Ace na kararating lang

"Don't tell me?" pagaakusa ko

"Ugh kainis ka!" inihataw ni Drea yung handbag nya kay Ace

"Aw hon ang sakit naman sasakalin na kita eh" sabi ni Ace bago nag agawan don sa bag na pinanghataw ni Drea sa kanya

Oh freak! Don't tell me sila na din?

"Hoy wait so kayo din in a relationship!?" hysterical na tanong ko

"I can explain besh" segunda agad ni Drea

"Bakit tayo naglilihiman dito ah!" maktol ko sa kanila

"Besh masyado ka ding busy sa buhay mo kaya ayun" sabi ni Chel

"Ikaw pinakibusy dito no lagi ka ngang nawawala dito sa pinas" paninisi ko

"Enough baby let's just go" pagaawat ni Reign at halos kaladkarin na ko ng akmang sasabunutan ko yung dalawa

"Under naman pala" pang aasar sakin ni Ace

"Drea oh under daw ako" kunwaring pagsusumbong ko

"Hon naman akin na yang gamit mo baka mabigat" gusto kong matawa dahil under na under nga sya

Si Aly at Chelsea naman ay lowkey couple lang parehas natatahimik pag magkasama parang nahihiya pa

And me as usual clingy kay Reign ayokong hindi dumadampi ang balat nya sakin hahaha ganon kabaliw

SOLACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon