--- :)
Maaga akong nagising, bumangon at naghilamos halos takbuhin ko na pababa ng hagdan papuntang dining area
"Good morning everyone" hyper kong bati kay Kuya at Daddy
Napangiti naman sila sakin, tumayo sila bago sumugod ng yakap sakin
"Aaw I miss our little princess" nagpout ako sa narinig kay Daddy I'm not little anymore but I will claim that I am a their princess. Like minsan para na kong literal na princess dahil sa pagiging protective nila ni Kuya I have my own yaya and driver/bodyguard. I know i'm too old to have a yaya pa rin but Daddy won't agree with me so wala rin talaga akong magawa
"You're still a princess baby come on let's eat I have an operation this early" pinaghila pa ko ni Kuya ng upuan kaya binigyan ko sya ng halik sa pisngi
"Bakit si Kuya lang meron" tamputampuhang sabi ni Daddy kaya lumapit kaagad ako sa kanya at pinupog ng halik ang pisngi nya
"Oh enough enough mag aamoy laway na ko nyan pagdating sa hospital eh"
Bumalik ako sa upuan ko at nagsimulang kumain, naguusap sila tungkol sa work nila. My Dad is a doctor general surgeon sya kaya busy sya at tuwing breakfast ko lang talaga sya nakakasama kumain while my kuya is an emergency doctor parehas silang pagod pag umuuwi minsan nga ay kakatapak palang nila sa bahay ay may tatawag na naman sa kanila para pabalikin sa hospital kaya I decided no to follow their footsteps ayokong mawalan ng time sa magiging future family ko. Oo na masyado akong advance mag isip di naman masama yon. Kaya hulaan nyo ang kinuha ko sobrang layo sa profession ni Daddy at Kuya.
Tambay
Joke syempre may pangarap naman ako, yun ay maging tambay talaga
"Maam Brielle may natawag po sa phone nyo" nilapag yun ni yaya sa tabi ko kaya sinipat ko kung sinong natawag ng ganitong kaaga
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko pero patuloy pa rin ang pagtawag sakin ng magaling kong bestfriend ang aga aga pa para guluhin nya ang kagandahan ko kaya hindi ko pinapansin yon baka magkukwento na naman sya tungkol sa girl crush nyang vlogger na streamer na volleyball player pa napakaraming time sinasabay pa sa pag aaral baka kung ako yun ay nagkandabagsak bagsak na ko. Minsan nga parang dudugo na ang tenga ko kakakwento nya sa ulan na yon, Reign kasi ang pangalan nung crush na crush nya kaya tinawag kong ulan dahil nauumay na ko sa pangalan nyang araw araw kong naririnig.
"Baby mauuna na kami ni Kuya ah behave ka sa school okay? Bring Grace and Rico with you" tukoy nya kay Yaya Grace at Kuya Rico which is my driver-bodyguard
"Daddy nakakahiya i'm a college student na third year na nga ako eh" ginagawa nya kong literal na baby minsan
"Sa car lang sila baby sis okay? Wag na makipagtalo" sabay silang humalik sa sintido ko at naglakad palabas ng dining
Wala naman akong magagawa dahil hindi rin naman ako tatantanan ni Yaya at Kuya. I tried to escape once pero wala kinarma kaagad ako naibangga ko lang naman sa poste ang kotse ko I'm suck at driving I know.
Pagbaba ko palang sa tapat ng school ay kitang kita ko na agad ang laki ng ngiti ni Drea napakaharot talaga kahit kailan. Napapailing nalang akong lumapit sa kanya, sumunggab naman agad sya ng yakap sakin na para kaming di nagkita kahapon
"Girl mag bagong upload si bebe ko Reign" mukha syang sinaniban dahil nangingisay ngisay pa sya
Hinawi ko ang braso nyang umaalog sakin
"Pwedeng wala munang ulan ngayon? Girl hindi ka ba nauumay" sinamaan nya ko ng tingin na para bang minura ko yung crush nya sa harap nya
"Eeeeh girl yung latest upload nya nagppack sya ng gamit at mukhang lilipat na sya ng bahay, sana malapit lang dito sa La Salle"