🏆

1.9K 75 9
                                    

Daddy and Kuya took their leave they will join Reign to give those goods sa Bicol. Halos dun na ko magsleep sa recieving area para hindi maiwan. I even packed my things ahead of time dahil ayaw nila kong isama even Kuya and Daddy ay ayaw pumayag delikado daw don and hindi ko daw magugustuhan don.

But duh I insist hindi naman ako nandon para magbakasyon eh, pupunta ako don to help. Nakaupo ako dito sa couch sa baba its already three in the morning and feeling ko gising na sila.

"Oh baby why are you up so early?" tanong ni Kuya habang pababa sya dala ang isang backpack naka khaki short sya at white na polo.

"Dont tell me sasama ka?" nagdududang sabi nya

"Yes nasa car na yung things ko" binigyan ko pa sya ng super sweet smile ko

"What's going on here? Oh princess" nagulat pa si Daddy ng makita ako

"Daddy sasama daw eh" napipilitang sabi ni Kuya na parang nagsusumbong

"Eeeh Daddy" kumapit ako sa kanya at nag puppy eyes pa

"Alright alright BUT"

nakangiti na sana ako pero may but pa din

"Behave and wag lalayo kay Rico pag nandon na tayo" tumango tango ako okay na yon kaysa hindi ako kasama

Inutusan ni Daddy gisingin si Yaya Grace dahil kailangan ko daw ng Yaya. Minsan nagdududa na rin ako sa edad ko 21 years old na ba talaga ko.

Napalingon ako kay Reign ng makitang pababa na sya, she's wearing black shorts na natatakpan ng yellow hoodie na binili ko sa kanya last time. She looks good. Really really good.

Mabilis kaming nagbreakfast para daw di abutin ng traffic hindi na pinasama ni Reign ang mga teammates nya dahil meron naman daw nga barangay officials and teachers don na willing tumulong sa pag ddestribute.

Sumakay na si Daddy at Kuya sa Everest ako ay hindi alam kung sasama ba kay Daddy o kay Reign since magisa lang sya.

"Maam san po tayo sasakay?" katabi ko si Yaya Grace na hinihintay ako

"Dun ka na po kina Daddy kay Reign nalang ako" tumango naman sya at inabot sakin ang baon ko daw na foods para sa byahe

I so love Yaya

Sumakay ako sa shotgun seat ni Reign. Ang FJ Cruiser ulit ang dala nya pero wala na dito ang goods dahil naghire sila ng truck para madala yung mga yon.

"Why are you here?" sabi nya ng di man lang tinatapunan ng tingin dahil inaayos nya ang camera sa harap

"Good morning guys so time check is four am bbyahe na tayo ngayon papuntang bicol" tinapat nya sakin ang camera kaya ngumiti ako don at kumaway bago nya inend

Sana pala nagdala akong neck pillow para naman di mangalay ang leeg ko.

"Gano katagal byahe natin?" tanong ko habang nasa byahe na kami nasa harapan namin ang sasakyan nina Daddy na dinadrive ni Kuya Rico

"4-6 hours"

Hala sobrang tagal pala sana kasi marunong akong magdrive para alternate nalang kami

Patingin tingin lang ako sa labas dahil wala naman akong magawa at di pa naman ako inaantok tsaka baka antukin din si Reign pag natulog ako.

"Here" inabot nya sakin ang phone nya kaya nagtataka ko syang tinignan

"Play some music" sabi nya kaya kinuha ko yun at nagscroll, walang passcode yun kaya nabuksan ko kaagad

Nag shuffle play nalang ako since di ko naman alam ang bet nyang kanta bukod kay post malone. Pag nagsstream sya ay laging kanta ni post malone ang background music.

SOLACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon