🏆

1.7K 72 3
                                    

Sobrang nakakainis dahil competition na ngayon at parang wala ako sa focus

Reign tried to confront me pero I always shot my door close, wala naman syang dapat iexplain I clearly saw it

And wala rin naman akong karapatan na masaktan o magalit

Pero alam ko sa sarili ko na sobrang sakit buong gabi lang yata akong umiyak alam kong mukha akong sabog ngayon dahil hindi naman ako nakatulog

"Baby are you okay? Nag away ba kayo ni Reign? Di kayo sabay umuwi sabi nung guards" tanong ni Kuya bakas ang pagaalala sa kanya dahil siguro sa itsura ko ngayon

"Celebration nila yun Kuya she needs to stay" palusot ko nalang pero hindi ko alam kung gano ba katagal ang pagitan ng uwi namin

Baka tinuloy pa nila yun nung Chloe na yon

Nakarating ako sa venue I try real hard to smile.

"You okay?" tanong ni Drea ng makalapit sya sakin

Tumango ako sa kanya. Sabay naman silang yumakap sakin ni Chelsea hays paiiyakin na naman ba nila ko

"Gaga ka wag kang mahuhulog mamaya sasapukin talaga kita" pag babanta ni Chelsea sakin natrauma na ata dahil nung nag audition ako before ay kasama ko sila nakailang hulog din ako ng training at grabe halos gusto nilang sumugod para sumalo

I love them kahit na puro kalokohan lang ang alam namin

"Girls balik na kayo sa seats nyo magmmeeting na kami" saway ni coach sa dalawa na panay ang panggugulo sakin

I know dinidistract lang nila ko

After magmeeting ay napag alaman naming last kaming magpperform damn I want to end this real quick

Para akong masusuka sa kaba kahit na tatlong taon na kong nag gaganito iba pa rin talaga pag nandito ka na mismo

Naramdaman kong may bumanga sakin and hindi na ko nagulat ng si Chloe yon

This bitch

Hindi ko nalang sya pinansin at ang nakakaasar nyang ngiti

"Kilala mo pala yung captain nung Ateneo" napasimangot naman agad ako sa sinabi ni Ace

"Ganda ng ngiti sayo ah close ba kayo?" Patuloy pa din nya pero hindi ko sya pinansin at tinuon nalang ang pansin sa hawak kong phone

Nakadekwatro akong nakaupo dito habang naghahantay, kailangan kong kumalma para mamaya.

"Oh hi Reign you're here" gustuhin ko mang lumingon ay di ko ginawa rinig na rinig ko ang matinis at nakakaasar na boses ni Chloe sa di kalayuan

Naaamoy ko ang pabango ni Reign mula dito alam kong malapit lang sya

"Oh Manansala hanggang competition ba ay babantayan mo tong si Brielle?" natatawang tanong ni coach dun ako nag angat ng tingin at nakita ko ang nakakapit na braso ni Chloe kay Reign

"Oh no coach you misunderstood it ako pinuntahan ni Reign" pagsingit ni Chloe

Gusto kong burahin yung ngiti sa labi nya

We need to win this

Binalik ko nalang ang pansin ko sa phone ko maraming nagcchat sakin para mag goodluck at yung iba ay nanlalandi lang

Sumandal ako sa upuan bago pumikit parang sarap matulog ah bakit ba kasi umiyak iyak pa ko kagabi

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kahit hindi ako magmulat ay alam kong si Reign yon

Kinuha nya ang ulo ko at pinatong sa balikat nya bago umakbay sakin

Parang wala kong lakas ngayon para umangal wala pa man ay parang pagod na pagod na ko

SOLACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon