"Trending yung friend natin gumawa ba naman ng eksena sa shooting" natatawang sabi ni Drea"Akala yata nila artista sila" pang gagatong ni Ace sa girlfriend nya
I tucked in Chelsea's arm para wag na syang sumali sa pambubully nung dalawa
"Pero grabe si Kyro panget ng ugali amp" sabi pa ni Ace
We are currently here sa cafeteria back to school na and yeah everyone is looking at me
I don't know and I don't care what's going inside their head
But I appreciate those who support me and Reign specially sa friends kong walang sawang umaasar samin
"Hi Ate Brielle" lumingon ako sa kabilang table
Freshies ata sila since mukha pa silang bata
"Hello" I waved and smile at them
"Pwede po ipashout out nyo ko kay Ate Reign sa vlog nya next time" natawa naman ako dahil nag abot pa sya ng paper na may name nilang mag ffriends
"Sure girls no biggie" I wink at them after that
Masaya naman silang tumango sakin they even offer me their food pero si Drea ang nakikuha don na para bang sya yung inalok
"Sikat din girlfriend nito kilala nyo si Allison?" pambubuyo ni Drea sa mga bata habang tinuro si Chelsea
"May video greeting kayo don basta akin na yung isang box ng pizza nyo" gusto kong hilahin si Drea pabalik sa table
Talagang humirit pa at ang nakakahiya ay isang buo pa ang hinihingi
"Talaga Ate Drea? Sige ah pag wala aagawin namin sayo si Ate Ace" akmang hahambalusin ni Drea yung nagsabi non kaya binato ko kaagad sya nung water bottle ko na wala ng laman
"Aray naman Brielle hindi ko naman sasaktan to physically" tawang tawa sila pati na rin si Ace
Sinamaan sya ng tingin ni Drea kaya agad syang tumingin sa malayo na parang di sya kasali kanina sa pag tawa
Under talaga
"Ngayon yung game 1 nina Reign diba? Ng MPL?" tanong ni Chelsea sakin
Si Drea ang dali daling sinagot
"Oo first na kalaban nila yung defending champion last season, ngayon lang sasali yung team nila sa MPL eh"
"What time pala yon?" dugtong na tanong ni Chel
"Later 4 pm" sabay tingin ko sa orasan ko
It's already lunch time isang subject nalang and we are good to go. Balak kong sumunod don sa venue nila to support her ofcourse.
Nagyaya na pumasok si Drea si Ace naman ay humiwalay na since hindi naman kami same ng course
"Ugh another boring subject" bulong ni Drea ng makapasok ang professor namin
"Good afternoon class" bati ng isang matandang babae na nasa harapan
She looks really strict