🏆

2K 94 11
                                    


Naalimpungatan ako ng maramdamang may dumadamping kamay sa buhok ko unti unti akong nagmulat at mapansing si Daddy ang nasa kanan at si Kuya ang sa kaliwa

"Hmm? Whats happening?" mabagal akong bumangon at sumandal sa headboard

"Nothing we just miss our little princess" ayan na naman si Daddy sa little princess nya

"Baby maging mabait ka kay Reign ah wag mo laging inaaway" sabi ni Kuya

Naalala ko na naman si Reign simula kasi nung nasaksihan ko ang pagiyak nya ay hindi na nya ko pinapansin

As in titignan nya lang ako pag kinakausap ko sya tapos lalong lumamig ang mga mata nya, si Daddy at Kuya lang ang sinasagot nya pag may tinatanong pero si Tita ay hindi

"Lets go breakfast" hinintay nila kong makapag hilamos at toothbrush bago lumabas saktong padaan si Reign sa harap namin.

"Oh sakto labas mo Reign" inakbayan sya ni Kuya si Daddy naman ang nakaakbay sakin

We look good actually, wala lang si Tita ngayon dahil maaga yata ang call time

Pagupo ko palang ay kumuha ako ng cookies at nanghingi ng milk kay Yaya Grace. Pagdating ay dineep ko kaagad ang cookies ko sa milk.

"Di ka mag rice baby?" umiling ako sa tanong ni Daddy ginulo naman ni Kuya ang buhok ko

"Start na ng Uaap diba?" nag angat ako ng tingin kay Reign pero wala sakin ang atensyon nya

"Yes po tito"

"May laro ka ba ngayon?" Usisa ni Kuya

"Meron po"

Napakuha tuloy ako sa phone ko ng wala sa oras at tinignan ang sched ng uaap. First game sila vs FEU. Shet may klase pa naman ako pero okay lang naman siguro kung mag absent ako.

"May ticket ka pa ba?" nahihiyang tanong ko baka kasi mamaya wala na ang bilis pa naman masold out ng tickets lalo na at first day tapos first game pa.

"Yup later sa taas" sabi nya ng hindi ako tinitignan

Bastos na bata talaga to eh mas maganda naman ako kaysa sa breakfast na kinakain nya.

Excited akong pumasok para ibalita na manonood kaming UAAP ng hindi nila ko pinipilit.

"Omg Chelseaaa" nayanig sya sa pagkakayakap ko sa kanya grabe ilang weeks ko ding di sya nakita

"Holy cow, easy girl" natatawa nyang sabi naramdaman ko ang pagbigat ng likod ko at alam kong nakalambitin na sakin si Drea

"Hoy Casandrea umalis ka dyan" pero lalo syang naglumambitin sakin pinagtitinginan na kami dito

"Hoy girls tama na, wait may ticket na ba kayo for laters match? Maglalaro si Reign!" excited nyang sabi kunwari naman wala akong pake at wala akong ticket pero guess what inabot sakin ni Yaya kanina ang ticket ko vvip seat pa

"Oo naman girl kinuha ko na din kayo just incase you know hindi na naman mapilit ang isa dito" nagsmirk ako sa parinig ni Drea at nilabas ang ticket ko

"Holy sheezzz" nanlaki pa ang mata ni Chel at napapaturo pa sakin

Si Drea naman ay nagtatalon sa harapan ko

"Oh ghad kanino to galing!? Knowing you di ka naman nabili" I just shrug their question

Alangang sabihin kong galing kay Reign bugbog na talaga ang abot ko sa kanilang dalawa.

Kalagitnaan ng klase ng maramdaman kong mag vibrate ang phone ko

Ulan calling

Problema nito? Pag sa personal napaka snabera tapos sa phone may patawag tawag pa. Pinatay ko yon bahala sya

SOLACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon