"Maam Brielle magllunch na daw po kayo nandito po sina sir" napalingon ako sa pinto ko ng marinig yon galing kay Yaya agad akong tumayo at lumabas
"Kuyaaaa" salubong ko ng makita ko syang papaakyat sa hagdan he looks handsome as ever
He smiled and hug me tight as response
"You miss me so much ah? And right sabihan mo si Reign yun ang room nya" turo nya sa room na malapit sakin
Agad ko naman syang sinunod kinatok ko muna pero wala man lang response kaya pumasok nalang ako
She's sitting in front of her pc set ang bilis naman nyang maayos ang gamit nya dito, ibang iba na to sa dating guest room namin.
"Kakain daw" lumingon sya sakin saglit pero binalik din ang tingin sa phone nya
Dumapa ako sa kama nya at pinanood ang ginagawa nya
"Hey Antony, yup nakamove na ko"
Kumunot ang noo ko may kausap ba sya?
"Thank you for 100 stars Michael" she said as she waves at the screen
Right she's streaming right now
Nilabas ko ang phone ko para panoorin sya
Oh my gulay really? 11k viewers? Wala ba silang magawa sa kanila!
Natawa ako sa naisip ko magssend akong star sa kanya. Pagkasend na pagkasend ko ay kumunot ang noo nya bago lumingon sakin saglit
"Thanks for 1000 stars Frances Brielle, and get out of my room"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, gagi to!! Hindi nya nga nililinis pangalan ko dinadagdagan nya pa. Hindi ko masabing magiging magkapatid kami dahil wala pa naman!
"Ugh kainis ka" sabi ko sa kanya pero nag shoo sign lang sakin
"People last game ko muna to I need to attend something I will end my live after this"
Tinignan ko ang comment dahil sunod sunod yon sobrang sakit sa mata dahil sobrang bilis umangat ng mga yon
Nababasa nya pa ba yon
"Shout out to John dm me your id number"
Malapit na matapos dahil nasa base na sila ng kalaban at talagang si Ate mo Reign parang nagmamadali dahil nilalampasan nalang ang kalaban nya dirediretso sa base kasama ang minions
And yeeey victory halos mapapalakpak pa ko kasi ang galing nya, sabagay hindi naman sya magsstream at papanoorin ng tao kung di sya magaling
"Thank you for watching people till my next live ciao!" she winked at the camera
Oh my G
Bakit sobrang hot nya don
Tinignan ko syang nag aayos ng gamit nya at itinabi yon
Sabay kaming napatingin sa pinto ng may kumatok don
"Baby you there? Reign?" boses ni Kuya yon
I jumped out of her bed
"Sunod ka na ah" sabi ko bago lumabas ng kwarto nya
Nakaakbay si Kuya sakin habang pababa ng hagdan, mabuti naman at sabay silang walang ganap ni Daddy ngayong lunch this is rare
Nadatnan namin si Daddy na nakaupo na sa seat nya at nagsscroll sa phone nya
"Where's Reign baby?" saktong tanong ni Daddy ang pagdating ni Reign
Wala si Tita dahil may shooting daw ito
"Baby magshopping kayo ni Reign later you can use my card" nagningning naman ang mata ko sa sinabi ni Kuya