Malakas na hangin ang sumalubong sakin pagpasok ko ng school
Damn bakit sobrang lamig at hangin naman. May bagyo ba?
Nilibot ko ang paningin ko at wala masyadong studyante gayong mag aalas dyis na ng umaga. Dumiretso ako sa room namin nakakapagtakang wala din si Chel at Drea sa gate eh silang dalawa yung madalas mauna sakin.
"Oh ineng bakit nandito ka pa?" medyo nagulat pa ko sa pagsulpot ni ateng housekeeper sa harap ko
"Po?" bakit daw ako nandito? Kasi may pasok?
"Ineng suspendido ang klase nyo signal number two na tayo ineng maigi pa at umuwi ka na"
Halos mapamura naman ako dahil sa narinig
Seriously? Kung kailan dinrop lang ako ni Kuya Rico dito dahil ipagddrive nya si Daddy ngayon while Kuya ay nasa work
Lumabas agad ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan
Huhuhu Daddy
Tumakbo agad ako sa pinakamalapit na shed damn sobrang basa ko na plus ang ginaw ginaw pa
To Kuya Rico:
Kuyaaaa wala kaming class can you fetch me now? Huhu
Dumadami na ang tao sa shed kaya nasisiksik ako dito sa likuran at hindi naman nagrereply si Kuya Rico malamang ay nagddrive sya ngayon.
Wala pang mabook na grab at wala pa masyadong taxi na nadaan. Jeepneys lang pero I can't take risk at baka lalo lang akong mawala pag tinry ko. Sobrang naguunahan yung mga taong makasakay sa jeepney.
Yakap yakap ko na ang sarili ko dito sa sulok dahil basa ako at sobrang lamig talaga, sobrang lakas ng ulan kaya napasok na din ang tubig dito
What if I die here? Huhuhu
"Huy ate okay ka lang?" napatingin ako sa kumausap sakin sa tingin ko ay mas bata sya sakin ng ilang taon
Umiling nalang ako bilang pagsagot hindi naman talaga ako okay ang lamig lamig feeling ko ay magkakasakit ako pag nanatili pa ko dito
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko yun
From Ulan:
Where are you? I'm home bakit wala ka pa dito?
Nabuhayan naman agad ako ng loob at mabilis nagtype pero bago ko pa maisend ay namatay ang phone ko
Great!
Just great!
Naiiyak na ko dito sa sulok at wala akong pakialam kung pinagtitinginan nila ko
Hindi ako sanay sa mga ganitong circumstances! Pinalaki ako ng Daddy ko na hindi humaharap sa mga ganitong problems.
Nakayuko lang ako dito habang naiyak.
Dadddyyy save meee
"Omyghad si Reign ba yan" rinig kong sabi ng mga tao kaya napatunghay agad ako
Reign? Ulan?
"Excuse me" dinig ko ang pamilyar na boses nya kaya tumayo agad ako at lumakad palapit sa kanya para yakapin
I'm save huhu akala ko mamamatay na ko dito sa sched na to
"Hey don't cry" rinig kong sabi nya kaya lalo akong napaiyak sa yakap nya
Hindi na ulit ako papayag maiwan magisa ever
Nilayo nya ko ng konti bago pinunasan ang mga luhang patuloy na nadaloy sa pisngi ko