Chapter 5 (Meet a friend)

130 1 0
                                    

Ilang araw ng lumipas at bumalik na naman ang pagiging masungit ni Ian. Hindi na niya ako pinapansin pero sabay pa rin kaming pumupunta sa university. Sabi ko na nga ba at dapat ay sulitin na ang pagiging mabait niya dahil ngayon mukhang tinubuan na naman ng sungay.

"Uyy, Ash!" biglang sigaw ni Rizza na nasa likuran ko. Humarap ako sa kanya, kahit na panandalian lang kaming nagkasama ay kilalang kilala ko na ang boses niya.

"Rizza, ba't ka nandito?" tanong ko sakanya.

"Hinanap kasi kita. Buti naman at madali kang hagilapin." masaya niyang sagot.

"Uyy, diba jowa mo si Ian?" tanong na naman niya.

"Hi---" hindi ko na tapos ang dapat kong sasabihin sa kanya dahil...

"Nakita ko siya kanina girl," nahihimagan ko sa pagsasalita niya na ayaw niyang ituloy ang gusto niyang sabihin. "Kasama niya si Sofia Ariana Lopez. Mayaman yun at mukhang ang sweet pa nga nila e... Balita ko nga silang dalawa ang laging magkasama, sa mga group project, genern." dagdag niya.

Siguro ang Sofia na tinutukoy niya ay yung babaeng tumapak sa paa ko. Siguro nga ay may relasyon sila.

"Hayaan mo na. Siguro nga sila na." pinilit kong maging masaya ang pagkakasabi ko pero parang may namumuong kurot sa kalooblooban ko.

"Naku! Wag ka naman sanang maging kabit girl. Kung hindi ay makakain talaga ni Ian ang lupa. Humanda lang siya sa akin. Tsaka wag mong sabihin na sila na, diba nga jowa mo siya?" naiinis na sagot at tanong ni Rizza.

"Hindi ko siya boyfriend, okay?" pag-amin ko.

"E ba't sabi niya boyfriend mo siya at nagsasama pa kayo ng iisang bahay?" curious na tanong ni Rizza.

"Uyy Rizza, sasagutin ko yan. Sa canteen na lang tayo mag-usap. Nasa pathway tayo oh!" at hinila ko na siya papuntang canteen.

Umupo muna kami tsaka ako nagsimulang mag-kwento.

"Rizza, ulila na ako at ang kumupkop sa akin ay ang mga Sudalga. Naging working student ako sa kanila. Pero ngayong college na ginusto kong dito mag-aral ay dito nila ako pinag-aral at higit sa lahat wala na akong trabaho sa bahay nila dito. We're from Davao.   At yang si Ian, sobrang sungit niyan, si Ives naman ay ang pinakapilyo at laging nanti-trip sa akin, at si Ivan ang pinaka kuya sa kanila naman ang close ko dahil para ko na rin siyang kuya." mahabang kwento ko at tango-tango lang ang sinagot ni Rizza.

"Uyy, ang sipag mo naman. Ako kasi ngayong college lang nag working student e." manghang sagot niya.

"Ililibre na kita, order ka na." anyaya ko sa kanya.

"Kahit sandwich at tubig lang. Baka nagtitipid ka pa." nahihiyang sagot niya.

"Wag kang mahiya may monthly allowance ako." sagot ko.

"Sige coffee na lang na dark chocolate." masayang sagot niya at tumango ako at nag-order.

Kumain na kami at pagkatapos ay nag-paalam na ako sa kanya at dali-daling pumasok sana hindi pa ako late sa next subject ko. Mabuti na lang at late yung second subject ko this day kung hindi ay kawawa naman ako. Gusto ko pa namang pumasok sa deen lister huhuness.

Pagpasok ko sa classroom ko ay umupo na ako kaagad. Mabuti't hindi ako late. Bakit pa ba kasi ako nakipag-kwentuhan doon?

***

Mabilis na natapos ang klase ko sa umaga kaya ngayon ay nandito ako sa canteen. Mag-isang kumakain ng lunch.

May biglang nagplapag ng tray sa table ko at pagtingin ko ay si Ian lang pala. Si Ian na seryoso ang tingin. Si Ian na masungit pa rin ang mukha.

"Uyy, bakit ka nandito?" tanong ko. "Doon ka na lang sa mga kaibigan mo." dagdag ko.

"They can eat without me." walang emosyon niyang sagot.

"E, makakain rin naman ako ng wala ka." paglalaban ko. Hindi ko gustong malapit kami dahil ayokong lumapit si Sofia. Kahit pangalan pa lang ay nakakakilabot na.

"Ian, why are you here?" tanong ng isang babae kay Ian at ito'y aking nahimagan na si Sofia. "They're in other table and who's this girl?" dagdag niya.

"Uhm, sige bye na po. Baka namaling table lang po si Kuya. Alis na po ako." parang batang paalam ko.

Umalis na ako dala dala ang bag ko at dumiretso na lang sa library. Pagdating ko sa library ay kumuha na lang ako ng libro at nag-aral na lang. Habang ako'y nag-aaral ay lumilipad pa rin ang isipan ko sa mga nangyayari sa kanila. Alam kong wala akong karapatang mag-selos, dahil hindi kami at higit sa lahat ay hindi ko pa talaga alam kung anong nararamdaman ko sa kanya. I think, I'm indenial stage.

Habang ako'y nag-aaral o nag-iisip na lang ay may lalaking humila ng upuan sa tabi ko. Base in his perfume, I know it's him.

"Bakit ka na naman umalis doon?" tanong ko na nakaharap pa rin sa libro.

"Alam ko na ang lahat..." hindi ko alam kung naiinis ba o nag-aalala ang pagkakasabi niya.   "It's Sofia, right?" dagdag niya na tanong.

"Ha? What do you mean?" kahit na nahihimagan kong ang kanyang ibigsabihin ay tungkol sa nangyari sa amin ni Sofia ay pinilit kong magmaang-angan.

"Don't act, na parang wala kang alam. Si Sofia ang may gawa sa pamamaga mo, hindi ba?" pagalit niyang tanong na naka-agaw ng pansin ng mga tao sa library.

"Silent. Kayong dalawa, labas!" sigaw ni librarian.

Nauna akong lumabas sa kanya. First time kong mapagalitan ng librarian dito kaya nakakawala ng gana.

"Siya rin ang nagbanta sa'yo na kapag lalapitan mo pa ako ay makakaalis ka dito sa University?" tanong niya ng nasa pathway na kami.

"Oo," hindi ko niyang mabasag ang boses ko. "Kaya pwede ba? Ikaw na lang ang umiwas?' dagdag ko.

Hindi siya sumagot, hindi rin siya makatingin ng diretso sa akin.

"Sinusungitan mo ko diba?! Matagal mo na akong iniiwasan. Simula pa ng nasa Davao pa tayo. I don't why? Lahat ng mga kapatid mo pinapansin ako. But it's okay, katulong lang naman ako sa inyo----" naputol ang dapat ko pang sasabihin dahil...

"Don't say that... Iniiwasan kita dati not because of that," parang nabasag rin ang boses niya. "It's because of my feelings... My feelings for you. Matagal na kitang gusto, diba umamin na ako sa'yo?" dagdag niya na nagpatigil muli sa akin.

"I'm secretly courting you. Pero hindi mo napapansin, Ash." nakayukong dagdag nanaman niya.

Maglalakad na sana ako paalis pero hinawakan niya muli ang kamay ko't pinaharap. Naramdaman ko na lang na nagdampi na ang aming mga labi muli. Gusto kong kumawala sa kanyang mga halik pero siya ang umaaway. Hinawakan niya ang pisngi ko ng mahigpit upang ako'y hindi makawala.

"How dare you to kiss him?" dinig kong sigaw ni Sofia na nakahawak sa nakaponytail kong buhok. Masakit ang pagkakasabunot niya. "Ang cheap mo naman Ian." dagdag niya at ang narinig ko na lamang ay isang malakas na sampal at nabitawan ni Sofia ang buhok ko.

Hinawakan ni Ian ang kamay ko at hinila na ako paalis. Kahit ang mga tao ay naaagaw rin namin ang kanilang pansin.

"Akala ko si Ian at si Sofia. Hindi pala. Ian is so cheap." dinig kong sabi nung babaeng nakikipag chismissan.

"Maganda rin naman yung babae a." yung isang babae naman.

"Yuck. A maid like her. Hindi mo ba narinig yung sabi niya kanina?" yung isang babae naman nag nagsalita.

Marami pa akong narinig na mga sabi-sabi ng mga estudyante. Pero mabilis din kaming nakaalis doon ni Ian.

"Uyy, Ashley!" tawag ni Rizza sa akin.

"Rizza, not now." suway ni Ian. "Kailangan muna naming umuwi. Mag ca-cut muna kami." dagdag ni Ian.

"Okay. Take care." paalam ni Rizza.

Dumiretso kami ni Ian sa sasakyan niya. Binuksan niya ang shot gun sit at pinasakay ako. Sumakay na rin siya at diretso siyang nag drive pauwi.

:-)


FROM ACCOUNTANT TO SUDALGA'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon