Chapter 23 ( Ashley)

124 3 0
                                    

Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito kaagad. Lunes na naman kasi, balik trabaho, nandito ako ngayon sa Fernandez bank. "Hello, Eerah!" sabi ko kay Eerah na nasa phone call.

"You have photoshoot later. Biglaan dahil may kumuha sa'yo. Perfume, Ashley rin ang pangalan. Sabi ng secretary ng CEO, bagay daw sa'yo sabi ng boss niya dahil Ashley rin ang pangalan mo." diretsong sabi ni Eerah.

"Bagong perfume ba 'yan? Hindi talaga unique ang pangalan ko. Sa tingin ko anak ng may-ari 'yung Ashley, maraming ganon e." sagot ko.

"Naku, naku! Basta mamayang gabi huh?! I'll text the address. I will buy you a dinner pero Jollibee drive-thru lang." mabilis na sabi ni Eerah.

"Sige, sige." sagot ko.

Maaga kong tinapos ang trabaho ko at nagpaalam rin ng maaga sa manager. Five o'clock pm na akong nakaalis ng bangko. Eerah texted me kung saan and it's in QC.

"Sudalga's building" basa ko sa nakapaskil, pagkababa ko ng taxi.

Hindi naman siguro sa kanila ito noh?! Hindi lahat ng Sudalga sila but I think connected sa kanila.

Pumasok agad ako dahil sa sunod-sunod na text ni Eerah.

Eerah's texted me na nasa 5th floor daw sila kay dumiretso naman ako doon.

Sinalubong ako ni Eerah pagkalabas ko ng elevator ng makahulugang ngiti.

"Ipapakilala kita sa CEO," sabi ni Eerah.

Pumasok kami sa isang room na para talagang studio na for photoshoot.

"This is Mr. Chris Ian Sudalga. The CEO of Ashley. I know you know him. Pasensiya na Ashley, hindi ko sinabing siya baka hindi ka pumayag e." sabi ni Eerah.

"Anong Ashley? Did you use my name?" I asked.

"Relax, Ash. They didn't know your history. Baka lumabas sa media ulit 'yung issue." bulong ni Rizza

"I didn't use your name. Nagkataon lang, Miss. You are the accountant in Fernandez bank, right?" tanong ni Ian na parang hindi ako kilala.

He's still acting na kaka-meet lang namin a. Ano ito na amnesia?

"Hindi ka pa nag-dinner diba?" tanong ni Eerah upang maiba ang usapan.

"Likewise," sagot ko.

"Ito ang pagkain mo. Kain ka muna." sabi ni Eerah.

Pagkatapos kong kumain ay minake-upan na ako. Hindi talaga umalis si Ian. Ewan ko ba? Parang planado na talaga ang lahat.

"Sir, you have late meeting with board today. Eight o'clock pm will start the meeting, Sir." dinig kong sabi ng kanyang sekretarya. Sexy ito kaya hindi makapagtataka na ka-fling din niya ito.

Kung noong nasa bank ay hindi ko napagmasdan ang katawan ni Ian at ang kanyang itsura ng maayos. Ngayon habang inaayos ang buhok ko ay nakikita ko siya sa salamin.

Hubog na hubog na ang kanyang katawan at mas lalong kuminis ang kanya mukha, ang kanyang mga labing maninipis na aking dating dinadama. Ano ba 'yan? Ba't napunta sa labi? Kamanyakan na ba 'yan, Ashley?

"I said, cancel all of my appointments today. This is my priority today." dinig kong sagot niya habang ang mga mata ay nasa akin.

"Pero dati, Sir. Noong, nasa ibang bansa ka pa lang po e, hindi mo naman pinapanood ang nga ganito sa company niyo a?" reklamo ng kanyang sekretarya.

"Are you questioning me? Gusto mo bang masisante?" galit na sabi niya ngunit na sa akin pa rin ang kanyang mga mata.

"Sorry, Sir. Icacancel ko na po." sukong sagot ng kanyang sekretarya at inirapan naman niya ito.

"Simulan na natin," sabi ni Eerah. "Ash, ito raw ang lines mo. May gagawin raw kasing commercial. Ikaw rin daw sabi ni, Sir Ian." sabi sa akin ni Eerah.

Binasa ko ito at minemorize dahil ayokong mapahiga pa ulit.

Inuna muna ang para sa commercial kaya napa-act tuloy ako.

"May effects diyan kunwari na flowers a. Magaling ka naman d'yan, Ash." sigaw ni Eerah.

Sa una, nag perfume muna ako na may sulat na 'Brand X' at nagkunwari akong hindi ito mabango hanggat nakita ko ang isang perfume sa isang upuan at inamoy ko ito at ginamit and 'yun nga may lalabas daw kuno na effects na flower.

"ASHLEY, walang tatalo sa bango!" nakangiting sabi ko habang nagpapacute ang kunwaring inaamoy ito.

"Cut!" sabi ni Eerah.

"Tama ba ang sinabi ko?" tanong ko. Ayoko nang mapahiya pa.

"Oo, tama naman! Sa photoshoot na tayo." sabi ni Eerah.

Ilang post ang tinuro sa'kin ng photographer at ng director kuno ng commercial nitong Ashley ni Ian.

"Perfect," sabi ni Ian sabay palakpak. "You did perfect, Ashley." dagdag nito.

"Thank you at ayoko nang mag-mod dito ulit." sagot ko. "Eerah, may contract nga ako sa'yo but please 'wag mo 'kong ilagay sa ganito." balin ko kay Eerah at dumiretso sa fitting room upang makapagpalit na rin ng damit.

Pagkatapos kong magpalit ay umalis agad ako hanggang sa may tumakip ng panyo sa ilong ko at ang buong paligid ay dumilim.

Nagising akong nasa isang kwarto ako. Gray is the main theme of the room.

Lumabas ako dahil bukas naman ang pintuan, I'm in second floor. Pamilyar ang bahay ngunit ang mga pintura at disenyo nito ay hindi. It's look a like Sudalga's mansion in Davao kung saan ako nagtrabaho at lumaki.

Bumaba ako at nakita ko kaagad si Madame. Ang ina ni Ian.

"Ash, why are you here? At bakit mo suot ang damit ni Ian?" gulat niyang tanong.

Maging ako'y gulat din dahil damit pala ni Ian aking suot ngayon. What if ginahasa niya ako? Naku! Kasalanan 'yun at what if mabuntis ako at hindi niya papanagutan?

"Madame este tita, anong petsa na po ba ngayon?" tanong ko.

"May five and it's Thursday." sagot nito.

"Naku! 'yung work ko po sa Manila." sabi ko.

"Ba't hindi mo alam ang araw ngayon? Anong ginawa sa'yo ng anak ko? Hindi ako galit sa'yo, Ash pero sabihin mo sa'kin ginahasa ka ba ng anak ko? Ikakasal ko kayo kaagad." sabi nito na hindi ko mawari kung nag-aalala o natutuwa.

"I think he kidnapped me," sabi ko.

Paano nga kung kiniddnaped niya nga talaga ako, my goodness. Ano bang pinaplano mo, Ian?

:-(

A/N: Kung ayaw mo edi, Ian, ako na lang ang kidnappin mo. Willing ako, future lawyer na businessman pa. Saan ka pa, Ashley?

FROM ACCOUNTANT TO SUDALGA'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon