Paggising ko ay nakita kong nakahiga si Ian sa sofa. Matagal akong napatitig sa kanya. Ang gwapo at napakakinis niya mukha, ang kanyang mga mapupungay na mata na ngayon ay nakapikit, ang kanyang matangos na ilong at ng dumapo ang aking tingin sa kanyang mga labi ay naalala ko ang nangyari kagabi.
Ang kanyang halik na napakatamis. Bigla siyang nagising at napaiwas naman ako ng tingin.
"Are you hungry?" tanong niya kaagad.
"A little bit." sagot ko.
"Kukuha lang ako ng pagkain." paalam niya at lumabas.
Dumating siyang may dala ng breakfast. Inilapag niya ito sa study table ko.
"I'll carry you." paalam niya at binuhat ako at pinaupo sa upuan.
Habang kami ay kumakain ay marami kaming napapag-usapan. Ngayon ko lang nakita na ganito ang masungit na ito. Kaya sa tingin ko ay dapat itong sulitin.
"Nandiyan na ang mga gamit mo. Pinakuha ko na. Pero wag ka munang pumasok." nakangiting niyang anya.
"Bakit mo pinakuha kaagad?" tanong ko.
"Wag ka ng magtanong." sagot niya at tumahimik na lamang ako.
Pagkatapos naming kumain ay naisipan kong maligo na. Siya naman ay nagliligpit lang ng pinagkainan namin.
"Maliligo na ako," paalam ko pagkatapos naming kumain.
"Go head. Babalik din ako dito mamaya. After kong magpasa ng email sa university." sagot niya.
Pumasok na ako sa bathroom nang medyo pilay pa rin. Sana nagpabuhat na lang ako chosss!
Pagkatapos kong maligo ay naglagay na ako ng tuwalya. Ang problema ko lamang ay kung paano lumabas at kumuha ng gamit. Naisip kong baka ipinaayos na rin niya ang mga gamit ko at nilagay sa cabinet kaya lumabas ako para kumuha.
"Aaaahhhhhh," sabay naming sigaw. Kahit na pilay ay bumalik ako sa bathroom.
"Bakit ka ba nandito?" tanong ko ng makapasok na ako sa bathroom.
"Diba sabi ko, babalik ako." sagot niya.
"Ikuha mo na lang ako ng short at or any oversize shirt diyan." pinaghalong naiinis at nahihiya ang boses ko.
"Here," inabot niya ito sa akin.
"Thank you," sagot ko at nilock ang pinto.
Nagbihis na ako at paglabas ko ay nakita kong nakahiga siya sa kama ko.
"Masakit pa rin ba ang paa mo?" tanong niya.
"Malamang. Hindi mo ba nakikita na napipilay pa rin ako?" pabalang kong sagot.
Lumabas siya siguro ay naiinis na talaga sa akin. Nagkamali ako dahil akala ko ay hindi na siya babalik pero bumalik siya at may dalang tubig.
"Drink your meds," utos niya at binigay sa akin ang tubig at gamot na dapat kong inomin.
Ininom ko na ang gamot at humiga sa kama.
"Ian, pakibuksan ang TV. I'm so bored." utos ko sa kanya at sinunod naman niya.
We watched a romance movie. Minsan ay natatawa rin kami dahil may mga funny moments ito. Hindi namin namalayan ang oras dahil sa kakapanood hanggang sa dinalihan na kami ng pananghalian ng mga maid nila.
"After my graduation. Ipapadala na ako sa business namin sa abroad para i-manage yun." malungkot na sabi niya habang kumakain kami. "Gusto kong dito na lang ako mag manage ng business dahil may ayaw kong iwanan dito." dagdag niya.
"Makakauwi ka pa naman siguro." pampalubogloob ko sakanya. "Kung ang mga magulang mo ang maiiwan mo e. Pwede ka naman nila bisitahin. Even your brothers and your friends." dagdag ko.
"Hindi ako sa kanila na sasayangan." sagot niya. "Sa isang babae na matagal ko ng nagugustuhan." dagdag niya na nagpakaba sa akin.
Hindi na ako sumagot para matapos na ang usapan. Pagkatapos naming kumain ay nanood pa rin kami ng movie sa TV.
"Patingin nga ng paa mo," at kinuha niya ang paa ko. "Medyo lumiliit na yung maga niya. Inumin mo lang ang gamot mo, gagaling din kaagad yan." dagdag niya.
Lumipas ang dalawang araw bago kami nakapasok dahil hinintay pa namin bago gumaling ang paa ko. Medyo natatakot rin akong pumasok lalo na't kasama ko siya. Hindi ako palaaway na tao kaya hindi ako marunong lumaban.
Mabuti na lamang at mapayapa ang pag-aaral ko sa araw na yun at ngi anino ng babaeng yun ay hindi ko na nakita.
Umuwi akong walang kasama. Hindi ko na hinintay pa si Ian dahil may klase pa siya ang sabi niya ay hintayin ko siya pero nagpasya akong iwan na lang siya at umuwi.
Wala akong ginawa kundi ay mag-aral lamang habang naghihintay ng hapunan. Gustohin ko man ay ayaw ng mga kasambahay. Mas mabuting mag-aral na lang daw muna ako.
"Ashley, kakain na raw ho kayo." dinig kong sabi ng kasambahay pagkatapos niyang kumatok.
"Sige po." aking sagot. Nagligpit muna ako ng mga gamit ko tsaka ako bumaba.
Pagdating ko sa dining table ay nand'on na ang tatlo.
"Wala daw kakain hanggang hindi pa tapos si Haring Ian." biro ni Ives pagdating ko.
"Upo ka na Ashley. Hayaan mo na yang si Ives." utos ni Ivan at sumunod din ako.
Nagsimula na kaming kumain at hindi pa rin tumitigil si Ives sa kakasalita. Nagbibiro siya pero wala namang tumatawa. Si Ian naman ay parang bumalik ang ugali niya. Tahimik at sobrang sungit. Yung bang kahit tititigan mo lang ay mahihiya't matatakot ka na.
***
Natapos kaming kumain na maingay pa rin si Ives. Si Ivan naman ay pumunta sa opisina niya dito sa bahay at si Ian naman ay dumiretso sa kanyang kwarto.
Kami na lamang ni Ives ang nandito sa sala. Ayaw ko naman siyang iwan dahil kumuha pa siya ng wine at inaya akong uminom. Hindi naman akong palainom na tao, occasionally lang.
"Ives, matulog ka na." suway ni Ian sa amin. Hindi ko namalayan ang pagbaba niya.
"Join us bro. Wag kang KJ." sagot sa kanya ni Ian.
"Ives, matulog na lang tayo. May klase pa bukas." isa yung awat, ko para sa kanila dahil baka mag-away pa sila dito.
"No. My little brother will join us." pag-aaya nanaman ni Ives at nagbigay ng pilyong ngiti sa amin.
"Good night na nga lang. Ang tigas ng ulo mo." naiinis na sagot ko sa kanya. Papunta na ako sa kwarto ko pero nakita ko naman si Ian.
"Matulog ka na rin..." iyon ay aking paalam sa kanya at dumiretso na ako sa kwarto ko upang magpahinga.
:-)
BINABASA MO ANG
FROM ACCOUNTANT TO SUDALGA'S WIFE
RomanceShe's an orphan and adapted and also working while studying at Sudalga's family and loving the son of her boss is forbidden. Having an affair to her madame's son is forbidden. There's alot of forbidden, how can Ian and Ashley can fight for their rel...