NAPANGANGA na lamang si Cathy ng makita ang kabuoan ng bahay na ibinigay sa kanya ng ina.
What the!
'Akala ko ba maliit ag simple lang!'
Hell!this subdivision is so very luxurious. Kung hindi siya nagkakamali pag-aari ito ng Real Estates na nasasakupan lang rin ng Toledo Group of Companies, the Costa Prima Leona Subdivision o CPL subdivision.
Kaagad siyang napa-kalabit sa driver na nagbababa ng gamit nila ngayon. "Bakit ho Ma'am?"
Dinuro niya ang bahay na nasa harapan niya. "Are you sure ito yung bahay na sinabi ni mama?"takang tanong niya.
Tumango ito. "Sigurado po ako Ma'am, isa nga rin po ako sa nag-ayos ng mga gamit dito sa bahay kaya imposible pong ako'y magkamali!" Anito.
"Pero akala ko ba simple at maliit lang ang ibibigay niya sa amin ng mga bata katulad ng hiling ko?" Giit niya.
"Maliit nga lang po ito Ma'am, pagpasensyahan niyo nalang po ang iyong ina, kasi di hamak na mas malaki ang mansyon ng mama niyo po doon sa Laguna" anito.
Napataas siya ng kilay. "Ang ibig mo sabihin, maliit at simple lang ito kay mama, kuya?" Tanong niya dito.
Tumango ito. "Opo!sa 35 years na po paninilbihan bilang driver sa mga Toledo ay masasabi ko talagang bigatin ang pamilya nila, lalo na nung mag-trabaho po ang mama niyo sa mga Toledo, itinuturing na swerte ang mama mo kaya pinilit itong magpakasal kay sir Philip, kaya yun mas umusbong pa ang pera ng mga Toledo, naging saksi naman ako na naging masaya sila at nagkaanak rin di nagtagal isinilang din ng mama niyo si Miss Pham na mas nakadagdag pa ng swerte, pero bigla nalang nalugi yung mga Toledo sa hindi malamang kadahilanan, ni wala nga rin akong alam kung bakit eh" mahabang litaniya nito.
Napahawak siya sa kanyang sentido, IO yata siya sinabi ni kuya. "Sumasakit ang ulo ko sa yaman ng mama ko, gusto ko ng matulog kuya!ikaw na ang bahalang magpasok sa mga gamit!" Aniya.
Hindi na niya hinintay ang sagot nito dahil mas nangingibabaw sa kanya ang kagustuhang magpahinga.
Masyado na siyang pinagod ng dalawa niyang makukulit na anak, na ngayon ay natutulog na kasama ang dalawang yaya ng mga ito.
Tapos nais-stress pa siya sa ugali ni Amelie na sobrang sungit lalo na sa anak ng long time no see friend niyang si Dina Labrusca.
Tapos na 'Information Overload' pa siya kay Kuya Driver kanina dahil sa past kwento ng mama niya sa piling ng mga Toledo.
Kung ang kanyang ina ay may dalang swerte siya naman ay may kaakibat na kamalasan....noon.
Ewan ngunit sa napapansin niya noon sobrang malas niya sa pag-ibig ng lahat.
Ngunit nawala ang salitang 'malas' mula sa kanyang bukabolaryo mula ng isilang niya sa mundong ito ang dalawang anghel na nagbigay ng sobrang liwanag sa madilim at nakakatakot na mundo ng sawi sa pagmamahal ng lahat ng tao.
Di nagtagal ay nakaidlip na rin siya dahil sa pagod.
LUMIPAS ANG DALAWANG araw mula ng sila'y makalipat sa Maynila. Natulungan na rin siya ng kanyang ina na pumasok sa school bilang isang guro ng mga elementary students.
Bukas na rin magsisimula ang unang araw ng klase, kaya todo paghahanda ang ginagawa niya ngayon.
Mula sa mga school supplies ng mga anak niya, uniforms at iba pa.
She was already oriented by the Head Mistresses of the school. Nahati ang schol sa tatlo, ngunit pareho lamang iyon ng pangalan at kung ang mga nagma-may-ari.
1.Elementary
2.Secondary
3.CollegeAt mas lalo siyang na-orient na napaka-exclusive ng school nato, masyadong mahal ang tuition fees ng mga studyante dito lalo na ang elementary, ngunit buti na lamang at ang ina na niya ang bahala doon.
YOU ARE READING
Her Promise (COMPLETED)
Romance'I can't promise to fix all of your problems but there's only one thing I can really asure at you, and that is you will never face them alone' -Theodore Rein Dela Vega Catheline Aubrey Cortes was an orphan child, she was sent to the orphanage by he...