ISANG BUWAN na ang lumipas at tuwing linggo lang nagkikita ang mag-aama. Hindi narin siya sumasama kapag may bonding ang mag-ama dahil time na nila 'yun.
Naging abala rin siya sa pagtuturo at pag-gawa ng lesson plan, kaya medyo nawawalan na siya ngvoras para sa mga anak niya.
Kaya naman naisipan niyang bakantehin ang buong weekend nilang mag-anak, napagdesisyunan niyang umuwi na muna sa probinsya ng Calagtan at bisitahing muli ang kanyang ama.
"Girls, pupunta tayo bukas sa Calagtan province, doon ako lumaki at ang ate Mitch niyo, at tsama gusto ko ring makilala niyo ang lolo niyo....papa ko" aniya sa mga anak.
Nandito ang tatli ngayon sa kwarto ni Mitch at naglalaro.
Napahinto naman si Thalia sa pagtawa. "May lolo po kami?is he alive?" She asked innocently.
Napangiti siya ng malungkot. "No Thalia, we'll visit him in his graveyard at the cemetery, matagal na siyang patay, bata pa lang ako, siguro mga nasa twenty-six years na rin mula 'nung mamatay ang lolo niyo at batid ko rin na nais niya kayong makilala, kayo gusto niyo rin ba?" Aniya.
Kaagad namang sinang-ayunan iyon ng kanyang mga anak. "Sige po mama, kaya nga lang po...." it was Amelie.
"Kaya ano anak?"
"Do you have any atleast a one photo of lolo?I....I mean, I'm really really curious about of his face" Amelie continued.
She sigh. "Wala---ah!meron pala, tinago ko iyon sa closet ko, kaya lang isa lang 'yun, wala na kasing ibang naitago si motger Charity maliban sa isang 'yun" tugon niya sa tanong ni Amelie.
Tumango ito. "Atleast meron po!"
Binalingan niya ng tingin si Mitch. "Mitch anak, hindi naman siguro---I mean, wala naman sigurong nangialam sa mga gamit ko doon di'ba?" Tanong niya.
Umiling ito at ngumiti. "Wala po mama. Ang alam ko wala namang pumapasok sa silid mo kapag hindi kailangan, pinapasom lang 'yung kwarto niyo doon kapag kailangan na talagang linisan....nga pala mama..." biglang naging malungkot ang buong mukha nito dahilan upang makasibol ng kaba sa kanyang dibdib.
"Bakit anak?m-may problema ba?" She asked.
"Hindi na kayang itaguyod ni Mother Charity ang orphanage, unti-unti na ring lumiliit ang kita sa simbahan sa pagtapos ng panahon kaya....unti-unti na rin nilang ipina-ampon ang mga bata doon, mapalad nga lang ako eh kasi kinuha niyo talaga ako doon ng kusa, kung hindi baka naipa-ampon na rin ako....kabilang na rin po sa naipa-ampon ni Mother Charity ay sina Vex, Cedric, at Sandra, miss ko na ang mga kaibigan kong 'yun!" Malungkot ang balitang hatid nito kaya hindi maiwasang damdamin iyon.
Medyo matagal-tagal rin niyang nakasama ang mga makukulit na mga batang iyon.
Kung susubukan niyang tumulong, baka maisalba pa niya ang ibang mga bata, tama kaya kailangan na niyang kumilos at tumulong.
Magdo-donate siya ng kalahating milyon sa orphanage, nangako siyang tutulong doon ngunit naputol iyon dahil sa paghihiwalay nila ni Theodore at ang paglisan niya ng wala man lang paalam sa kahit na nino.
Kaya patawarin niyo ako....
Vexxon Brielle
Cassandra Maxim
At
Cedric Lohan
Ngunit mangangako siyang hahanapin niya ang mga ito upang tiyakin na nasa maayos silang kalagayan.
Natapos ang gabing iyon na puro paghahanda ang ginagawa nila, nakiusap rin siya sa kanyang tatlong anak na baka kung mayroon itong mga lumang gamit o kahit na hindi ginagamit ay sana naman e-donate nila iyon sa orphanage.
YOU ARE READING
Her Promise (COMPLETED)
Romansa'I can't promise to fix all of your problems but there's only one thing I can really asure at you, and that is you will never face them alone' -Theodore Rein Dela Vega Catheline Aubrey Cortes was an orphan child, she was sent to the orphanage by he...