Chapter 32

115 4 0
                                    

NAPABUNTOG-HININGA na lamang si Theodore bago umalis sa kanyang kinatatayuan. Nang makarating siya sa harap ng orphanage doon niya nakita si Cathy na tumatawang nakikipag-usap kay JC.

Paano niya naman makakalimutan ang isa sa mga pinagseselosan niya noon maliban kay Terrence.

"Talaga?!maganda pa rin ako?" Natutuwang turan ni Cathy kay JC.

Tingnan mo 'tong babaeng to. Kanina lang parang sinasakal siya dahil sa sobrang ka pormalan nito at kalamig ng boses tapos ngayon nakikipag-tawanan na naman.

"Oo naman!lumaki ka nga lang ng sobrang konti pero ang sexy at ang ganda mo pa rin!" JC complimented Cathy.

"Aba!" He hissed.

Tumawa ulit itong si Cathy. "Talaga?naku naman, masyado mo naman akong pinapakilig sa mga  salita mong 'yan HAHAHA!" nag-uumapaw na talaga ang selos niya ngayon.

"Single ka pa rin ba?" Tanong ni JC.

Dahil sa inis ay bigla siyang napasigaw. "Sweetheart!!!!" He shouted til his lungs content.

Kaya nanlalaki ang mga matang napatingin si Cathy sa kanya while JC looks confuse.

Kaagad siyang naglakad ng sobrang bilis patungo dito at kaagad itong inakbayan bago hinarap si JC. "Hi! JC right?naaalala mo pa ba ako?si Theodore, Cathy's husband!"

"A-anong----" naputol ang sasabihin nito ng mas kabigin pa niya ito palapit sa kanya.

"Ah oo naaalala nga kita, ang seloso mo pa rin kahit na asawa mo na si Cathy!" Natatawang tugon nito.

"Natural, kailangan ng barikada eh, lalo na kung ganito kaganda ang misis mo hindi bah?!" Aniya sabay haplos   sa pisngi ng dalaga.

"Theodore ano ka ba?!" Saway ni Cathy sa kanya habang pilit na tinatanggal ang braso niyang  nakaakbay dito.

"Mahal!" Tinig iyon ng isang babae sa may likuran nila ni Cathy banda.

Kaya napalingon silang tatlo dito, isa 'yung buntis na babae. Teka kasintahan ba nito si JC?

Alangan namang sa kanya, e d na letse na!

Kaagad na sinalubong ni JC ang babaeng 'yun at hinalikan sa pisngi, lumingon ito sa kanila at ngumiti. "Asawa ko si Jyrah, ikalawang baby namin lalaki daw ito, pangalan niya naman Jude!" Anito.

Kumawala si Cathy ng tuluyan sa pagkakaakbay niya at lumapit  sa babaeng sinasabi ni JC na asawa nitong nagngangalang Jyrah.

"Hi!ikaw pala si Jyrah, ang  ganda mo pala, ako naman si Cathy kaibigan at kababata ni JC, magkakaanak na pala kayo, congrats ah?!" Cathy said.

Awkward!

Ngumiti din si Jyrah. "Thank you, lagi ka nga ring naibabanggit sa'kin nitong asawa ko, nga pala, nakilala ko na ang mga anak mong kambal at 'yung si Mitch na inampon mo, ang gaganda nila mana sa'yo!"

"Talaga?paano?"

"Nahilo kasi ako kanina sa loob ng simbahan, tapos 'yun tinulungan ako nung Amelie na anak mo, nagbigay rin siya ng iilang mga payo sa'kin habang inaasikaso naman ako ni Thalia, kung ano ang sinasabi ni Amelie sa kanya sinusunod nito, ang tatalino rin ng mga anak mo, ypu must be proud of them!" Jyrah said.

He even felt more prouder of his two daughter, namana ng mga ito ang kabutihang loob ng ina nito.

"Sinasabi nga ng iba na child prodigy daw yung anak kong si Amelie, ang dami kasi niyang alam na hindi namin alam, mas matalino pa ang anak ko kesa sa'kin" natatawang tugon naman ni Cathy.

Her Promise (COMPLETED)Where stories live. Discover now