KAGAYA pa rin ng dati, ang monitor pa rin ng computer ang kanyang kaharap habang nagde-design ng mga characters sa isang bagong game app na gagawin ng kompanya.
Her boss gave her this work kasi yung designer na dapat ay nagtra-trabaho sa trina-trabaho niya ay may sinat kaya hindi pa nakapasok. Kaya kahit wala pa siyang gaanong experience sa paggawa ng characters sa isang game app, ay ginagawa pa rin niya naman ang best niya.
Habang nag-iisip siya kung ano ang desenyo ng magiging espada ng character na ginawa niya ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng opisina ng boss niya at lumabas doon ang isang babaeng umiiyak na naman.
Kaagad naman siyang napatayo at bumati. She's worried about of this woman. Ano na naman kaya ang ginawa ng boss niya sa babaeng ito?
Nilapitan niya ang babae na naka-upo na ngayon sa sahig habang umiiyak. "Ma'am are you, okay?" mahinang sambit niya.
Dahan-dahan naman itong nag-angat ng tingin sa kanya.
She sobbed. "No, I'm not okay. Sabihin mo diyan sa boss mo, na gago at hinayupak siya, after what I've done for him, tapos e sasabotahe niya lang pala ako, para lang daw sa isang babae na matagal nang patay, baliw siya sinong magmamahal ng isang patay?!" kaagad itong tumayo at umalis sa harapan niya at tinungo ang elevator.
Dahan-dahan siyang tumayo at tumingin sa papalayong bulto ng babae, siguro modelo din ito. Napa-iling nalang siya, saka hinarap ang nakasarang pinto ng opisina ng boss niya.
Dinuro niya ang pinto. "Gago ka! ilang babae na ba ang nakita kong umiiyak ng dahil sa'yo, boss? animal ka.... wala kang pakiramdam, kung mayroon kang pinagdaraanan tungkol sa isang babae sana lumaban ka naman ng patas hindi yung nananakit ka ng dadamin ng iba....GAGO--" napatigil siya sa pagdadadaldal ng bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang boss niya.
Kaagad namang nanlaki ang kanyang mga mata at ang kanyang kamay na nakaturo sa boss niya ngayon ay ibininaliktad niya sa kanya.
"---ako..." linunok niya ang sariling laway. "Boss, may ipapagawa pa po ba kayo?" wala sa sariling sabi niya.
"Bukas na ang deadline ng pinagawa ko sa'yo kaya bilisan mo na, at anong ginagawa mo sa harapan ng pintuan ko?" seryosong sambit nito at nagkibit-balikat. "At anong gago..." anito.
Ramdam niya ang kanyang pag-iinit kaya ngumisi nalang siya. "Opo boss, tatapusin ko ito mamaya. Tsaka, ako po boss, gago ako--kasi, ahm--naku po!hindi pa pala po ako nakapag-agahan, pwede po bang kumain muna ako sa cafeteria?" pagpapalusot niya.
Kaagad namang naningkit ang mga mata nito. "Sure. Sabay na tayo, hindi rin kasi ako nakapag-agahan, tsaka sabi mo sa post-it note di'ba na 'breakfast is the most important meal of the day' kaya sabay na tayo..." anito akmang hahakbang na ito pero mabilis niya itong pinigilan.
"Boss!! huwag na po, baka hindi ako matunawan..." wala sa sariling sabi niya.
He frowned. "Ano?" anito.
Kaagad siyang napailing-iling. "Ay, hindi. Ang ibig ko pong sabihin baka may ginagawa pa po kayo diyan sa loob, ako nalang po ang aakyat dito with your breakfast boss, huwag po kayong mag-alala mabilis lang naman akong kumain..." aniya.
"Sige. Bilisan mo, okay?" anito.
Kaagad naman siyang ngumiti at kinuha ang bag niya at tinakbo ang pagitan ng elevator. Lihim niyang binubugbug ang sarili at pinapa-ulanan ng mura ang sarili niya dahil sa katangahang ginawa niya.
GUSTO NIYANG MATAWA dahil sa inakto ng sekrerarya niya. Alam niya namang siya ang tinatawag nitong gago. Lalo na't naririnig niya ang mga pinagsasasabi nito sa labas, his office is not sound proof, kaya sakto lang ang naririnig niya kung talagang sisigaw ka.
YOU ARE READING
Her Promise (COMPLETED)
Romance'I can't promise to fix all of your problems but there's only one thing I can really asure at you, and that is you will never face them alone' -Theodore Rein Dela Vega Catheline Aubrey Cortes was an orphan child, she was sent to the orphanage by he...