Chapter THIRTY-SIX

182 11 0
                                    

Chapter THIRTY-SIX

 

 

   Napa-alalay si Francis sa ulo ng nahihimbing na kasintahang naka-sandal parin sa kanya. Medyo umaalog-alog kasi ang ulo nito dahil sa malubak na dinadaanan nila ngayon. Napa-ngiti siya sa sarili, at marahang hinaplos-haplos ang buhok nito.

   “Masaya din ako na kasama kita, Chichay.... sa pinaka-panget, pinaka-nakakainip, at pinaka-nakakatakot na sitwasyon.” Bulong niya sa natutulog na katabi. “At kung may darating pa na mas malala pa doon.... sana walang magbago. Sana kasama padin kita.”

 

   Naramdaman niyang gumalaw ito, at bigla pang nag-angat ng tingin sa kanya. “Ay, sorry, sorry nakatulog ako.” Tumingin-tingin pa ito sa paligid at gulat na gulat pa nang mapansing umaandar na ang sasakyan nila. “Uy! Kailan ka pa naka-balik, Kuya Tolits? Pasensya na ah.... tinulugan ko kayo.”

   “Okay lang ‘yun, Ma’am Chichay... siguro mag-iisang oras na din tayong umaandar. Mabuti nga’t may nahingan ako ng tulong agad.” Sagot naman ng driver nang hindi inaalis ang tingin sa daan. “Mabuti nga din ‘kako na nakapag-pahinga kayo e. Mahaba-haba pa ‘tong biyahe... matulog pa kayo, kung gusto niyo.”

 

   “Kung gusto mo, Kuya...” si Francis naman ang nagsalita. “Ako na muna’ng magd-drive para ikaw naman ang makapag-pahinga. Mahaba-haba din ang nilakad mo... siguradong pagod na pagod ka.”   

 

   Umling-iling naman ang driver. “Naku hindi na sir, wag ninyo ‘kong alalahanin! Okay lang ako. Pagdating nalang natin sa San Felipe... saka ako magpapahinga.”

 

   “Salamat, Kuya Tolits ah.” Sagot nalang niya.

   Si Chichay naman ay mas lalo pang iginala ang mata sa mga dinadaanan nila. Wala pa ding masyadong tao dahil mukhang nasa liblib na lugar parin sila. At kahit wala sila sa liblib na lugar, malamang ay hindi parin sila makakakita ng tao dahil mukhang alanganin pa ang oras. Agad na napa-tingin si Chichay kay Francis nang maalala ang oras.

   “Prancis anong oras na?” alalang-alala pa siya. Bigla niyang naalala ang mga magulang niya. “Kasi, diba.... d-diba, hindi naman tayo nakapag-paalam sa mga magulang ko na kinabukasan na tayo uuwi? Naku, baka nagiging kulay green na ang mga ‘yon sa kahihintay sa’kin!”

 

   Napa-isip din naman si Francis. May intensyon naman talaga siyang ipaalam sa mga magulang ni Chichay ang sitwasyon nila, pero sadyang wala lang talaga siyang mahanap na signal kanina. Hanggang ngayon nga, ay nag f-fail parin ang bawat message na sinusubukan niyang ipadala. Kung uuwi naman sila agad, masasayang lang ang pagpunta nila dito. May isang bagay pa siyang hindi nagagawa. Hindi niya alam kung ano, at hindi rin niya tiyak kung papano malalaman kapag iyon na. Pero umaasa siya na darating siya doon.... at malalaman niya nalang.

   Mataman niya itong tinignan. “Do you trust me, Chichay?”

 

Prancis And I (A KathQuen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon