Chapter TWENTY-FOUR
Unang araw ni Francis sa kolehiyo, at hindi pa ata niya alam kung saan siya pupunta. Hiwalay sila ng mga klase ni Sarah, kaya naghiwalay kaagad sila, pagtapak na pagtapak palang nila doon. Mas mabuti na rin iyon, para hindi siya nakaasa dito.
Hindi na nga alam ni Francis kung saan pupunta, pakiramdam niya pa hindi niya din alam kung saan din dapat tumingin. Kaya nga ang bilis bilis nakuha ng atensyon niya ng isang sapatos, na naka-lawit sa isang sanga ng puno sa gitna ng school grounds. Bakit kaya may naka-sabit na sapatos doon? Lumapit siya para malaman.
Nang makalapit siya, nakita niyang hindi lang pala basta sapatos iyon. May naka-kabit din palang binti, at nang tuluyan na siyang makalapit... may katawan pa ng tao. Isang lalaking natutulog sa sanga ng puno, na may takip pang libro sa bibig. Tinitigan niya pang mabuti ang nakalabas na bahagi ng mukha nito. Ang mata at ilong.
Kaya pala pamilyar.
“Burger! Boy singit!” sigaw niya para makuha ang atensyon nito. Hindi niya ata alam kung anong itatawag dito. Nakalimutan niya kasi ang pangalan ng lalaking sumingit sa pila ng canteen, at umagaw sa order na sakanya dapat. Hindi niya malilimutan ang taong ito, dahil kung titignan... medyo may pagkaka-hawig sila. Hindi naman siya nabo-bother, dahil alam niyang mas gwapo parin siya. “Huy, boy singit! Hindi ba bawal tumambay diyan? First day palang trouble na ata agad ang hanap mo!” tinapik-tapik niya pa ang sapatos nitong naka-lawit.
Muntik pang mapabalikwas ang binatang naka-upo sa sanga. Nahulog din ang librong naka-takip sa mukha nito. Dinampot naman ‘yon agad ni Francis, saka muling tinapik ang sapatos ng binata. “What’s your name again?”
“Dominic. Hindi burger, at lalong lalong hindi boy singit.” Bigla itong tumalon pababa, at napaharap kay Francis. Nagpapag-pag pa ito ng pwet, bago magsalita ulit. “Dominic Zaragoza. Pasensya na, hindi ako nakapag-pakilala ng maayos nung huli tayong nagkita. Ikaw, sino ka ba... at iniistorbo mo ang tulog ko?”
Napatawa naman ng bahagya si Francis. “Francis. Francis Dela Vega. Nakakatakot kasi ‘yung pwesto mo e... parang pag humangin ng malakas, madadala ‘yung katawan mo.”
“Hindi no. Sanay na sanay ako sa ganyan. Teka, vacant mo din ba? Nagugutom ako e, hindi kasi ako nag breakfast. Sama ka? Ililibre kita ng burger, para naman makabawi ako sa pag-singit ko sa pila nung isang beses.”
BINABASA MO ANG
Prancis And I (A KathQuen Fanfic)
RomanceKilig, katatawanan, magic, and much, much more. Ilan lang ‘yan sa mga HINDI namin maipapangako, pero susubukan po naming ibigay sainyo sa pamamagitan ng kwentong ito.