Chapter THIRTY
“He loves you.”
Parang tumigil ang mundo ni Chichay, nang marinig niya ‘yon mula kay Francis. Hindi siya gumagalaw. Ayaw niyang gumalaw. Gusto niya munang i-appreciate ang tunog ng pagkakasabi ni Francis non, at ipaligo ‘yon sa sarili niya. At least, magkakaroon siya ng isang magandang alaala, bago niya pa itigil ang kahibangan niya. Di rin nagtagal, siya na mismo ang gumising sa sarili niya. Dahil eto ang totoo:
Hindi naman alam ni Francis na siya ang dahilan kung bakit niya pinitas isa-isa ang petals ng rosas na iyon. Kung ano man ang sinabi nito, siguradong wala iyong kahulugan.
Pasimple siyang nagpahid ng luha. Inayos niya ang sarili, at ngumiti narin bago tuluyang salubungin ang tingin ng binata. “Ikaw pala, Prancis.” Kinuha niya ang talulot na nasa kamay nito, at tinitigan iyon sandali. Tapos, kinulong niya rin iyon sa palad niya... at itinago mula sa likod niya. “Ikaw talaga... dinampot mo lang ‘to dun sa mga pinitas ko, no? Sinusundan mo ba ‘ko?”
Umiling ito. “Hindi ‘yan kasama sa mga pinitas mo. Nahulog ‘yan kanina, nung nag-uusap pa tayo. Binulsa ko ‘yan, nang hindi ko alam kung bakit. I guess, now I know.” Napa-yuko pa ito, bago magpatuloy. “Maswerte siya.”
Nagulat nalang si Chichay, nang biglang lumapit ang mga kamay ng binata sakanya. Parang napaka-bagal ng bawat sandali, para malaman niya kung saan pupunta ang mga kamay nito. Napa-pikit siya ng madiin. Saka niya lang naramdaman na hawak na pala nito ang mga kamay niyang naka-tago sa likod niya. Ganito pala ang pakiramdam. Hindi man ito naka-yakap ng totoo sakanya... ay sobra na siyang pinagpapawisan. Habang naka-kulong siya sa mga braso ni Francis, dahan-dahang binuksan ng binata ang kamay niyang naka-sara sa likod niya.
Parang magic na sumoot nalang bigla ang mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri nito. Parang magic na saktong sakto ang hulma nito sa isa’t isa. Unti-unti siyang napapalagay. Unti-unti siyang nagiging kumportable, kahit ayaw niya. Ayaw niya, dahil natatakot siya na kapag lumagay siya... ay baka mawala lang ito nang parang magic din.
“Umm, Prancis...” siya na ang bumitaw. Lumayo siya ng ilang hakbang. Saka niya lang napansin na wala na pala sa kamay niya ang talulot. Nakay Francis na. “S-sige, sa’yo na. ‘Yan lang pala gusto mo e.... sana hiningi mo nalang.” tumalikod na siya, pero hinila na agad siya ni Francis bago pa siya makalakad palayo.
“Naglalaro ka ng ‘He loves me, he loves me not’. Pwede ko bang malaman kung para kanino mo ginagawa?” iniisip pa ni Francis kung paano niya sasabihin. Hindi pala madali. Mas madali pa palang hawakan ang kamay nito, kaysa umamin dito ng nararamdaman niya. “He loves you daw, sabi ng last petal. Sino ba siya? Para naman malaman ko, kung sinong uunahan ko!”
Hindi sinasadya ang pagkakasabi niya non. Napa-takip siya ng bibig.
Napa-tingin din ng pa-tanong si Chichay sakanya. “Anong sabi mo?”
Napa-kamot pa siya ng ulo. Muli siyang nag-yuko, at napa-bulong nalang sa sarili... “Shit.”
“Paki ulit nga, Prancis. Ano ulit ‘yon?” naniniguro lang si Chichay. Naniniguro siya, kung tama ba ang dinig niya.
“I asked you first! Sinong iniisip mo, habang pinipitas mo ‘yung petals? Is he someone I know? Dito ba nag-aaral? ‘Yung secret admirer mo ba? Natuklasan mo na ba kung sino siya? ‘Yung ka-klase mo ba sa--”
“Ikaw!” Singit agad ni Chichay.
Siya naman tuloy ang nag-yuko ngayon. Hindi na niya nagawang makapag-isip, at basta lumabas nalang ‘yon. At dahil nga lumabas na... ano pa bang saysay, kung itatago niya pa? Tutal, titigilan na niya naman ang kaka-asa. Wala na namang mawawala. Mabuti pa ngang malaman na nito ang tunay niyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Prancis And I (A KathQuen Fanfic)
RomanceKilig, katatawanan, magic, and much, much more. Ilan lang ‘yan sa mga HINDI namin maipapangako, pero susubukan po naming ibigay sainyo sa pamamagitan ng kwentong ito.