Chapter TWENTY-SIX
“Francis?”
Para tignan kung sino’ng nagsalita sa likod nila, biglang idinistansya ni Francis ang mukha niya sa dalaga. Hindi parin siya tumatayo. Naka-lapat sa lupa ang dalawa niyang kamay, bilang suporta sa katawan niya. Natagalan pa siya sa pag-iisip, kung anong una niyang gagawin. Babatiin niya na sana si Dominic, pero naka-tingin ‘to ng kakaiba sakanila.
“Mukhang hindi na pala tayo makakapag-pancit.” Sabi nito, habang nakatingin sa gitnang bahagi ng katawan nila ni Chichay. Na sa mga puntong ito, ay halos magkadikit parin.
Dahan-dahang itinodo ni Francis ang suporta mula sa kamay niya, at tuluyan nang tumayo. Tumapon pala ang pancit na dala ni Chichay, at naipit sa mga katawan nila nang mahulog sila. Ngayon, panay mantika na ang damit nilang pareho.
“Shit.” Mahinang sambit ni Francis nang makita ang sarili. “Sorry, sorry.”
Nag pag-pag ng sarili si Chichay, nang maka-tayo. “Ano ba ‘yan, ako na mismo ngayon ‘yung amoy pancit. Hehe. Wow, teka...” Inamoy-amoy pa niya ang damit. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawang lalaking kaharap, at napa-tigil kay Francis. “Ikaw, ikaw ang orig! Hehe. Kamusta ka na, Prancis? Kamusta bakasyon?”
“Ah, ‘yon ba? Wala lang. Hindi masyadong okay.” Mas lumapit pa siya sa dalaga. “Pero ngayon, okay na. Nakita na kita e! Ikaw, kamusta ka na?”
Lumayo naman si Chichay, sabay yuko bago magsalita. Nag-aalala parin siya sa amoy ng hininga niya. “Talaga? Na-miss mo ‘ko no? Nagkita-kita na kami lahat, ikaw na nga lang ‘yung kulang e. Sina Sarah, Natalia, at si Joaquin!”
Pinapanood lang ni Dominic ang dalawa. Gusto na nga niyang sumingit sa usapan ng dalawa, para sana makuha na niya ang pancit niya. Hindi lang talaga siya maka-hanap ng pagkakataon. “Ahem, excuse me--”
“May kasama ka ba? Gusto mong puntahan sina Natalia, Sarah, at Joaquin? May halos isang oras pa naman akong vacant.” kada salita ata ni Chichay, ay napapa-hakbang siya patalikod.
Naka-halata naman si Francis. “Bakit ka lumalayo? Mabaho ba ‘ko?” nagtawanan ang dalawa, pero humupa din naman. Kinalimutan nalang din ni Francis. “No, actually.... mas gusto ko sanang, uhh... pwede bang ikaw nalang ang samahan ko? Pareho tayo, may 45 minutes pa din ako.”
“Yuhoo... pwede na bang makuha ‘yung pancit ko?” singit ulit ni Dominic. Pero parang wala parin sakanilang pumapansin sakanya.
Naalala naman ni Chichay ‘yung nai-kwento ni Sarah tungkol sa pagbabago ng pakikitungo sakanya ni Francis. Siguro nga, iniiwasan parin ni Francis si Sarah. Siguro nga, hanggang ngayon apektado parin ‘to sa pag-tanggi sakanya ni Sarah. Hindi niya nalang uusisain. “Ganoon? Sige, sige... pero bago ‘yon, mag-ayos muna tayo ha. Naku, ‘yung damit mo o... panay mantika na! Mukhang mamahalin pa naman. Teka, teka...”
Agad na naghanap ng panyo, o kahit na anong pamunas si Chichay sa bag niya para ibigay kay Francis. Pero nahalungkat na niya ata lahat, ay wala parin siyang makita.
“No, don’t bother... ako nalang. Meron naman ako dito. Wait lang,” Si Francis na ang dumukot sa bulsa niya ng panyo. Pasimple pa siyang humakbang papalapit sa dalaga, habang abala ito sa paghahalungkat ng bag. Walang paa-paalam niya nalang pinunasan ang ibabang bahagi ng pang-itaas nito. “That should be fine.”
Nag-angat siya ng tingin, at saka lang nalaman na pinagmamasdan pala ni Chichay ang mukha niya. Napa-tawa pa siya ng bahagya nang makitang may naligaw na pancit pa sa ibabang bahagi ng buhok nito. Agad niya ‘yong pinunasan ng panyo.
BINABASA MO ANG
Prancis And I (A KathQuen Fanfic)
RomanceKilig, katatawanan, magic, and much, much more. Ilan lang ‘yan sa mga HINDI namin maipapangako, pero susubukan po naming ibigay sainyo sa pamamagitan ng kwentong ito.