Chapter THREE
Halos nalibot na ni Sarah ang buong perya, pero hindi niya parin mahanap si Francis. Sumasakit na nga ang talampakan niya sa kakalakad. Kung hindi lang talaga siya nag-aalala para dito, malamang kanina pa siya sumuko. Paulit-ulit niya nalang chini-cheer ang sarili niya....
“Kaya mo ‘yan, Sarah.... kaunti pa.” Bulong niya sa sarili. Tuloy lang sana siya sa paglalakad, nang biglang may humila sa kamay niya. Isang manananggal! Napasigaw pa siya ng bahagya, hanggang sa ma-realize niya na costume lang pala ‘yon. Napatawa nalang siya sa naging reaction niya.
“Miss Ganda, pasok ka naman sa horror house namin o! Twenty-five pesos lang.... for sure matatakot ka ng bongga!” pangungulit pa ng babaeng manananggal sakanya. Natutuwa naman siya sa babaeng ito. Nakaka-goodvibes kasi ang masayang aura nito, na kung hindi lang talaga siya abala sa paghahanap kay Francis.... baka nga nagpa-uto na siya rito.
Medyo mahina ang horror house ngayong araw, kaya naman talagang kung sino nalang ang mapadaan sa harap ni Chichay, ay inaanyayahan na rin niyang pumasok dito. Heto nga’t parang naliligaw pa ata ang babaeng dumaan sa harap niya, at parang may hinahanap pa. Syempre hindi na niya palalampasin ang pagkakataon. Sayang naman ang oras.
“Miss Ganda, may hinahanap ka ba? Alam mo.... dito sa horror house namin, tiyak andito na lahat ng hinahanap mo! Sige na naman o, pasok ka na.... wala pa ‘kong kita eh,” napa-hinto naman sa pagsasalita si Chichay. Yung perang nakuha niya kasi kanina, bilang pabuya sa isinauli niyang pitaka.... ay ipinangbayad niya pa kay Aling Chabeng. Kung bibilangin niya nga ang mga taong nahatak niyang pumasok sa horror house.... talaga namang kaunti palang.
Natawa naman si Sarah dito. “Naku, pasensya na ah.... may hinahanap kasi ako eh. ‘Yung kasama ko, nawawala. Baka naman nakita mo, o.... ano siya, Gwapo... mestizo... at naka gray na polo shirt.”
Napa-isip naman si Chichay. Gwapo at mestizo? Sana nga nakita niya. Baka iyon na pala ‘yung lalaki sa hula ni Aling Chabeng! Napabalik lang siya sa sarili nang biglang maalalang may kausap nga pala siya. “Ay naku miss, Gwapo saka mestizo? Baka nasa loob ng horror house! Bakit hindi mo hanapin sa loob?” nag taas-baba pa siya ng kilay, at umaasa na mauuto niya ito.
Natawa na lamang si Sarah. “Style mo ah! Pasensya na talaga ah, pero kasi....”
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Sarah, nang biglang may sumigaw sa tainga niya. “BOOO!”
BINABASA MO ANG
Prancis And I (A KathQuen Fanfic)
RomanceKilig, katatawanan, magic, and much, much more. Ilan lang ‘yan sa mga HINDI namin maipapangako, pero susubukan po naming ibigay sainyo sa pamamagitan ng kwentong ito.