Chapter EIGHTEEN
Hindi halos naka-tulog si Francis kagabi, dahil sa kakaisip parin kay Sarah. Kay Sarah, kay Joaquin, sa mga nagiging usapan ng dalawa over the phone, at sa kung ano talaga’ng intensyon ni Joaquin dito. Iba ang liwanag ng mukha ni Joaquin tuwing babanggitin ang pangalang Sarah. Iba din ang pag-aalala nito, kung bakit hindi tumuloy ang dalaga sa usapan nila. Hindi tuloy siya mapakali, hanggang ngayon.
Si Joaquin man o hindi, bigla siyang nag-alala. Paano kung may maunang magtapat ng pag-ibig dito bukod sakanya, at tanggapin naman nito? Paano kung sa paghihintay niya na umayos ang lahat sa pagitan ng dalawang pamilya niya.... ay bigla nalang mawala sakanya si Sarah?
Na-abala ang pag iisip niya, nang biglang makita niyang papalabas ng mansion si Chichay, at may bitbit na malaking bag. Saan naman kaya ito pupunta ng ganitong kaaga?
“Chichay!” tawag niya dito. Napalingon naman ‘to agad sakanya, at ngumiti. Napa-isip pa siya kung anong ibig sabihin ng malaking bag na dala nito. “Ang aga pa ah.... Sa’n lakad mo? Bakit ang dami mong dala?”
“Oo nga eh,” ngiting ngiti pa itong lumapit muna sakanya. “Sabado ngayon diba? Uuwi ako sa’min! Lunes na ang balik ko dito. Oy ikaw ah, baka mamaya niyan, ma-miss mo ‘ko!” matawa tawa pa ito, sa nang-aasar na tono. “Naku, Prancis..... wag, ha. Wag.”
Ngayon, si Francis naman ang matawa-tawa. Ang kulit-kulit talaga nito. Pero napa-isip siya.... kung sa bagay, ma mi-miss niya nga si Chichay. Sino nang mangungulit sakanya sa haba ng week end? Sa totoo lang, kapag hindi niya kasama si Chichay.... napapa-isip lang siya ng napapa-isip kay Sarah. Si Chichay lang ata ang naglilibang sakanya, bukod sa mga pa ulit ulit na video games ni Joaquin.
“Ha-ha.... ikaw talaga! Hindi no, asa ka naman! E, mas mami-miss ko pa ‘yung tinitimpla mong kape kaysa sa’yo mismo eh.” Biro pa niya, pero nang makita niyang medyo sumimangot si Chichay.... ay binawi niya din agad. “O, joke lang ‘yun ah. Sige na, sige na.... ma mi-miss na kita ng slight.”
“Kunwari ka pa e... o sige na, may sasabihin ka pa ba? Hinihintay kasi ako nila Mama Bear.... sabi ko kasi sakanila doon ako mananaghalian. Isa pa, ngayon din ang libing nung isa naming kaibigan.” medyo nalungkot nanaman si Chichay nang maalala ang yumaong si Aling Chabeng. Kung nasan man ito ngayon... sigurado masaya ‘to na kahit papano, nahahawig na rin sa katotohanan ang mga hula nito. Hindi man sila ni Francis.... kahit papano naman ay pinag-tagpo parin ang mga landas nila. Napa-ngiti nalang siya ulit. “Ui, Prancis.... sige ha. Wag kang malungkot, makikita mo pa ‘tong mukhang ‘to!” biro niya ulit, sabay turo sa sariling mukha.
Parang nagising naman sa mahaba-habang pag-iisip si Francis. “Chichay, wait... Sa perya ka ba uuwi?”
“Malamang, sa perya..... taga doon ako e. Bakit mo naman naitanong?”
Bigla niyang naalala ang mga bilin ng ina-inahang si Carissa, at ng lolang si Donya Adelina. Huwag na huwag daw siyang lalabas ulit nang wala siyang kasama, at lalong lalo na.... nang walang paalam. Pero kung magpapa-alam naman siya, at kung may kasama naman siyang mapagkakatiwalaan.....
“Pwede bang sumama?” biglang tanong niya.
Naalala niya din kasi kung gaano siya kasaya nang makapunta siya noon sa perya. Naalala niya din na hindi man lang siya nakapag pasalamat sa pamilya ni Chichay, nang tulungan siya ng mga ito. At isa pa, kung wala si Chichay sa mansion kasama niya.... maiinip lang siya, at baka isipin niya lang ng isipin si Sarah.
Oo, tama si Sarah!
Hindi naman siguro ito busy ngayon! Kung makakasama niya si Sarah ngayon.... pagkakataon niya na iyon para mapalapit pa lalo dito. And this time, hindi na bilang kaibigan lang! Oo, tama. Bago pa mahuli ang lahat para sakanya.... dapat lang siguro na kumilos na siya. Dapat lang siguro na magtapat na siya.
BINABASA MO ANG
Prancis And I (A KathQuen Fanfic)
RomanceKilig, katatawanan, magic, and much, much more. Ilan lang ‘yan sa mga HINDI namin maipapangako, pero susubukan po naming ibigay sainyo sa pamamagitan ng kwentong ito.