Chapter FOURTEEN
Matapos makapag-tuyo ng dalawa, minabuti nalang na bumalik sa trabaho ni Chichay at iwan nalang sina Sarah at Francis para makapag-kwentuhan. Sobrang pagkakapahiya din ang naramdaman niya lalo pa’t napatunayan nga ni Francis na t-shirt niya iyon. Gusto niyang i-untog ang sarili kada maaalala niya kung papano niya inamoy amoy ‘yung t-shirt ni Francis! Bakit ba kasi hindi siya lumingon, para nakita niya man lang na papalapit si Francis? Edi sana.... wala ‘tong nakita.
Isa pang iniisip niya.... Yapos na yapos din siya sa hubad na katawan ni Francis, nang datnan sila ni Sarah. Kahit naman paulit-ulit niyang ipa-alala sa sarili niya na hindi niya kasalanan, dahil ayaw niya lang namang malunod.... aba, ano naman kaya ang dating non kay Sarah?
Si Sarah. Maganda naman ang pakikitungo nito sakanya. Ngiti din naman ang sinalubong nito sakanya, nang magkita sila kanina. Pero hindi niya maintindihan.... Parang hindi siya komportableng makasama ito, at si Francis ng sabay. Siguro dahil alam niyang ma a-out of place lang siya sa dalawa. O, siguro may iba pa... pero importante pa ba? Hindi niya nalang iisipin.
Bitbit parin ang tuwalya, papunta sana sa quarters si Chichay nang biglang harangin siya ni Joaquin.
“Bakit walang nakarating na gatas sa kwarto ko?”
Napa-lunok naman siya ng laway sa narinig. Oo nga pala! Nawala sa isip niya na may ihahatid pala siya dapat sa kwarto ni Joaquin. Lalo pa siyang kinabahan, dahil mukhang galit ito.
“Naku, s-sorry poo sir...... nawala po kasi sa isip ko na,” sinabayan niya pa iyon ng kamot ng ulo. “Na ano....”
Hindi pa man siya tapos ay inunahan na siya ni Joaquin. “’Yun nalang ba palagi ang masasabi mo? Ang.... ‘Sorry po’?”
Napayuko nalang siya, at wala sa loob pang napabulong sa sarili. “Ang tanga tanga mo, Chichay.... kasi naman ‘tong isang ‘to e, ang tanda-tanda na, pa gatas-gatas pa sa hapon.”
Masama na ang tingin sakanya si Joaquin, nang mapansin niyang nasabi niya pala iyon ng malakas. Buti na lamang at napatingin itong bigla sa kinaroroonan nina Francis at Sarah, at napatanong. “Teka, sino ‘yung kasama ni Francis?”
“Ah si Sarah ‘yun, sir..... hindi ko alam kung magka anu-ano sila eh. Pero mabait ‘yon! Alam niyo sir, mabuti pa... maki-join ka sakanila. Kaysa naman ‘yung nagkukulong ka lang sa kwarto mo.”
Kumunot bigla ang noo ni Joaquin. Sino ba naman kasi ito, para pagsabihan siya? “Alam mo, ang dami mong sinasabi eh. Magtrabaho ka na nga! May nakita ‘kong agiw sa ilalim ng kama ko.... mabuti pa, linisin mo muna.” Wala kay Chichay ang atensyon niya, habang sinasabi niya iyon. Nakatanaw parin siya kina Francis at sa kasama nitong babae. Tama, natatandaan niya na. Nagka-kilala na sila, nang ihatid sakanila si Francis ng buong pamilya nito. Nakasama niya itong mananghalian, pero hindi naman sila nakapag-usap.
“Sige sir... walang problema. Pero bago ‘yon, halika muna....” at walang paa-paalam nalang hinila ni Chichay si Joaquin papalapit kina Francis at Sarah. Nagulat na lang si Joaquin, pero hindi na nagawang pumalag pa. Ang bilis ng pagkakahila sakanya ni Chichay! Ilang saglit lang, nasa harapan na agad siya ng dalawa! “Hi Prancis, Sarah.... si sir Joaquin pala. Ano, malungkot siya eh.... mukhang naghahanap ng atensyon, kaya utos ng utos saming mga katulong. Hehe!” pakilala niya pa dito.
“Aba’t!” bulong ni Joaquin sa sarili habang pinandidilatan si Chichay! Pinapahiya kasi siya nito! Lalo lang siyang nainis. Parang gusto niya tuloy itong itulak sa pool dahil sa kadaldalan nito.
BINABASA MO ANG
Prancis And I (A KathQuen Fanfic)
RomanceKilig, katatawanan, magic, and much, much more. Ilan lang ‘yan sa mga HINDI namin maipapangako, pero susubukan po naming ibigay sainyo sa pamamagitan ng kwentong ito.