Chapter TWELVE

1K 26 10
                                    

Chapter TWELVE

 

 

   Nairaos naman nila ang hapunang iyon nang wala nang bumanggit pa sa nawawalang antique. Mabuti nalang, may tumawag kay Julianna galing opisina, at kinailangan niyang umalis bigla. Siya lang naman ang ingat na ingat sa mga antiques niya. Ano bang pakialam nina Jaime at Joaquin sa mga antiques? Hindi naman nila para hanapin pa iyon.

   Kaya naman nang mukhang tulog na ang lahat.... ay lumabas ng kwarto si Chichay, para puntahan si Francis at kunin ang vase. Siguro naman, tuyo na ang mighty bond nito ngayon. Ito lang ang nakikita nilang pagkakataon, para mai-sauli ang antique sa dati nitong pwesto.

   “Hi Prancis! Asan na? Tuyo na ba?” bungad ni Chichay kay Francis, nang pagbuksan siya nito ng pinto. Agad namang inabot sakanya nito ang vase, at napangiti nalang siya nang makita at mahawakan iyon.... Ang galing niya! Mukhang hindi mahahalata na nabasag iyon. “Prancis, samahan mo ‘ko sa baba.... ikaw ang makiramdam kung may paparating! Pag ako, nahuli--”

 

   “What? I’ve done enough! Alam mo bang, kinailangan ko pang gumawa ng excuse para lang huwag pumasok si Whitney sa kwarto ko? I had to change my own sheets, dahil don.” Pagsasarhan na sana niya ng pinto si Chichay, pero naiharang nito ang paa sa pinto bago pa mai-sara. “Chichay ano ba!” sinubukan niya pang sipain ang paa nito palabas, pero hindi niya magawa.

   “Fine! Edi sige... ibabalik ko nalang ‘to sa kwarto mo. Para ikaw na lang ang mapagbintangan!” nandila pa si Chichay. Napa-kamot nalang ng ulo si Francis sa inis. Kahit kailan talaga, ang kulit kulit nito! “Ano, ibabalik ko nalang sa kwarto mo?”

 

   “Haaayyyyy! Ang kulit mo! Fine, tara na nga!”

 

   Dahan-dahang bumaba ng hagdan ang dalawa. Si Francis ang may hawak ng vase, at si Chichay ang nangunguna sa daan. At hindi rin naman nagtagal, narating nila ang living room... at naibalik sa dating pwesto ang vase. Sinong mag-aakala na ganyan ang epekto ng mighty bond? Talaga naman kasing parang walang nangyari sa vase!

   Wala pa sa loob na nag high five ang dalawa, gamit ang parehong kamay. Parang ayaw na nga iyong bitawan ni Chichay.... kaya lang, baka mahalata naman siya. Pinigilan niya nalang, kahit na kilig na kilig siya sa mabilis at simpleng pagkakalapat ng mga palad nila. “Salamat, Prancis ah.” ang laki ng ngiti niya.

   Nagsalubong ang mga kilay ni Francis. “Pareho naman tayong may kasalanan.”

Prancis And I (A KathQuen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon