Chapter TWENTY-FIVE

820 24 8
                                    

Chapter TWENTY-FIVE

   “Hindi ikaw si...” Tinitigang mabuti ni Chichay ang lalaking hinila niya, paharap sakanya. Ngayong nakita na niya ng malapitan... saka niya lang nakita na hindi pala si Francis ‘yon. Agad niyang binitawan ang kamay ng lalaki. “Sorry, akala ko kasi ‘yung ka-kilala ko.”

   Naka-salubong ang kilay ng lalaking ‘to, habang tinititigan siya. Nahiya tuloy siya lalo, kaya nag-yuko nalang. Bakit nga ba hindi nag occur sakanya na pwedeng kamukha lang ni Francis ‘yon? Malakas ang pandinig ng totoong Francis. Kaunting tunog lang, mula sakanya ay iritado na ‘to. Bakit ba hindi niya naisip ‘yon?

   Nagtataka siya kung bakit hindi niya parin nakikitang naglalakad palayo ang sapatos ng lalaking kaharap. Hindi rin ito nagsasalita. Nag-sorry na naman siya, kaya napapa-isip tuloy siya kung may kailangan ba ito sakanya. Saka lang siya nag-angat ng tingin dito. Naka-ngiti ito sakanya. Naka-taas din ang kilay. Pamilyar. Pamilyar ang ngiti. Hindi niya talaga tinigilan ang pag-iisip, hanggang sa maalala niya na nga.

   “Uy, ikaw ‘yung bumili ng pancit sa’kin!” nagliwanag ang mukha niya, at ginantihan narin ng ngiti ang kausap. Kaya pala napagkamalan niya pa itong si Francis.... si Francis look-alike naman pala ‘to na bumili ng pancit sakanya. “Salamat sa sukling hindi mo na kinuha ah! 70 pesos din ‘yun! Ayun, pinambili ko ng siopao para sa pamilya ko.”

   Umiling-iling ang lalaki.

   “Sabi ko na nga ba, kilala kita e.” Tinignan pa siya nito, mula ibaba... pataas. “Bakit mo ‘ko tinawag? Ibabalik mo na ba ang sukli ko?”

   Takang taka naman siya. “Huh? Wala na nga diba, pinambili ko na ng siopao! Diba tip mo na sa’kin ‘yun?”

   Agad na nag-kunot ang noo nito. “Anong tip? Hindi no! Naabutan lang ako bigla ng mga humahabol sa’kin noon, kaya hindi ko na nakuha ‘yung sukli ko.” napa-tingin pa ito sa wrist watch niya. “Male-late na ‘ko. Ganito nalang, miss... bilang bayad, dalhan mo ‘ko ng pancit bukas. Apat, para sixty pesos worth. Tapos ‘yung sukling sampung piso.... ‘yun, ‘yun ang tip ko sa’yo. Ano, deal?” Naglahad pa ito ng kamay sakanya, pero agad din namang binawi bago niya pa makamayan. “Deal na, male-late na ‘ko eh. Sige, bukas ah! Apat na balot ng pancit!”

   Nag-umpisa na itong maglakad palayo. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, ni hindi man lang naitanong ni Chichay ang pangalan nito. Buti nalang, traffic at di pa ‘to masyadong nakakalayo. Humabol pa siya ng sigaw. “Hoy, teka.... may pangalan ka ba?!”

   Napa-lingon naman ‘to sakanya, habang naglalakad parin. Naglalakad ito ng pabaliktad.

   “Oo, meron syempre.”, sagot nito. Tumalikod din ‘to ulit pagkatapos.

   Napa-kamot nalang ng ulo si Chichay. Ang labo namang kausap ng lalaking ‘to. Hindi pa ba obvious na hinihingi niya ang pangalan nito? Humabol siya ng isa pang sigaw, bago ‘to tuluyang makalayo. “Teka hoy, paano ko ibibigay sa’yo ‘yung pancit?! Saan?!”

   Lumingon din naman ito sakanya ulit, sabay turo sa isang puno sa gitna ng grounds. “Pag wala akong klase, andoon ako sa punong ‘yon. Pangalawang bahay ko na ‘yon mula ngayon, kaya... kakatok ka, ha! Sige na, bye!”

   Naiwan nalang si Chichay na hinahatid ng tingin ang lalaking merong pangalan, pero hindi niya alam. Napa-hipan siya pa-itaas. Puno na pangalawang bahay? Nuno ba ‘tong lalaking ito? Mukhang patas ang laban ng malas at swerte niya ngayong araw ah. Pagkatapos makita si Sarah, at malaman na doon din nag-aaral si Francis... na-singil naman siya ng utang ni Francis look-alike.

Prancis And I (A KathQuen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon