Chapter ELEVEN

1.1K 24 1
                                    

Chapter ELEVEN

   Pasimple paring nagpupunas ng luha si Chichay, nang maka-balik siya sa kwarto nila. Parang naiiyak pa nga siya, pero pinipigilan niya lang dahil malalim na ang gabi. Kung dadamdamin niya pa ‘yung mga sinabi ni Joaquin.... baka hindi pa siya maka-tulog, at baka ma-late pa siya ng gising kinabukasan.

   Pa-higa na sana siya sa kama, nang biglang mapansin niya na may naka-upo sa isang sulok ng kwarto nila, at naka-talukbong pa ng kumot. Nilapitan niya ito, at hinawakan sa balikat. “Ate Whitney.... wag na kayong matakot. Walang multo.”

   Hindi parin ito nag-aalis ng kumot, kaya siya na ang nag-alis nito. Talaga namang naginginig parin ‘to sa takot, hanggang ngayon. “P-p-papano mo nalaman? Nakita ko eh... kitang kita ko!”

   “Sina Prancis at Sir Joaquin lang ‘yon. Ako talaga dapat ‘yung tatakutin nila.... kaya lang hindi nila alam na nakipag-palit ako ng higaan sa’yo. Kaya ayun.... ikaw ‘yung na-dale.” Medyo nahihiyang paliwanag niya. Naisip niya kasi, baka kasalanan niya din. Kung sana hindi siya nakipagpalit ng higaan dito, edi hindi na sana ito na damay. “Sorry ah.... gusto mo, palit nalang ulit tayo ng higaan?” alok niya pa.

   “Hindi.... wag kang mag-sorry. Sumosobra na talaga iyang si Sir Joaquin..... lahat nalang kami dito, pinahihirapan. Hindi pa nakuntento, mananakot pa! Naku.... kapag sinumbong ko iyan kay Ma’am Julianna--”

   Agad nang pinutol ni Chichay ang sasabihin nito. “N-naku wag! Wag, ate Whitney..... wag kang mag-sumbong. Ummm.... ano, una palang naman eh.... palampasin nalang muna natin.” paki-usap pa ni Chichay.

   Naka-tayo narin sa wakas si Whitney, at bumalik na din sa higaan. “Bakit naman? Naku, dapat lang naman sakanya ‘yon! Sumosobra na siya! Malapit nang masira ang ulo ng mga tao dito, dahil sakanya!”

   “Eh sige na po.... ibigay niyo na sa’kin to!” tinabihan niya pa ito sa kama at halos alugin na ang mga braso nito. “Kasi, kapag nag-sumbong tayo.... baka lalo lang tayong pag-initan ni Sir Joaquin. Lalo naman ako, maawa ka naman sa’kin ate.... kabago bago ko lang dito. Kailangang kailangan po ng pamilya ko ng pera ngayon.”

   “Osya, siya..... tigilan mo na ‘yang pag-kalog mo sa’kin!” inalis na nito ang kamay niya, at nag-ayos na ng mga unan. “Inaantok na ‘ko.... matulog ka na din, maaga pa tayo bukas.” Nahiga na rin ito. “Pero sa susunod ah, sa susunod na gawan ako ng kalokohan niyan, naku.... mag-susumbong na talaga ako kay Ma’am!” parang may mga sasabihin pa sana ito, pero hindi na natuloy dahil naka-tulog na. Natawa nalang si Chichay dito.

   Pero saglit lang iyon, dahil naalala niya din ka-agad ‘yung mga sinabi ni Joaquin.... at ‘yung muntik nang gawin ng dalawa. Hindi siya makapaniwalang gagawin sakanya ni Francis iyon. Oo alam niyang medyo inis ito sakanya.... pero para umabot sa ganoon? Ano bang nagawa niyang masama dito?

   Pinilit niya nalang na makatulugan ang pag-iisip.

****

   “Ano? Bakit? Eh... kaka-simula palang natin ah. Wala pa nga tayo halos nagagawa.... aayaw ka na kaagad?!” pigil ang sigaw ni Joaquin. Hindi niya kasi inaasahan na ganito pala kabilis panghinaan ng loob si Francis. Hindi naman sa hindi niya kayang gawin mag-isa ang pagpapaalis sa bagong yaya.... pero kasi, sa tulong ni Francis.... parang lalong nagiging masaya ang lahat. Sawang sawa na siya sa video games at sa kwentuhan.... ngayon na may bago na siyang kalaro, ito na ata ang pinaka-masayang laro na naiisip niya! “Nagbibiro ka lang naman, diba? Umm... ganito, bukas ganito naman ang gagawin natin ah. Maagse-set tayo ng trap! Ummm.... ano, ka-kailanganin natin ng lubid, saka--”

Prancis And I (A KathQuen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon