Chapter TWENTY

844 25 7
                                    

Chapter TWENTY

   “Prancis!” dali daling nag-tatakbo si Chichay para malapitan si Francis. Nang maka-lapit, ay naupo siya sa tabi nito at pilit na inangat ang tingin nito, para makausap niya ng maayos. Naka-pikit ito ng mariin, at nakahawak parin sa dibdib. Lalo tuloy siyang nag-alala. “Anong nangyari sa’yo, ha? Sumisikip ang dibdib mo?” magka-sunod na tanong niya, pero hindi siya nito masagot.

   Napa-lingon siya agad sa mga magulang niya, at saka sumigaw ulit. “Papa bear, Mama bear... patulong po, ipasok natin siya sa loob!”

   Agad namang nagsi-kilos ang mga ito. Nauna sa loob si Aling Betchay, para mai-latag ang paghihigaan nito... habang sabay namang inakay ng mag-amang Chito at Chichay ang namimilipit na binata. Agad din nila iyong ihiniga sa bagong latag na kutson.

   “Kukuha ako ng tubig.” Paalam ni Aling Betchay.

   Si Mang Chito naman ay napa-titig nalang muna sa anak niya, at sa binatang tinutulungan. Kitang kita niya ang pag-aalala sa mga mata ng anak. Pero sa nakikita niya, parang kulang pa ang pag-aalala para ilarawan kung anong nakikita niya kay Chichay. Pagmamalasakit kaya? O baka naman pagmamahal? Hindi siya sigurado. Basta ang alam niya lang.... parang nakikita niya ang sarili niya at ang kanyang asawa, kay Chichay at sa binatang naka-higa. Naka-upo rin sa kutson ang dalaga, habang pisil-pisil nito ang kamay ng binata. Sa kabila namang kamay, ay may hawak itong piraso ng karton na ipinang-papaypay naman dito.

   Napa-kunot noo nalang si Mang Chito sa nakikita. Tila napa-isip.

   “Heto na’ng tubig,” papasok na sana sa kwarto si Aling Betchay, dala ang isang basong tubig.... pero hinarang siya ng asawa. Nagka-titigan sila sa may pinto. “May problema ba, Papa Bear?” tanong niya din. Naka-harang parin kasi ang isang braso nito sa daraanan niya.

   “Tignan mo sila.” ngumuso pa si Mang Chito sa kinaroroonan ng anak, at ng naka-higang si Francis. Naka-kunot noo parin siya. “Yan ‘yung Prancis na madalas i-kwento ng anak mo sa’tin sa t’wing nakaka-usap natin siya sa telepono diba?”

   “Oo, Papa Bear.” Hinawakan niya ang braso ng asawa, at hinila ito pababa para makadaan siya. “Hindi mo ba natatandaan? Nang-galing na ‘yan dati dito ah... halos ganyan din ang eksena. Inatake nanaman ata sa puso. Hayaan mo na... kawawa naman o.”

   Napa-himas sa ulo si Mang Chito. Hindi ata siya naintindihan ng asawa. “Hindi naman ‘yun e.... syempre gusto ko ding maka-tulong sa kapwa, Mama Bear. Walang kaso sa’kin ‘yan, lalo pa’t kaibigan ng anak natin.” sinasamahan niya pa ng hand gestures ang pagpapaliwanag. “Pero tignan mo silang dalawa,” ngumuso ulit siya sa dalawa para ituro sa asawa. “Tignan mo kung papano tignan, at alagaan ng anak mo ‘yang lalaking ‘yan. Sigurado ka bang.... kaibigan lang talaga?”

   Napa-titig narin tuloy sa dalawa si Aling Betchay. Kitang kita ang pagmamalasakit ni Chichay para sa lalaking ito. Ni hindi nga nito napapansin na naroon lang pala sila ng kanyang asawa, pinagmamasdan at pinaguusapan sila. Masyadong abala ata ang isang kamay nito sa pag haplos-haplos sa buhok ng binata papunta sa gilid.... habang ang isa naman nitong kamay ay walang humpay sa pagpaypay sa mukha ng binata, dahil nasa repair shop pa ang tanging electric fan nila.

   Naalala niya tuloy ang nabasa niyang text na ipinadala ni Chichay para sa Francis na ito. Masaya ako para sayo! Manlibre ka kapag kayo na ni Sarah ah. Nagtaka tuloy siya. Alam niyang likas na masiyahin ang kanyang anak. At sigurado siyang hindi ‘masaya’ ang tawag sa hitsura ni Chichay kanina, tulad ng sabi nito sa text.

   Itinaboy niya nalang ang pag-iisip. Tinapik niya na din bigla ang brasong naka-harang sa daraanan niya. Nilampasan niya ang asawa, at lumapit nalang sa dalawa. “Chichay, anak... etong tubig o. Kamusta siya?”

Prancis And I (A KathQuen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon