Chapter THIRTEEN

1K 27 15
                                    

Chapter THIRTEEN

   “Hey, ano.... okay ka lang?” inulit pa ni Francis ang tanong niya.

   Tumango na lamang si Chichay, at tila hindi parin mahanap ang mga tamang salitang sasabihin. Masyado nanaman ata siyang nabighani sa ka-gwapuhan ng lalaki, at tila hindi niya parin maalis ang pagtitig dito. Lalo tuloy siyang nahiya. Pero kung tatanungin.... parang kuntento na nga ata siyang buhatin nalang siya ni Francis forever. Kung kanina kasi, amoy ng nilulutong pagkain ang nanunoot sa pang-amoy niya.... ngayon naman, ang napaka bangong amoy naman ni Francis.

   Pinutol na din sa wakas ni Francis ang titigan nila, at inilapag si Chichay sa sofa na malapit. Gusto niya sanang puntahan si Joaquin, at komprontahin sa ginawa nito... pero napa-isip parin siya. Bakit naman niya gagawin ‘yon? Alam niya na naman noon pa, na gagawa ng paraan si Joaquin para pahirapan at mapalayas ang bagong yaya nito. Bakit ba kasi ngayon, parang nagagalit siya? Naiinis? hindi niya maintindihan, pero parang gusto niyang tumigil na nga si Joaquin. Parang gusto niyang.... naroon siya palagi para ipagtanggol si Chichay, kung sakaling uulit si Joaquin. Parang gusto niyang protektahan ito.

   “Ano ‘yung narinig ko? Sinong sumisigaw diyan?!” parang alalang-alalang lumapit si Julianna.

   Nagkatinginan muna ang mga kasambahay, dahil hindi nila alam kung anong sasabihin sa amo. Gusto nilang isumbong ang ginawa ni Joaquin.... pero parang walang may lakas ng loob sakanila para unang magsalita. Napa-harap naman dito si Francis at magsasalita na sana, pero naunahan naman.

   “Ahmmm... Ma’am, wala po ‘yon. Akala po kasi namin may sunog sa kusina.... hehe, wala naman po pala.” Napa-kamot pa ng ulo si Chichay. Pasimple niya pang pinandilatan si Francis. Basang basa kasi sa mukha nito na gusto nitong magsumbong. At naisip niya.... kung isusumbong niya si Joaquin, baka lalo lang siyang pag-initan nito.... at mauwi pa sa pagkawala ng trabaho niya. “Sorry po, Ma’am.... may pagka-O.A kami dito. Ang laki po kasi nung usok eh.”

   “Naku naman.... sa susunod kasi, mag-iingat kayo ha. Ano ba, saan ba nang-galing ‘yung usok na sinasabi ni Chichay?” isa isa pang tinignan ni Julianna ang mga kasambahay, na nagpapasahan naman ng tingin.

   “Sa niluluto lang po namin Ma’am.... muntik na kasing masunog.” Pagdadahilan ni Whitney. “Pero ‘yung iba pong usok, galing lang ata sa ilong ni Tarantina.... ang aga aga po kasi, ang init init ng ulo!” Napa-layo pa siya kay Tarantina, sa takot na mahagip siya ng nanlilisik na paningin nito. “Pero, wag na po kayong mag-alala Ma’am, wala na po iyon. Okay na po.”

   Dahan-dahan nalang na napa-tango si Julianna. “O sige, bilisan niyo nalang sa paghahanda ng breakfast.... male-late na ‘ko sa opisina. Babantayan kasing mabuti, para walang nasusunog.”

   Naka-hinga lang sila ng maluwag, nang umalis na si Julianna. Lalong lalo na si Chichay. Buti nalang, naniwala ‘yon sa palusot niya! Bumalik na din sa kanya-kanyang trabaho ang mga kasambahay. Hindi na din sila nagtanong kung bakit hindi pa nagsumbong si Chichay kay Julianna tungkol sa mga pinag-gagagawa ni Joaquin. Alam naman kasi nilang gulo lang ang dala non, kung sakali.

   “Ummm... Prancis, salamat sa pagsalo sa’kin ah. Kung hindi dahil sa’yo, baka ngumudngod na ‘yung mukha ko sa tiles.” Dahan-dahan na rin siyang tumayo. “Sige ah, tutulungan ko na sila sa kusina.”

   “Chichay, wait.” biglang hinila ni Francis ang kamay niya. Ayun nanaman.... naramdaman niya nanaman ang kuryenteng iyon tuwing mahahawakan siya ni Francis! Napa-pikit pa siya ng madiin, bago dahan-dahang humarap muli sa lalaki.

   “Mmmm?”

   Gusto lang sanang balaan ni Francis si Chichay tungkol sa mga maaaring gawin ni Joaquin, pero hindi niya alam kung papano sisimulan. Bigla siyang napatingin sa mga kamay nila. Hawak niya parin ang kamay nito. Nang walang anu-ano’y.... hinila niya iyon palabas.

Prancis And I (A KathQuen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon