I AM HERE
written by MysteriousAbbysssss
Nahihilo pa rin ako dahil sa patay sinding ilaw sa paligid ko. Hindi ko mawari ngunit tila nagdodoble ang tingin ko sa mga bagay-bagay. Hindi na rin ako makapaglakad ng tuwid. Naramdaman ko na lamang ang isang balikat na nakaakbay sa akin kaya natigilan ako.
"Saan ka na pupunta? Hindi pa tapos ang party, oh," wika ng lalaking nakaakbay sa akin.
"Uuwi na ako. Medyo hindi na rin maganda pakiramdam ko eh. Gusto ko na matulog," sagot ko sa lalaki ngunit hinawakan niya ang aking braso nang magtangka akong maglakad palabas ng bahay na iyon.
"Magpahinga ka kaya muna. May kwarto naman sa itaas. Ihahatid kita roon. Doon ka muna matulog. Ihahatid kita pagtapos ng party," pagpupumilit ng lalaking kausap ko na sa tingin ko ay si Nathan. Bahay kasi nila ito. Dito idinaos ang graduation party matapos namin makatapos sa kolehiyo.
Hindi pa ako nakakasagot sa paanyaya niya nang buhatin niya ako at inakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila. Medyo napapapikit na rin ako dahil sa labis na kalasingan. Narinig ko pa ang tunog na nalikha nang buksan niya ang isang kwarto. Matapos itong mabuksan ay ihiniga niya ako sa kama. Medyo madilim sa silid na iyon at tanging isang mahinang ilaw sa gilid ng kama lamang ang naroroon.
Akala ko ay aalis na siya matapos niyang gawin iyon ngunit nagulat ako nang makita kong tila naghuhubad na si Nathan sa aking harapan. Medyo malabo na ang pupungay-pungay kong mga mata ngunit hindi ako maaaring magkamali, naghuhubad nga siya!
"A-anong ginagawa mo, Nathan?"
"Sssh, 'wag ka maingay. Ihahatid lang kita sa langit. Magugustuhan mo rin 'to, Aaina. Pangako, gagalingan ko."
Kinabahan ako matapos kong marinig sa kaniya ang mga katagang iyon. Pinilit kong gumalaw upang magmadaling umalis sa kuwartong iyon ngunit wala na akong lakas. Lasing na lasing ako nang mga oras na iyon.
Nagmakaawa ako kay Nathan ngunit tila isa siyang binging leon na natatakam sa nakahaing sariwang karne sa kaniyang harapan. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit muli ko rin itong minulat nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na nanggagaling sa silid na iyon.
"Siguro naman ay bawi na tayo sa mga utang ko sa 'yo. Ikaw na ang bahala diyan," rinig kong wika ni Julie kay Nathan bago siya tuluyang umalis sa kwartong iyon. Si Julie ang kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan ko. Hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ang bagay na iyon.
Ni minsan ay hindi ko naisip na ipagkakanulo ako ng bestfriend ko. Hindi ko sukat akalain na pagtataksilan niya ako.
"Tulungan mo ako, Julie. Ilabas mo ako rito." Iyan ang tanging naisigaw ko habang pinagsasamantalahan ni Nathan ang katawan ko.
***
"Tulungan mo ako, Julie," malakas na sigaw ko bago ako tuluyang magising sa panaginip na iyon. Ang bangungot na paulit-ulit na tumutugis sa akin. Muling bumalik sa diwa ko ang mga nangyari sa nakaraan na pinilit kong kalimutan.
Ang mga pagtataksil ng nakaraan ay naulit na naman. Muling nabuksan ang mga sugat na akala ko ay matagal nang naghilom. Hindi na ako natuto. Sa ikalawang pagkakataon, bakit umasa akong ililigtas niya ako?
Yakap-yakap ko ang aking mga tuhod habang hindi mapigil sa pag-iyak. Parang kahapon lamang mula ng mangyari ang insidenteng iyon. ang insedente kung saan ipinagkanulo ako ng best friend ko bilang kabayaran sa utang niya.
Nanggagalaiti kong tiningnan si Julie na kasalukuyang nagsusuklay ng kaniyang buhok sa harapan ng salamin. Hindi siya nagtagumpay noong pinilit niya kay Zac na tabunan ang salaming ito. Mas mabuti na iyon, bagama't masakit na makita silang dalawa, mas gugustuhin ko pang makita ang kabilang panig ng salamin upang mas malaman kung paano ako makakaalis dito.
Nagimbal ang aking mundo sa sunod na tagpong nasaksihan ko. Pumasok si Rayven sa kwarto naming mag-asawa at agad na sinunggaban ng halik si Julie. Tumugon naman ang babae sa mga halik na iyon at ipinulupot pa ang braso niya sa leeg ni Rayven. Rinig ko pa ang hagikhik ni Julie sa pagitan ng kanilang halikan.
"Nakaalis na ba siya? Baka bumalik 'yon at mahuli tayo ha."
"Nakaalis na siya. Masosolo na kita ulit."
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
I Am Here | PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATION
Misteri / ThrillerStatus: Completed Language: Taglish Genre: Mystery-Thriller Weeks after getting married, the wife woke up stuck inside a mirror. How will she survive? Can she handle the truth she'll see underneath the reflection? How can she tell her husband that s...