Two

356 115 116
                                    

Naglalakad ako kasama ang mga tropapitz ko nang biglang may tumama sa akin na bola. Sa ulo ko pa talaga tumama. Umusok agad ang ilong ko at tinignan kung saan galing 'yun. Nakita ko yung nakatama ng bola, mukhang ang saya pa niya, ah. Nakita ko yung ngiti niya nakakatunaw at parang nag slow mo ang paligid. Lalapitan ko na sana, dahil sa galit kaso--



"Misty, gising na!" sigaw ng pesteng alarm ko. Sayang naman 'yung panaginip ko, mala-movie ang peg.



Umikot ako sa kama at hindi ko alam na nasa dulo na pala ako kaya, "Aguy!" minsan mapapa 'It really hurts' ka nalang talaga. Sakit ng tagiliran ko.



Biglang pumasok ang pinto at sumasayaw pa rin ako ng it really hurts habang nasa carpet. Sa carpet ako nalaglag pero masakit pa rin katawan ko. Sa divisoria lang ata ito binili, ah. "Hoy, halika na bibili na-- what the hell." gulat na sambit ni kuya.



Nakauwi na pala sila nung girlfriend niya nung nakaraang araw. Buti ay wala rito 'yung babaeng 'yun.



Bigla lang ako napatayo na para bang walang nangyare, "Ano ba yan hindi ka ba marunong kumatok?" sarcastic kong sabi sa kuya kong tigre.



"Tsh, anong ginagawa mo kanina, para kang uod!" bulyaw niya sa akin. "Maligo ka na nga! Sinabi nang bibili tayo ngayon ng kotse mo!" sigaw niya sa akin.



Nanlaki ang mata ko. Oo nga pala! Nakalimutan ko pero ayaw ko ng kotse. "Kuya motor nalang kasi pwease?" pakiusap ko at nagpuppy eyes pa ako pero parang hindi effective.



"Aish! Kapag ba binilhan ka namin ng motor, magt-trabaho kana? Alam mong delikado ang pagd-drive ng motor." seryosong saad niya.



"D-Doon sa bed and breakfast ni kulang- kuya Choule?" tanong ko. "Magiging maingat naman ako, eh." sagot ko sa huling saad ni kuya Chandler.



"Aish. Oo, 'di ba usapan na natin 'yan noon nung umalis ka sa hotel dahil na broken ka kay-" pinutol ko siya.



"'Wag mo na ngang mabanggit banggit 'yang pangalan na 'yan, kuya!" reklamo ko. "Alis ka na. Maliligo na 'ko," pagtaboy ko sa kanya.



Mayroon na ring sariling business na B&B (Bed and Breakfast) si kulangot after niyang nakagraduate. Gusto niya kasi magkaroon ng sariling negosyo at hindi na aasa sa business nila mom and dad. Kaya roon nila ako gustong pagtrabahuin ni kuya para ma-train ako, dahil si kuya Choule naman ay nagsasarili na at 'di na siya pwedeng maging manager sa hotel.



"Magsuot ka naman nang maayos," sambit niya at nagpamaywang. Napaawang ang labi ko, "Hindi 'yung puro ka polo, kaya hindi ka nagkaka-boyfriend, eh." inaaway pa ako, eh.



"Wala naman akong paki kung may magkagusto o wala sa akin, kuya. Atsaka paborito ko ang ganitong style!" Paborito ko kasi magsuot ng polo at pantalon. Eh, doon ako komportable.



"Parang dati lang nanghihingi ka pa ng pera para pambili ng dress m-" hinampas ko siya sa braso, "Hey! Masakit!" tumakbo ako at kumuha ng unan at ibinato sa kanya. "Ouch! Ano ba, Misty!" iniilag niya ang sarili niya gamit ang kanyang braso.



"Ano 'yung amoy mabaho?" sumulpot sa likod ni kuya si kulangot, "Amoy hindi pa naligo!" tinawanan naman nila ako. Napairap nalang ako. "Para namang naligo na kayo! Ikaw nga, ang pangit mo pa rin kahit naliligo ka!" nang-asar ulit sila at tinaboy ko nalang at naligo na.



Hindi na sumama si kuya Chandler sa pagbili ng motor ko. Kasama ko si kulangot Choule, siya ang nagdrive sa akin. Suot ko ay red and black na checkered with white sandi sa loob, maong pants at Fila disruptor.



When the Stars Aligned Where stories live. Discover now