Thirteen

149 47 27
                                        

"Hah!" Napasinghal ako.



"So dapat ma-inlove ako sayo para hindi mapuputol ang koneksiyon ng mga kompanya natin?" Matabang na tanong ko at umikot ng higa para talikuran siya.



Pagkagising ko ay nagtaka ako bakit siya biglang nag-sorry. Tapos in-explain niya na dapat makuha ang tiwala ko para ma-inlove sa kanya ng sa ganun ay mas tumibay ang koneksiyon ng dalawang kompanya.



Bumuntong hininga si Dwarren at niyakap ako patalikod. Magkatabi kaming natutulog kahit na dapat ay may unan sa gitna namin, lagi kapag gumigising ako ay yakap yakap na niya ako. "Iyon ang plano noon," mas niyakap niya ako ng mahigpit. "Ang mapa-inlove ka para hindi ma-cut ang ties ng companies natin."



Hinagod niya ang buhok ko. "Mis-" Pinutol ko ang sasabihin niya.



"Pakitang tao lang ba ang lahat, Dwarren?" Kinagat ko ang labi ko para hindi tuluyang umiyak.



Siniksik niya ang mukha sa batok ko, "Hindi, M... Lahat ng iyon totoo... Hindi ko kayang magpanggap."



"Sure ka na ba sa akin?" Gusto ko lang ng assurance.



"Oo, siguradong sigurado, M. Sayo lang ako nabaliw nang ganito," ramdam ko ang bawat hininga niya sa batok ko.



"Paano kung naaawa ka lang pala sa akin?" Umikot ako para maharap siya. Tinignan ko siya, halatang malungkot ang mga mata niya. "Baka minahal mo lang ako kasi naaawa ka sa akin. Baka nagi-guilty ka lang sa mga plano niyo ng dad mo... Na kunin ang loob ko... Mapa-inlove ako sayo." Yumuko ako sa naisip.



Tinaas niya ang baba ko at tinignan din ako sa mga mata. "I've never fake my love to someone," hinaplos niya ang mukha at napapikit naman ako sabay sa pagtulo ng luha. Hinalikan niya ang noo ko pababa sa ilong papuntang labi. Ginawa niya iyon nang marahan. "Sorry... Noong una kitang nakita inaaamin ko ayaw ko sa ganitong fake engagement," napamulat ako.



Kahit ako rin naman.



"Pero nang mas nakilala kita," hinawakan niya ang kamay ko at nilagay iyon sa dibdib niya. "Parang nabuhay ako ulit. I never felt joy in my life before. Pero ikaw.." Napailing siya, "Simpleng pagngiti, pagtawa, at pagsusungit mo, bumibilis ang pagtibok ng puso ko." Hawak niya pa rin ang kamay kong nasa dibdib niya. Pagkatapos ay pinisil at dinampian niya ng maraming halik ang likod ng palad ko. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya, pinapakinggan at pinagmamasdan siya. "Bagay talaga sayo 'tong singsing."



"Hmm?" nilingon ko 'yung engagement ring na nasa daliri ko. Hinahaplos-haplos niya iyon at tinitignan.



Bigla akong may naisip na banat, "Mas bagay kapag wedding ring na," ngumiti ako at bumaling naman siya sa akin.



Binitawan niya ang kamay ko at niyakap ako. "Lalaki ako.. Pero kinikilig ako." Natatawang sabi niya. Napahalakhak naman ako. Yumakap din ako pabalik at hinahagod ang likod niya. Ang binti niya ay pinatong na naman sa akin, ginawa akong parang unan. "Payapa sa yakap mo, misis ko slash baby ko." Tumawa naman ako para maitago ang aking kilig na nararamdaman.



Iyong 'baby' at 'misis' na iyan! Naghuhurumentado na naman ang puso ko!



"Tawagin mo nga akong baby ngayon, misis." Utos niya habang magkayakap pa rin kami.



Hindi ako magsasawa na yakapin siya habangbuhay.



Tumingala ako sa kanya bago ngumisi. "Tumataas talaga serotonin ko dahil sayo, Dwarren, my mister... My baby." Hinalikan ko siya.



When the Stars Aligned Where stories live. Discover now