Twelve

147 49 20
                                    

"Hihinto muna ako sa pag-aaral," humihikbing sambit ni Raul sa akin.


Narito kami sa hospital kung saan in-admit ang mama niya. Sinamahan ko siya rito sa may hagdanan dahil lumabas siyang umiiyak. Naiwan sila Dwarren, Tonyo, at Benchong sa room kung saan ang mama niya para magbantay. Pareho kaming nakaupo at rinig na rinig ang hikbi niya na para bang bata.



Umusog ako papalapit sa kanya at niyakap siya. Hindi ko alam mang-comfort ng tao pero handa akong makinig. "Raul... Meron talagang bagay minsan na dumarating sa atin nang hindi inaasahan. Kung ano pa 'yung ayaw nating mangyari, nangyayari sa atin." Hinawakan ko ang kamay niya habang humihikbi pa rin siya. "Maging matatag-"



Pinutol niya ako, "Paano kung pagod na akong maging matatag?" nilingon niya ako, pulang-pula na ang kanyang mga mata at napaawang naman ang mga labi ko. Napailing siya, "Kung hindi lang kami iniwan ng papa ko ng maaga," humikbi na naman siya at niyakap ang sarili, siniksik ang ulo sa tuhod.



"I-surrender mo lahat ng problema mo sa kanya. Sa itaas," nilingon niya ako, "Hindi ako marunong mang-comfort ng tao. Sorry." Niyakap ko siya patagilid, "Andito lang kami, Raul." Sabi ko habang tinatapik tapik ang kanyang likod.



Kumalma na rin siya sa paghikbi, "Salamat, M, ha. Sa inyong lahat," niyakap din niya ako. "Kayo ang nagpapalakas sa akin. Hindi ako susuko at lalaban lang."



"Uh, tubig.." May biglang nagsalita na lalaki at sabay naming binalingan iyon ni Raul. Si Dwarren, nakatayo sa harapan namin at may inaalok na tubig. Isang bote ng tubig para kay Raul.



"Salamat," nahihiyang tinanggap iyon ni Raul sa kanya.



"Wala sa akin?" Sumimangot ako at humalukipkip.



"Gusto mo ba? Bilhan kita ng isang galong tubig," sabay naman akong tinawanan ng dalawa at napangiwi nalang ako.



Andito rin si Dwarren sa hospital dahil mag-tataxi lang sana ako pero sabi niya ay sasamahan nalang daw niya ako.




"Lalabas muna ako. Uh, anong dinner gusto niyo?" tanong ni Dwarren habang nakapamulsa.



"Kahit 'wag na pre.." sagot naman ni Raul.



Tinapik ko ang balikat niya, "Sige na. Magsabi ka lang," pangungumbinsi ko. Napakamot ng batok si Raul at napilitan din.



Nag-order si Dwarren ng pagkain naming lahat na andito sa kwarto ng mama no Raul. Sasamahan ko sana si Benchong na bumili ng mga prutas pero sabi ni Dwarren ay siya na lang daw.



"Salamat dito, pre." Ani ni Raul.



Nagsalita ang mama ni Raul, "Naku. Nag-abala pa kayo. Pasensya na at mukhang nakaistorbo pa ako. Baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo." Nanghihinang sabi niya sa amin.



"Hindi po kayo nakakaistorbo, tita." Sabi namin at nginitian siya. Bumaling ako sa mga kapatid ni Raul na tahimik lang kumakain.



"Rea, Rona, Renz," pagtawag ko sa kanila. Nilingon naman nila ako. Nilahad ko ang fries na hindi ko nakainan, "Sa inyo nalang 'to. Busog na si ate," saad ko at ngumiti. Lumapit si Rence sa akin at nagpasalamat.



"Baka masanay 'yang mga 'yan," paalala ni Raul. Ayaw niya kasing nasasanay ang mga kapatid niya sa ganoong klaseng pagkain dahil 'di naman healthy.



"Bili tayo ng prutas, Misty." Sabi ni Benchong sa akin habang ngumunguya.



"Ngayon na?" Tanong ko.



When the Stars Aligned Where stories live. Discover now