short chapter
--
[Akala ko ba one month lang ang stay mo riyan?] Natatawang tanong ni kulangot sa kabilang linya. Nagpaalam kasi ako na hindi pa ako makakauwi agad sa bahay dahil ayaw ko pang mawalay kay Dwarren.Wow, mawalay talaga!
"Eh!" napapadyak ako. "Gusto ko siyang mas makasama." naks naman, bakit may paganito na ako? Samantalang dati ay nandidiri ako sa mga corny jokes or banat ng mga magjowa. "Bibisi-bisita naman ako riyan. Or kaya kayo bumisita paminsan-minsan. Bisitahin niyo naman kapatid niyo!" bulyaw ko.
Tinawanan niya lang ako. [Basta.. Magtino, ha." matino naman ako, ah! "'Wag kayong gagawa ng kalokohan. 'Di pa kayo kasal.] Pagpapaalala niya na naman. Kami lang daw kasing dalawa ang laging magkasama. Eh, sila nga itong nagtulak sa akin na mag-stay kasama si Dwarren sa iisang unit!
"Oo naman! Noted na 'yan," naramdaman ko namang gumalaw na si Dwarren sa tabi ko. Sa iisang kama na kami natutulog pero hinaharangan niya ng isang unan sa gitna namin. "Sige, bye na. Labyu!" tumawa ako.
[Si Anais lang ang love ko. Ble!] Aniya bago ibinaba ang tawag.
"Who's that?" inaantok na tanong ni Dwarren. Yakap pa ang unan sa pagitan namin.
Umayos ako sa paghiga at gumilid para harapin siya. "Good morning," malambing na sambit ko at ngumiti, pambabalewala sa tanong niya.
Minulat niya ang mata at nilingon ako. "Goodmorning, baby." parang may butterflies sa tiyan ko sa pagsabi niya ng 'baby' sa akin.
"Hindi kita baby." asawa kita!
Soon pa 'yon, M! Kalma nga!
Bigla naman naging tumalim ang titig sa akin, "Sino nga 'yung kausap mo? Bakit may 'labyu'?" inis na tanong niya sa akin.
Ngumisi ako, "Si kulangot 'yun." sagot ko.
"Kulangot?"
"Oo. Iyong mahal ko," mas lalo akong ngumisi.
Mas kumunot ang noo niya, "Mahal!?" exaggerated ka, girl?
"Oo nga, si kulangot."
Inikot niya ang mata niya, "Is it my future brother in law?" aniya.
Humalakhak ako bago tumango. "Oo, kasi Choule. Parang Choule-angot kaya kulangot." natatawang paliwanag ko. Natawa rin naman siya. Umahon siya sa pagkakahiga. Umupo siya sa kama at nagkamot ng batok. "Bakit? Ano meron?" pagtataka ko.
Ginulo niya ang buhok niya kaya mas gumwapo tuloy siya. Ang unfair! Bagong gising ang gwapo pa rin samantalang ako- Bigla kong tinakpan ang mukha ko.
"Bakit?" inaalis niya ang pagkakatakip ng mukha ko.
"Hindi pa ako nakakahilamos!" bulyaw ko.
Inaalis niya pa rin pero 'di ako nagpapatinag. "Maganda ka naman."
Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa bathroom para maghilamos ng mukha at magsipilyo. Mayroon pa akong muta!
"'Di mo sinabi agad na may muta ako!" gigil na sambit ko sa kanya. Pero tinatawanan lang ako. "Walanghiya ka talaga!" tumayo naman siya at tumakbo palabas ng bedroom.
YOU ARE READING
When the Stars Aligned
RomanceMisty was engaged. That engagement was all arranged by her brothers. They didn't liked each other at first, but little did they know that they were falling for each other. Until, Misty found out that her future Mister had a child with someone else...